Chapter 4

768 39 0
                                    

Hindi ko alam kung anong gagawin ko!  Nakakahiya ang sinabi niya ah!  Akala ko ba wala siyang pakialam sa presensiya ko tapos pagtitig ko pa sa kaniya. Now,  what? 


"M-maam... K-kase... " Pinagpapawisan na ko dito dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Ma'am na ngayon ay nakakunot ang noo at halata mong naiirita na. Patay ako nito! 


"Ka-kasi Ma'am...ano eh.. "


"What number are you now? " Tanong niya sakin habang nakapaweywang. 


"F-forty. " sagot ko. 


"Magsagot kana Miss Montecastro. Jusy don't mind this man. Naiintindihan kong hindi ka masyadong makapagfocus dahil may nakaharap na lalaking ganiyan. " tinuro niya si crush at hinead to foot niya pa and then she sighed.  "So kayanin mo. Minsan kasi umaatake ang saltik ni Berwyn. " sabay tawa niya saka siya bumalik sa table niya. 


Saltik?  Tiningnan ko si crush na ngayon ay busy sa pagsagot at parang wala siyang narinig sa pinagsasasabi sa kaniya ni Mrs. Alvarez. Saltik means? 


Ah oh... his name is Berwyn. Ber.... Wyn.. Ang manly! 


Matapos kong kiligin,  huminga ako ng napakalalim at itinutok ang mata ko sa questionare. Pero,  napapaisip parin ako bakit nasabi ni Mrs. Alvarez na umaatake ang saltik ni Berwyn. Yes,  he's that weird. Baka iyon iyon. Yung pagiging weird niya. Kaya saltik ang term niya. 


I was doing the computation on one of the numbers na sinasagutan ko when I heard a sound. More like,  sound na may binubuksan and then out of my curiosity, Unti-unti kong sinilip si Berwyn at napakagat nalang ako sa labi ko ng makita ko ang kaliwang kamay niya sa ilalim ng T-Shirt niya at mukhang ino-open niya ang garapon ng gummybear tapos ang kanang kamay naman niya ay kumakamot sa bandang sentido niua para kunwari ay nag-iisip. Diniinan ko nalang ang pagkagat sa labi ko dahil natatawa ako. Natatawa talaga ako! 


Huminga ako ng malalim at pumikit. Pagmulat ko,  sumalubong sakin ang kaniyang tingin at gayon na lamang ang pagtibok ng puso ko ng napakabilis,  ang panginginig ng mga tuhod ko at ang pag-iinit ng pisngi ko. 


Napakagat labi na naman ako hindi dahil sa pagpipigil ko ng tawa kundi dahil gusto kong tumili sa kilig. Parang mayroon ding kung ano sa loob ng tiyan ko na pinipilipit at naglalaro. Ewan ko ba!  Nababaliw na ata ako. 


"Shhh..."itinapat niya ang hintuturo niya sa manipis niyang labi habang nakatingin sakin. Agad na napadako ang tingin ko sa manipis niyang labi na kulay pink. Feeling ko ang lambot noon. Ano kayang feeling kapag... 


Hay!  Ano ba itong iniisip ko? 


Napakagat labi nalang ako tsaka bumalik sa pagcocompute. Isang araw ko palang siyang nakikilala,  Actually,  wala pa ngang isang araw tapos ganito na kaagad ako makapagreact sa kaniya?  Pwede namang crush at first sight ang nangyari diba?  Mayroon namang ganoon diba?

  

Ginawa ko nalang ang lahat para matapos ang lahat ng nasa questions. Pinilit kong ifocus ang mga mata ko sa papel kahit na kung anu-ano ang naririnig ko sa kaniya. 


Kahit pa binabato niya ko ng sobrang liliit na mga papel,  kinakalabit ang paa ko gamit ang paa niya na tinanggal niya sa sapatos niya,  ballpen na kunwari ay nahulog pero sinadya niya naman at kung anu-ano pa. Ang kulit niya ah! 


Napangiti nakang ako ng natapos ang pagsagot namin. Kinuha ni ma'am Alvarez ang questionaire at pati ang sagot namin at dinala sa kaniyang table. 


"Nga pala Miss Montecastro,  pakipulot ng mga papel na nakakalat okey? "


"Sige po ma'am." sagot ko. Napatingin ako kay Berwyn na ngayon ay nakatingin sakin habang nakatagilid ang ulo niya. 


"B-bakit? " tanong ko sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang puso ko na parang hinahabol ni Freddie Krueger sa sobrang pagkabilis. Nakita ko ang paglunok niya at pagpout na para bang may nagawa akong kasalanan sa kaniya. Mukha kasi siyang batang naubusan ng icecream kung makatingin sakin. 


Maya-maya pa ay kinuha niya ang garapon sa ilalim ng Vneck shirt niya at inilagay sa guitar case niya. Kinuha niya din si mr. Teddy Bear at sinabit sa leegan niya. Sinuot niya din ang sapatos niya ay walang sabi-sabing umalis sa room. Wow!  Ni hindi man lang niya ko sinagot sa tanong ko. Grabe siya. 


Isa-isa kong pinulot ang mga papel na nasa limang piraso at saka ko inayos ang mga upuan na inupuan niya. 


"Mauuna na ko miss Montecastro. Pakipatay nalang ng ilaw pati ng aircon please. "


"Sige po ma'am." Umupo ako pagkalabas ni ma'am Alvarez at tiningnan ang mga nakascrampled na maliliit na papel. 


Nagulat nalang ako dahil may nakasulat na... 


NAME? 


Bold letters ito at halata mong sulat kamay ng isang lalaki dahil medyo pangit. Tiningnan ko ulit ang isa pang papel at may nakasulat na "HEY! "


Tiningnan ko lahat at saka ko pinagsunod sunod. Pakiramdam ko nagliliyan na ang mukha ko dahil sa sobrang init. Hindi ko rin mapigilan ang ngiti dito sa labi ko. Napatili pa nga ako ng wala sa oras eh. Ito kasi ang nakalagay sa mga maliliit na papel na isinulat niya.

 

"HEY!  WHAT IS YOUR NAME? "

Ang Crush Kong Wirdo (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon