Chapter 29

506 24 7
                                    

"That's what Darwin told me. He said I can tell woman that if they are sad or crying. What does it mean Earth? "

Sinapak ko siya. Alam mo iyong feeling na para kang nilipad ng anghel tapos nong dugtungan na niya ang salita niya bigla ka nalang nahulog?

Damn you kulot.

"Why did you punch me? "

"Cause you're annoying. " And at the same time adorable.

He pouted. "Why am I annoying? "

"Because you are telling things you don't even understand!"

"I'm sorry Earth. But, what do you feel when I told you that?"

Sa tingin mo sasabihin ko? Tingin mo ba aaminin kong kinilig ako? No way.

Inirapan ko lamang siya. Inayos ko ang aking sarili. I want to confront Mae about this. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung bakit.

"Skateboard tayo. "

"What? No. I still have to confront Mae and Carlo about this. "

"Why? You don't have to do that. "

"Why not? "

Kinibit niya lang ang balikat niya at tumayo na. He placed Tidi on his left shoulder. Tumayo na din ako para makaalis na pero humarang siya sa pintuan. Tipong para siyang taya sa tagu-taguan. Nakatalikod siya sa akin.

"Berwyn what are you doing?"

"I don't want you to go Earth. "

"Why? "

"Because I want you to be by my side all the time. "

Shit this is bad. I mean, for me ofcourse. Please Berwyn, will you stop telling me things like that? I swear, my heart will explode soon because of you.

Tumabi ako sa kaniya. "Bakit mo ako gustong palagi sa tabi mo? "

"Because I love you.. "He pouted.

Binatukan ko na naman siya. He really knows how to caught me offguard. Ang nakakainis lang ay iba ang meaning niya sa totoong meaning ng salitang iyon. Kung ipapa elaborate ko naman sa kaniya, baka masaktan lang ako kaya hindi ko na pinapahaba pa ang usapan namin.

Kasi..

He does love me.

But as a friend...

"Let's go Berwyn. Marami pa tayong klase. "Hinila ko na siya paalis ng pintuan at lumabas na ako. He remained there kaya iniwan ko na siya.

My mind went out missing together with my heart.

I continue doing what Carlo asked me to kahit pa nakikita ni Berwyn at palagi siyang naaasar dito. Kunwari wala akong alam sa nangyayari. Mae and Nathalie seems so normal. They don't know that I kind of dissapointed. Dissapointed sa kanila. Why are they doing this to me?

Another rehearsal for the Night Musicians. Nasa stage sila at nag-uusap usap. I was looking at Berwyn, nagtatawanan ang lahat pero siya ay naroon lamang sa sulok at kumakain ng gummybear.

"Tingnan mo iyang crush mo. Nakakatawa talaga o. "It's Nathalie.

Mae laughed too.

Why?

Kung ako ang tatanungin, hindi ako natutuwang makita siyang naroon sa sulok habang ang mga kaibigan niya ay nag-uusap at nagbibiruan. Doesn't he feel out of place?

Ilang beses din kasi silang nag-away ni Carlo because of me. Hindi rin naman nakakatuwang pag-awayan ka.

Kinuha ni Carlo ang mic. "Gyle come on let's start. "

Ang Crush Kong Wirdo (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon