Chapter 1

1.8K 57 1
                                    

"And the winner is..... The Night Musicians! "


Agawan ang mga tao sa loob ng stadium. Nagtalunan at kaniya kaniyang batok at hampas sa kanilang katabi. Halos mayanig ang buong lugar dahil sa lakas ng hiyawan nila. 


Nagtinginan naman ang mga miyembro ng bandang The Night Musicians at saka lang nag sink in sa utak nila na sila ang panalo. 


"Panalo tayo mga pre!" nanlalaki ang mga mata ni Lucas. 


"Tayo? " tinuro naman ni Carlo ang sarili 


"Oo panalo tayo. " sang-ayon naman ni Tristan. 


"Panalo kami!  Whoosh!  Panalo tayo! " sigaw ni Darwin habang pakaway kaway sa mga Manonood. 


Nanatili namang blangko ang mukha  ng vocalist na si Berwyn.


Maya-maya pa ay isa-isa na siyang pinaghahampas ng mga kabanda niya para ipaintindi sa kaniya na sila nga ang panalo. Sila ang panalo sa Battle of the Bands. 


"Okey! Again let's give it up to the Night Musicians! "


Pumwesto na silang muli sa harapan at kinuha ang mga instrumentong kanilang gagamitin sa pagtugtog.


"We love you! The Night Musicians! " sigaw ng mga tao sa stadium. 


Nagdim ang light at pagbukas nito,  itinaas ng vocalist na si Berwyn ang kanang kamay niya na may hawak na trophy at Kasabay noon ang pagtugtog at pagkanta niya ng :


"We'll carry on! We'll carry on! "


Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.  Sa tuwing maririnig ko ang boses mo,  talagang gustong kumawala nitong puso ko at lumipad papunta sayo. Heto ako,  nakatingin mula sa malayo, pinagmamasdan ang bawat buka ng labi mo, bawat paggalaw mo sa entablado, bawat pagpikit ng mga mata mo, at ang minsanan mong pagngiti na naghahatid ng kakaibang haplos dito sa puso ko. 


Totoo nga. Malakas na ang tama ko sayo. 


Hindi ko naman hinihiling na mapansin mo ko. Ni kailanman hindi yan sumagi sa isipan ko dahil Alam ko na mahirap kang abutin. Ang layo layo mo.  Kuntento na kong tingnan ka mula dito. 


Matapos ang huling performance nila ay nagsidumugan ang mga estudyante sa stage para batiin ang pagkapanalo ng The Night Musician's. I,  on the other hand, stayed for a while. I just wanna see him as he go out.  Wala lang bakit ba? 


Dinumog sila.  Pero hindi siya. Tama kayo, hindi siya kasama sa mga dinumog ng mga estudyante.  Nandon lang siya sa stage. Nakatayo. Binalik niya ang microphone sa stand nito Saka bumaling sa mga kasama niya na hindi magkanda-ugaga kung saan papaling Kapag may nakikipag selfie.


Bakit kaya ganito? Itong nakikita ko ngayon,  Parang mayroong mga insektong kumukurot dito sa dibdib ko. Naaawa ako sa kaniya. Gustong gusto ko siyang lapitan...gustong gusto ko siyang yakapin. Pero,  I don't have the courage to do so.  I'm such a coward. I know.


Kadalasan diba, kung sino ang vocalist ay siyang iniidolo kaso, sa pagkakataong ito, ang vocalist ang binabalewala. 


Napatayo ako sa kunauupuan ko nang makita ko siyang pababa na sa stage. Lumiko lang siya sa kanan para pumunta sa likuran at kunin ang gamit niya. Napabuntong hininga nalang ako saka nagpasyang umuwi na... total uuwi narin naman siya.


Habang Naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep,  naaalala ko nalang ang mga sandali na una kong nagustuhan si Berwyn. 


Umiiyak ako noon sa likod ng building namin noong time na yon kasi nalate akong magtake ng midterm examination. Terror pa naman iyong professor ng subject na iyon kaya hindi siya magpapaspecial exam kaya tumakbo ako sa likod ng building kasi....ang sama ng loob ko. 


Nakaupo lang ako sa damuhan noon habang nakasandal sa puno ng mahogany. Umiiyak nang bigla akong makarinig ng kumakanta sa may likuran ko. 


"Kung matulog.....matulog kana... "


Bigla bigla nalang napatigil ang pag - iyak ko kasi napakalambing ng boses niya at talagang nanunuot sa bawat hibla ng katawan ko.  Ewan ko pero bigla nalang nagsipantindigan ang balahibo ko at ang puso ko.... Sobrang lakas ng tibok. Napahawak nalang ako sa dibdib ko. Unti -unti akong gumalaw para tingnan sa likuran ko kung sino ba ang kumakanta at Nakita ko siya. 


Kulot ang buhok niya.  Iyon ang una kong napansin kahit na may suot siyang gray na bonet. Maayos at maganda ang pagkakakurba ng kilay niya. Ang mga mata niya ay malalalim,  mapupungay at mukhang malungkot. 


Matangos ang ilong niya at mayroon siyang maninipis na labi. Nakaside view kasi siya sa akin at bahagya ko lang siyang nakikita dahil nakasilip lang ako sa kaniya. Tama lang ang pangangatawan niya at hindi siya ganon kaputi at hindi rin ganoon kaiitim. Mayroon ding gitara na nakalagay sa kandungan niya na patuloy niyang iniistrum. 


Maya - maya pa ay bigla nalang siyang ngumiti. Hindi ko alam kung bakit sobra nalang ang naging reaksyon ko sa kaniya.  Naramdaman ko nalang ang pag-iinit ng pisngi ko at ang pagkakatulala ko sa kaniya.  Ang mga ngiting iyon... 


Mas lalong namula ang pisngi ko nang  mapagtanto kong.... Nakatingin siya sa akin... 


Oh my gosh!

Ang Crush Kong Wirdo (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon