KAILANGAN NA NIYANG pagplanuhan ang gagawin. Mukhang kinailangan na niyang kulitin ang nasa itaas para ibigay ang hinihiling ni Allan. Mukhang hindi na mapipigilan pa ni Alunan na ihasik ang kasamaan nito lalo na at talagang kailangan nito ang pera dahil malapit na itong mag-retire sa serbisyo.Kaya imbes na iuwi si Winona ay pinasyang humabol na magpunta sa pamunuan ng DOJ. Mabilisang desisyon para maisakatuparan na ang matagal na sanang pagbubuwag sa sindikato.
"Sa—saan tayo pupunta?" Agap na tanong nito nang mapansing iba ang tinatahak nilang daan.
"Kailangan ko nang kulitin ang nakakataas. Kapag na-grant ang request ni Allan ay makikipagtulungan siya sa akin. Sa atin kung gusto niyong mailigtas ang mga magulang mo!" Matiim na turan at agad na pinarada ang sasakyan sa harap ng isang malaking gusali.
"Wait me here," aniya saka umalis at pumasok sa loob ng gusali.
Mabuti na lamang naroroon pa ang ang chief ng DOJ na itinalaga ng pangulo. Sabi ay kapipirma lang ng pangulo ang grant for amnesty na ni-request nita. Agad na napangiti si Dante kay Atty. Kapunan. "Hope this may help you to finally crack down the syndicate." Turan pa nito bago inabot ang malaking white envelop na may nakalagay na confidencial. Addresee only at pangalan ang nakalagay doon.
"Samalat sir, I do hope. This is my last chance.." aniya habang hawak ang envelop. Tinapik siya nito sa balikat at nagpaalam na.
Agad na bumalik sa sasakyan ngunit ganoon na lamang ang gulat nang wala roon si Winona. "Shit!" Mura niya at agad na tinawagan ito gamit ang kaniyang earpiece.
"Hello..."
"Bakit?" Tinig ng babae.
"Asaan ka? Di ba sabi ko dito ka lang sa sasakyan." Giit rito.
"Okay, sorry. Nasi-CR ako eh. Pabalik na." Saad naman nito. Napabuntong hininga na lamang siya nang nalamang nagbanyo lang naman pala ito. Kinabahan kasi siya. Hindi na niya kontrolado ang isip nito lalo pa at alam na nitong pinaparusahan ang magulang o mas tamang sabihin na tino-torture nila ang mga ito malaman lang kung nasaan ang pero ng sindikato.
Nakatingin lang ito nang makabalik sa sasakyan si Winona at nahalata naman iyon ng babae. "Sorry.." agad na hiningi nito ng pasensiya mukha kasing nag-alala ito sa biglaan niyang pagkawala. "Nakuha mo ba?" Tanong na lamang para mawala ang tensyon sa pagitan nila.
"Yes.." aniya saka nilapag ang envelop sa harap ng sasakyan at nagdrive. "Text mo si Daisy. Dalawin ka sa bahay niyo kasama si Allan. We have to plan." Aniya saka muling tinuon ang tingin sa daan.
Napamaang na lamang si Winona. Gusto niya tuloy yakapin ang lalaki dahil malaking tuloy iyon sa kanilang magkapatid para iligtas ang kanilang pamilya kahit pa alam nitong nakipagkasabuwatan sila sa sindikato.
Napatingin pa si Dante kay Winona na noon ay nakatitig sa kaniya. "Hindi mo ba siya itetext?" Untag nito. Napangiti siya rito kahit pormal na pormal ang mukha nito.
Kahit pormal ang mukhang pinapakita ni Dante. Sa loob ay masaya dahil nakikita sa mukha ni Winona ang appreciation sa ginagawang pagtulong rito. Gusto niyang tanggalin dito ang pangamba. Gagawin nila ang lahat mailigtas lang ang magulang nito.
Mabilis nitong kinapa ang cellphone nito sa bulsa. Saka nagpadala ng mensahe. "Sasabihin ko bang kasama ka?" Tanong nito.
"No. Sabihin mo lang puntahan ka at isama si Allan. Mabuti na iyong nag-iingat." Aniya pa.
"Okay.." tugon naman nito.
Nang makarating sa bahay nito ay agad silang napaupo sa kawayang upuan. "Gusto mo ba ng tubig?" Alok ni Winona at kinuhanan ito.
BINABASA MO ANG
DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)
ActionLalaking may paninindigan. Lalaking isinakripisyo ang buhay para sa kapayapaan. Minsan nang nawasak ngunit bumangon at sa kaniyang pagbabalik. Iipunin ang mga taong sangkot sa malaking sindikato. Sa grupong binuo ay siyang bubuwag sa sindikatong nag...