Chapter 27:

3.7K 104 52
                                    



"SABI KO buntis ako.." malakas na ulit rito. Doon ay tila natauhan ito. Natigilan ay napayuko. Hindi alam kung masaya ba sa nalaman nito o nagsisisi.

"Ano?" Untag rito. "Uupo ka lang ba diyan."

Napahawak ito ng batok nito tila ba wala itong balak sa pinagbubuntis niya.

"Umalis ka na!" Aniya saka tinungo ang pintuhan upang pagbuksan ito. "Umalis ka na.." sigaw niya rito.

Hindi natinag si Dante. Hindi sa ayaw niyang panagutan ang bata. Naiisip niya lang ang iisipin ng mga anak niya. Sina Elma at Kim. Isa pa, kailangan nilang ituloy ang plano nila para tuluyan nang matanggal ang tinik sa kani-kanilang lalamunan.

Para tuloy gustonb maiyak ni Winona sa nakikitang reaksyon ni Dante. "Hindi naman kita pililitin kung ayaw ko.." garalgal na tinig niya.

Doon ay tumingin na si Dante. "Hindi naman sa ganoon. Iniisip ko lang ang mga anak ko. Isa pa, ito na iyong huling chance na mahuli natin si Alunan at matapos na ito. Mailigtas natin abg nga magulang mo." Giit rito.

Napabuntong hininga si Winona. Sabagay, pipiliin ba siya nito. Eh noon nga ay naisakripisyo nito ang pamilya alang-alang sa sinumpaan nitong serbisyo. Kahit papaano may punto rin naman ito. Bakit ngayon pa kasi siya nabuntis, ngayong may pag-asa nang matapos nito ang misyon. Ang tuluyang pabagsakin ang sindikato ni General Alunan.

"Okay, ituloy natin ang plano." Aniya saka iniwan ito sa sala ng bahay nila.

Pagpasok sa silid ay napabuntong hininga siya. Ayaw niyang tuluyang umiyak. Kailangan niyang maging magapang para muling mabuo ang pamilya at para sa anak na nasa sinapupunan.

Mga ilang saglit rin ang dumaan nang kumatok si Dante sa kaniyang pintuhan. "Kailangan nating mag-usap." Tinig nito sa labas. Agad siyang lumabas at nagkatitigan sila.

"Sorry, nabigla lang ako. Tama ka, hindi makakabuti sa kalagayan mong kaladkarin kita sa plano namin." Saad nito.

"Okay na ako, magulang ko ang ililigtas natin. Alam kong kailangan mo ako roon." Sabad naman. Batid niyang hindi siya nito pababayaan kapag nagkataon. Kilala niya si Dante lalo pa at alam nito ang kaniyang kondisyon. Tumitig ito sa kaniya tila ba inaarok kung mula sa puso ang sinabing iyon.

"Hindi mo naman ako pababayaan di ba?" Aniya rito.

"Sorry kung inilagay—."

Agad na hinarang ang daliri sa bibig nito. "Ginusto ko ito," aniya. Masaya na siyang malaman na tanggap nito ang batang nasa sinapupunan.

"Pero ayaw kong magaya ka sa una kong asawa.." giit rito.

"Iba ako sa kaniya, kaya nga kita sasamahan dahil alam kong magtutulungan tayo. Handa kitang tulungan hanggang matapos natin itong misyong ito. Handa ako sa lahat ng posibilidad." Aniya rito.

Nakitang ang pagtaas baba ng adams apple nito. Mahal niya ito at handa siyang makipagsapalaran at kung ito ang plano para matapos lang ang lahat at handa na siya. Nabigla lang siya kanina dahil natakot para sa magiging anak.

Niyakap ni Dante si Winona. Saka pinangako na matapos lang ang misyon nila ay kakausapin na niya ang mga anak at sasabihin na ang tungkol sa kanila. Batid nilang may hinala na si Elma pero tila naghihintay nang kompirmasyon galing sa kanila.

"Pangako, pagkatapos nito ay ipapakilala na kita sa mga anak ko bilang..." anito na biglang natigil. Tila hindi nito masabi ang salitang kasintahan.

"Bilang?" Aniya rito. "Ganoon ba nakakaasiwang sabihin?" Taas kilay niya.

Napangiti sabay iling si Dante. Hindi niya aakalaing ang magiging kasintahan ay mas matanda lang ng dalawang taon sa panganay niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon