Naalala kong magkaiba nga pala ang ibig sabihin ng I love you niya, sa I love you ko. Naalala ko ring ako ang nagsabi ng meaning noon. And it means...
"As a friend."Dugtong niya.
Syempre ngumiti lang ako sa kaniya. Tumango ako kahit na sa loob loob ay nagsisigaw ako. As a friend?! Dammit hindi ka man lang ba nakakaramdam ng kahit kaunting pagtingin sakin?! Damn you kulot! Nakakainis kang kulot ka! Paasa ka! Pafall ka!
"Salamat. "Iyan ang naisagot ko.
Hindi na ako nagulat nang hilahin ako ni Tristan palayo kay Berwyn. Nagpahila din naman kasi ako. Baka kasi kapag sumagot pa siya ay umiyak nalang ako dito at magdrama tungkol sa lintik na feelings ko para sa kaniya.
Kita ko ang muli niyang pagpout. Nilagay niyang muli si Tidi sa kaniyang mukha at pagewang gewang na lumayo sa akin. Sa amin ni Tristan.
"What did he say? "Kunot noong tanong niya. Umiling lang ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya dahil baka awayin niya si Berwyn.
See? I care for you weirdo! I care for you more than anyone else in this whole freaking world and all you can offer is friendship?
Heart, please makisama ka muna kahit ngayon lang ha? Huwag ka munang mababasag. Malay mo isang araw mabunggo siya at marealize niyang may taong handang bitawan ang lahat para sa kaniya.
"It's nothing. Tara na? "Ngiti ko sa kaniya na tinaasan niya lang ng kilay. I'm sorry Tristan. Alam ko namang gustong-gusto niyang malaman pero dahil isa siyang maginoong lalaki, tinanguan niya lang ako.
Dumalo kami sa kanila. Nang maamoy ni Carlo ang barbeque ay nagising ang kaniyang diwa. Siya pa nga ang naunang kumuha ng barbeque pero ibinalik niya dahil masama ang tingin ni Mae sa kaniya.
"Thank God first before you eat. "Asik niya dito. Tumango lang ito pero ang mata niya ay nakatitig sa pagkain sa harapan niya.
Wala naman akong ibang masasabi kay Carlo bukod sa antukin siya at pareho sila ni Mae ng taste ng manga. Super close niya din kay Tristan. Para nga silang mag girlfriend.
Minsan nakita kong pinapagalitan siya ni Tristan at bilang paghingi ng paumahin ay niyakap niya ito.
"Sorry na Tan. Hindi ko na uulitin. "Yakap niya dito. Kasama ko si Mae at Nathalie noon. As usual kinuhanan na naman ng una ang eksenang iyon. Gagawan niya daw ng album.
Diring diri naman si Nathalie kaya ang hint niya ay gay talaga itong si Carlo.
After magpray ni Mae ay nagkainan na kami. I'm so thankful dahil may inihanda ang dalawa kong kaibigan na ganitong celebration para sakin. Hindi ko ineexpect na gagawin nila ito.
After naming makakain lahat ay nakaupo kami ng circle. Wala na kaming ibang naisip na laro kaya parang open forum nalang daw. Ang may pakana nito ay si Darwin. Pinasulat niya samin ang mga pangalan namin at ang kung sino man na mabunot namin ay idedescribe namin at tatanungin.
Nagpauna na si Mae na walang tanong tungkol sa parts ng katawan at walang halong kabastusan. Tinawanan lang siya ni Darwin at Lucas pero sumang-ayon naman ang mga ito.
Kinakabahan ako dahil baka kung sino ang mabunot ko. Ngayon palang dinedescribe ko na sa utak ko ang lahat ng nandito at ang mga posible kong itanong sa kanila. Iba na ang handa.
"Okey. "Inalog-alog ni Darwin ang styro cups na hawak niya. Nandoon ang mga pangalan namin. "Let's start. Ako muna ang mauuna. "sabi niya saka tumingala sa langit at bumunot.
"Ang nabunot ko ay si... "Huminga siya ng malalim. "Nathalie. "
Kita ko ang gulat ni Nathalie sa aking peripheral vision. Nagkatinginan kami ni Mae. Magkakaalaman na ba?
BINABASA MO ANG
Ang Crush Kong Wirdo (✔️)
RandomAng boring na college life ni Earth Snow Montecastro ay mabibigyan ng sari-saring kulay when she met this weird guy named Berwyn. Halina at samahan natin siya sa kaniyang adventure papunta sa puso ng kaniyang crush. Magugustuhan din kaya siya nito...