Chapter 22

546 26 4
                                    

Nakatulala lang ako. Nginuya ko na ang gummybear na nilagay niya sa bibig ko. Hindi parin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko kahit pa hinihila na ako  ni Berwyn. Kailangan ko munang ma-isure na lalayas ang kuya ko dito.

"Tara sa Breadtalk! "Narinig kong sigaw ni Mae. Alam kong sadya niyang nilalakasan para marinig ko. Sige ilayo mo na yang yelo na yan dito! Yari talaga ako kapag nakita niyan ako!

"Don't shout!"

"Bilis na! Hinihila na kita Ice... Lalayo na tayo dito! Tara! "Sumigaw talaga si Mae para lang iparinig sakin iyon and to make me not worry anymore.

Goodness! Muntik na iyon. That serves as a reminder for me na ayusin ang instructions. Kainis!

"Earth... tara na... "Nagbalik ako kay Berwyn. Ngingiti sana ako pero may bigla na lamang humawak sa baywang ko at hinila ako palayo kay  Berwyn. Pagtingin ko sa counter kung nasaan kanina si Tristan ay wala na ito doon.

So it means..

"So you are the one who will run and take away Earth? Don't be so stupid Berwyn. I won't let you do that. "

Tristan! Ang kamay mo!

Hindi ako makagalaw dahil ito ang unang beses na may lalaking humawak sa aking baywang and he's holding me like he doesn't want to let me go. It's so gentle.... Tristan is so gentle.

My heart.

What's happening with my heart?

He was like a knight in shining armor trying to rescue a damsel in distress. Kulang nalang ay ang kaniyang kabayo at ang armor.

What the hell am I thinking?

Napakamot sa ulo niya si Berwyn at nagpout. Tiningnan niya ko na para bang ikaw kasi e! Ang tagal mo kumilos!

"Then I'll do it later  when you're not looking around. "

Ha?

Ngayon lang ako nakakita ng taong sinabi ang plano niya sa kaaway niya. Is it to decieve Tristan? O iyon talaga ang plano niya? Either way,  involve ako dito kaya kailangan kong maging neutral.

Ang hirap naman kapag maganda ka.

"Stop screwing around Gyle. Let's go. They are all waiting. "Hawak niya parin ang baywang ko habang naglalakad kami. Para akong robot na sumusunod lang dahil naiilang ako.

"Don't hold her! "Muntik na akong matumba dahil sa pagtulak ni Berwyn kay Tristan. Buti nalang ay naibalanse ko ang sarili ko ng maayos kundi baka paa ko naman ang sunod na lalagyan ng cast.

"Dammit! What is wrong with you?! "Kita ko ang pagpula ng mukha ni Tristan dahil sa inis niya kay Berwyn. Kuyom kuyom din nito ang kaniyang kamao at anumang oras ay maaari niyang patamain ito sa mukha ng inosenteng si Berwyn. O inosente nga ba talaga siya?

I don't know.

If he's trying to play around with Tristan then he's doing it great. If it's just pure innocence, baka anytime sumabog na si Tristan and Berwyn will end up beaten.

"You're squeezing Earth. "Pumagitna siya sa amin at inilagay sa mukha niya si Tidi. Proteksyon sa mukha niya dahil baka suntukin siya ng napipikon na si Tristan. Hindi niya kasi dala ang helmet niya.

A wise decision indeed. He doesn't mind the people staring at him. Pagewang gewang din siya dahil wala siyang makita. Nagtingin kami ni Tristan. I smiled at him and hold Berwyn's arms. Wala siyang nagawa kundi ang gayahin ako.

Para tuloy kaming nag-aalaga ng isang bata. We are both holding Berwyn para hindi siya matumba sa daan. Minsan ay natatawa nalang din ako.

Naghintay samin ang tatlo sa may entrance ng sinehan. Nakapila na sila. Carlo is wearing a new clothes. Pagdating namin ay inabot niya kaagad ang card ni Tristan tapos ay yumakap na  dito.

Ang Crush Kong Wirdo (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon