Chapter 22:

1.2K 58 6
                                    



PARANG KAILAN lang ay naligtas nila ang anak na si Elma at nahanap na rin nila ang bunsong anak na si Kim. Hindi man niya inaasahang sa muli nilang pagkikita ay may sari-sarili na ang mga itong pamilya. Ang bunso niya na noon ay bente uno at si Elma na bente tres. Hindi rin inaasahan si Greg ang makakatuluyan ng anak.

Muntik pa siyang mahuli sa kasal mismo ng anak. Kababa pa lamang niya ng chopper ng makita si Winona. Masaya itong nakikipagharutan sa iba nitong kasamahan. Nang magawi ang tingin nito sa kaniya ay bigla itong napipilan.

"Oh papa, buti naman at nakahabol kayo. Malapit na magtampo ni ate niyan.." ang malambing na bati ng bunsong si Kim. Naging mabilis ang seremonyas, abala rin naman ang anak na noon ay kalong ang apat na buwang anak nito. Ginala ang paningin kung nasaan si Winona ngunit hindi ito masipat. Abala rin naman siyang nakikiusap sa ilang kamag-anak nila na noon ay nalaman na ring buhay pa siya.

Nang mamataan si Winona ay tila kausap nito si Alexis at tila seryoso ang usapan ng mga ito base sa ekspresyon ng mga mukha nila.

Bigla ay naging unconscious si Winona. Nakitang halos hindi man lang magawang lumapit ni Dante sa kaniya. Ganoon ba siya kahirap ipakilala man lang sa mga kakilala nito at kamag-anak. Inis na inis lalo pa at ramdam na ramdam niyang iniiwasan siya nito.

Mabuti na lamang at masaya kasama ang mga katrabaho niya. Ngunit, nang magtagal ay nagsipag-alisan na dahil baka daw hinahanap na ng mga ito ng mga misyon nila. Kumuha ng kopita saka nagtungo sa kubling bahagi ng lugar na pinagdausan ng kasal nina Alexis at Greg.

Maganda ang view doon kaya kahit papaano ay napapawi ang banas niya nang may magsalita sa kaniyang likuran.

"Bakit ka nag-iisa rito.." tinig buhat sa kaniyang likuran. Agad siyang natahimik saka humarap rito. Ngumiti siya kay Alexis. "Gusto ko lang huminga konti.." pagsisinungaling niya.

Lumapit ito sa kaniya. "Iyon lang ba?" Pang-uusisa nito. Kinabahan siya dahil baka may nalaman na ito tungkol sa kanila ng ama nito.

"Oo naman, at wala na rin naman akong makasama. Nag-alisan na sina Angelic, Taka, Haidee at Sundee." Sabad pa rin.

Ngumiti lalo si Alexis. "Sure ka bang iyon lang.." pangungulit nito sa kaniya.

Napakunot noo siya. "Alam mo bang nabanggit sa akin ng apat na malapit daw kayo ni papa.." wika nito.

Halos lumabas sa dibdib ang puso sa kaba ng sandaling iyon. Ganoon ba talaga kapag nasusukol sila. "Ha?" Kaila pa. Napatawa si Alexis sa reaksyon niya.

"Ate, hindi ko mapatahan—." Putol na turan ng kapatid ni Alexis. Agad itong lumapit sa kanila. "Sorry sa disturbo. Ate, gutom na yata itong pamangkin ko." Saad nito sabay abot sa anak niya.

Napatitig si Winona sa magkapatid. Agad na bumalik ang tingin ni Alexis sa kaniya at nahuling nakatingin siya sa mga ito. "Sorry, naaalala ko lang ang nakakabata kong kapatid. Parang ganiyan din kami kalapit sa isa't-isa." Aniya rito.

Mabuti at tumigil naman na ang iyak ng anak niya. "Ganoon po ba ate Winona. Nasaan po ba ang kapatid mo, baka maging kaibigan ko rin." Sabad ni Kim.

Naging mailap ang mata ni Winona. "Ah..eh..wala na siya." Pagsisinungaling rito. Ayaw man sana niya pero kailangan.

"Ah ganoon po ba?" Ang mahinang sambit ni Kim.

"Kim, Elma...nandito pala kayo.." tinig naman ng kanilang papa. Lahat sila ay napatingin sa pinanggalingan ng tinig. "Hinahanap kayo ni Greg." Ani ni Dante.

Agad namang tumalima ang kaniyang mga anak at naiwan si Winona. Agad itong nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Hahakbang na sana papalayo si Winona ng pigilan siya ni Dante. "Bitawan mo ako.." aniya rito.

DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon