"HINAY-HINAY LANG BAKA MAIMPATSO KA!" Tinig na narinig sa kaniyang likuran muli habang panay ang subo niya ng kinuhang carbonara. Halos mabulunan siya sa kabiglaan."Ikaw na naman. Hoy mister, hindi ako sa pagkain maiimpatso. Sa'yo, hilig mo kung saan saan nasulpot!" Inis na turan. Nawalan tuloy siya ng ganang ubusin ang pagkain niya.
"Hey, relax. Bakit ba masyadong mainit ang ulo mo. Gusto lang naman kitang makilala. Well, don't worry nagpaalam na ako sa tito mo." Anito na mas lalong kinataas ng kilay niya. Agad siyang lumingon-lingon at hinanap si Dante. At nakitang may kausap itong mga kaibigan siguro. Hindi ito nakatingin sa kaniya pero naiinis man ay tumahimik na lamang.
"Would you mind if I ask your good name?" Anito sa kaniya.
"Winona.." aniya na nakatingin pa rin sa direksyon ni Dante.
"Nice name...Mike.." anito sabay abot ng kamay nito.
"I know..." aniya na hindi interesado sa lalaki. Tumawa na lamang ito dahil napahiya sa kaniya.
"Wow! Ngayon lang ako nakakilala ng babaeng tulad mo." Dagdag pa ni Mike sa kaniya.
"Yeah...nag-iisa lang kasi ako. Endangered ikanga nila.." aniya na mas lalong kinatawa nito.
"That's why I like you.." hayagang turan nito.
Ngumisi siya dito. "Excuse me pero I don't like you.." pagdidiin dito.
"Ouch...sakit noon ah. Don't worry, I don't easily give up." Turan pa rin ng lalaki.
"Well, sorry ka na lang dahil kapag sinabi kong hindi kita gusto. I really meant it. Thanks for entertaining me. I really like it.." sarkastikong turan.
Mas lalo siyang nainis nang paglingon kina Dante ay nakikipagtawanan pa ito sa mga kaibigan niya habang siya ay tila naisantabi na lamang. "Nakakainis talaga.." inis na turan at nang makitang ala una na ay lumapit na siya sa lalaki.
"Umuwi na tayo.." bulong rito.
"Give me thirty minutes.." anito.
"No.." bulong pa rin rito. "Kung ayaw mo. Ako na lang mag-isa ang uuwi." Banta pa rito.
Tumingin ito sa kaniya at nakipagsukatan hanggang sa maya-maya ay ito na rin ang sumuko. Nagpaalam ito sa kaniya na magpapaalam muna sa mga kaibigan nito.
Hindi niya ito iniimik dahil naiinis siya talaga rito. Ngunit nagulat na lamang siya nang biglang pumasok ito sa isang parking lot ng condo unit. Hindi pa niya naibubuka ang bibig ng marinig itong magsalita. "Better kung sa condo ko muna tayo magpalipas ng gabi. Iuuwi na lang kita bukas.." anito sa kaniya. Nakitang tinanggal nito ang suot na salamin. "I'm dizzy..baka kung mapaano pa tayo." Katwiran pa nito.
Wala na siyang nagawa ng bumaba ito kundi bumaba na rin at sumunod rito. Pagpasok sa condo nito ay nakita ang nagkalat na gamit nito. Typical na lalaki ang nakatira. "Sorry, bukas pa ang dating ng taga linis ko.." anito sa kaniya.
"Okay lang.." aniya na biglang napipilan. Nakitang iisa lang ang silid roon. "Pwedeng makagamit ng banyo.." aniya rito. At agad naman nitong tinuro ang banyo nito.
Pagpasok roon ay napangiti siya. Sa kanilang lahat na kasama sa grupo nito ay siya pa lamang ang nakakapasok sa private life nito at heto ngayon siya sa bahay nito. Agad siyang naghilamos at tinanggal ang mga kolerete sa mukha. Nang maginhawaan ay sinunod na tinanggal ang dress na suot.
Napaikot ang tingin sa loob ng banyo at nakitang nakasabit sa likod ng pintuhan ang ilang damit ni Dante. Agad na sinuot ang checkered long sleeve nito na hanggang kalahati ng hita niya ang haba. Mabilis na pinusod pataas lahat ng buhok saka lumabas.
![](https://img.wattpad.com/cover/148875896-288-k711099.jpg)
BINABASA MO ANG
DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)
AcciónLalaking may paninindigan. Lalaking isinakripisyo ang buhay para sa kapayapaan. Minsan nang nawasak ngunit bumangon at sa kaniyang pagbabalik. Iipunin ang mga taong sangkot sa malaking sindikato. Sa grupong binuo ay siyang bubuwag sa sindikatong nag...