Chapter 14

683 34 1
                                    

I cried and he  gave me a gummybear. 


"Here. I'll give you one. "Inabot niya sakin ang isang piraso ng gummybear na kulay yellow. "I won't give you another one if you don't stop crying. "


Agad akong tumigil sa pag-iyak at tiningnan ko siya habang nakangiti. "I stopped." Natawa ako nang bigla siyang magpout at ikinunot ang kaniyang noo. Parang napasubo siya sa kaniyang sinabi. 


Tiningnan niya muna ang laman ng maliit na garapon na hawak niya. Binilang niya muna isa-isa saka kumuha.


"Here. It's the last gummybear I'll give you. Don't cry again. "


Inilagay niya ang gummybear sa tungki ng aking ilong at hindi ko maiwasang kiligin sa napakacute niyang gestures.

Kahit na alam kong nasasaktan siya, I will try my best to cheer him up. If all of  his friends bullied him,  I will protect this him. That's a promise. 


I can't really get over about his girlfriend's treatment to him. Ano kayang gagawin ko? 


Kinain ko ng sabay ang dalawang gummybear na binigay niya. Nakatingin pa nga siya sakin at parang gusto niyang bawiin ang kinain ko. Nang masubo ko na ay nagpout na naman siya.

He's really cute. From hair to shoes. 


Pag-alis ko sa lugar na iyon ay siya namang pagdating ni Anji. Hindi ko hinayaan na magkrus ang landas namin dahil baka kung anong masabi ko. 


I'm not like Nathalie na bigla bigla nalang magchacharge sa kahit na sino basta't nakita niyang inagrabyado siya. Away kaagad kapag ganoon.


My technique is to know the story and ask nicely. I'm looking forward to Lucas's another move. Kapag niloko na naman niya si Berwyn,  hahamunin ko na siya. 


Naging ganito lang naman ako dahil sa impluwensiya ni Nathalie. She's the one  who taught me to fight. She fight dirty,  I'll fight clean. 


Kinwento ko kay Mae ang nangyari. Nakataas ang kaniyang kilay habang inuubos ang kaniyang kuko.


"So, what's the plan? You're not thinking what I'm thinking Earth Snow!"namaywang siya at pinandilatan ako. 


Napakamot lang ako sa batok ko. She really knows me. Binabalak ko sanang kausapin si Anjie pero against siya. Pinangaralan niya kong itake slow ang lahat. Kakausapin ko lang naman. There's no harm in talking. 


"She's like Nath! A war freak! Kaunting salita mo lang doon paniguradong mag-aaway kayo! Tsaka maraming nakapalibot na hipon doon baka abangan ka lang at pasabugan ka ng granada! Ano nalang ang mangyayari sayo? "


Tumango ako. She's right. May time na nakakasalubong namin siya at marami siyang alepores na kasama. Mga hipon nga,  ang sabi ni Mae. Paano kaya niligawan ni Berwyn si Anjie?

Ang Crush Kong Wirdo (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon