Sa buong panahon ng malling namin ay wala ako sa sarili ko. Saka lang ako nagsasalita kapag may itinatanong sakin. Oo, medyo bored din ako pero mas malala ang pagkabored ko ngayon. Parati kasing sumasagi sa isip ko ang eksena kanina. Nababaliw na ba ko?
"Labas na tayo chums! May imemeet tayo sa SB! dali samahan niyo ako! "Kinikilig na sabi ni Nath. Ah, baka yung textmate niyang sinasabi na schoolmate namin. Fourth year Mechanical Engineering daw. Noong nakaraan pa siya kwento ng kwento tungkol sa mga taga CEN na iyan. Ang popogi daw at talagang hot.
Naalala ko na naman tuloy ang eksena kanina. Taga CEN din nga pala si Berwyn. Hindi ko alam kung anong course niya. Ano kayang course niya? Classmate niya kaya yung girlfriend niya?
Ano ba ito? As if naman Earth mapapansin ka niya. May girlfriend na siya kaya huwag ka ng umasa pa.
"Earth hoy! Tara na! " Nabalik lang ako sa huwisyo nang sigawan ako ni Nath. Boses kasi nito nakakagising talaga ng diwa. Parang megaphone.
Nagmamadali siya sa paglabas. Mukhang excited na excited siya. Kinalabit naman ako ni Mae na ilang beses na napairap.
"Alam mo kawawa ako sa babaeng iyan! Kahapon pa siya parang isdang kikiwal kiwal! Para siyang bulateng nilagyan ng asin! Chum, nakailang hampas siya sa akin! Ang sakit na ng kamay ko alam mo namang parang lalaki ang kamay niyan sa bigat. " inambahan niya ng suntok si Nathalie na nauunang maglakad sa amin. No, lakad takbo pala siya.
Bago kami makapasok sa loob ng Starbucks ay nag-inhale exhale muna si Nathalie at inayos ang kaniyang buhok. No, ginawa niya palang messy. Ito ang palagi niyang sinasabi pagkatapos niyang guluhin ang buhok niya.
"Messy hair is a sexy hair! "sinabayan na namin siya ni Mae saka kami nagtawanan na dalawa pagtalikod niya para maglagay ng lipstick.
"Hay naku! Magkakalove life na naman ako! " Tili niya. Akala niya yata mahina lang ang pagkatili niya kaya hindi niya napansin na may ilang taong napatingin sa kaniya.
Humarap siya sa amin. "Ano? How's my look? " nandidilat na tanong niya.
Napatingin ako kay Mae na nagkakagat ng kuko niya. "Nothing changed Nathalie. You're still the ever gorgeous Nathalie Famisaran. " sabay irap niya. Kapag di niya kasi dinugtungan ng gorgeous ang sentence niya, magkakamatayan sila.
"I know right! " Tawa siya ng tawa na parang mangkukulam. "How bout you chum? What do you think?"
"Gorgeous!" kindat ko sa kaniya.
Sa kaniya lang ako plastic.
Ifinlip niya ang kaniyang magulong buhok. "I can't wait to see them drool over my beautiful face and my curvaceous body! Come-on guys! I'm so excited. "
Wala na kaming nagawa ni Mae kundi ang sumunod sa kaniya sa pagpasok.
"Hindi ako plastic Earth. Alam mo iyan
Pero pagdating sa kaniya, ibang usapan na. "irap niyang muli.
Napakibit balikat nalang ako sa sinabi niya. Panay lang ang tingin ko sa kaniya habang kinakagat niya ang kuko niya. Pudpud na nga eh. Kawawang kuko. Mannerism niya kasi iyan. Simula palang daw kasi noong bata siya hilig na niyang kagatin ang kuko niya.
Pagpasok namin namataan kaagad namin si Nathalie na nagmamadaling lumapit sa isang grupo ng mga lalaki.
"Dito guys! " kaway niya sa amin. Nagtinginan na naman kami ni Mae saka sumunod sa kaniya doon. Mga limang lalaki ang nakaupo at may isang babae. Gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko ang babae. Girlfriend ni Berwyn iyon ah. Teka, anong ginagawa niya dito? Don't tell me taga CEN siya or baka naman...
Hindi ko na naituloy pa ang iniisip ko dahil nandito siya. Nakaupo kasama ang babae. Nakapatong pa nga sa hita niya ang kamay ng babae na girlfriend niya. This time nakatanggal na ang bonet niya at kita talaga ang pagkakulot niya.
Bagsak lang ito at hindi naman kinky. Medyo natatakpan ang mata at tenga niya. Halata din ang pinagtanggalan ng bonet niya dahil medyo flat ang tuktok niya. Nakayuko lang siya habang tinutusok tusok ang isang cake na punong puno ng gummybear. Kahit na medyo kumirot ang puso ko dahil may girlfriend siya, di ko pa din maiwasang hindi mapangiti. Cute niya eh.
Namalayan ko nalang na nakatingin na siya sakin. Ito na naman ang pakiramdam ko. Nag-iinit na naman ang pisngi ko at naalog na naman ang buong sistema ko dahil sa simpleng tingin niya. Ang mga mata niyang malalim na malungkot. Parang sinusuri nito pati ang kaluluwa ko. Napayuko nalang ako ng wala sa oras dahil hindi ko kayang tagalan ang pagtingin niya.
"Hi girls, have a seat. " aya ng isang lalaking... gwapo. Nakangiti siya at gayon din ang mga mata niya. May dimples, nakasalamin at masasabi kong malaki ang pangangatawan niya. Clean cut lang ang buhok niya at may suot siyang relos na mukhang mamahalin. Umupo kaming tatlo sa bakanteng upuan. Katapat ko ang isanh lalaki na may naglalarong ngiti sa labi.
"You must be Nathali.. "bati noong gwapong nakasalamin kay Nath. Inabot niya ang kamay niya kay Nath at nagshake hands sila.
"Yes. Yes. You're Darwin right? "at ang babaeng ito talaga pinaganda pa ang boses. Nagkatinginan naman kami ni Mae at isang irap lang ang kaniyang naging tugon.
Tumawa yung si Darwin. "So Nathalie, can you introduce me sa dalawang kasama mo? "ngumiti siya at tumingin sa akin.
"Yes, ofcourse." binalingan kami nj Nathalie sa nandidilat na mga mata. Bakit pa kasi sinama niya pa kami?
Pinaganda niya ang kaniyang boses. "This is Maevelyn Sanchez and this one is Earth Snow Montecastro. My friends. " irap niya sa amin at ngiti niya kay Darwin.
Nabigla nalang ako nang kunin ni Darwin ang kamay ko at shinake. "Earth. " ngiti niya.
"Uh... Eh... "nag-init ang pisngi ko at pilit na binabawi ang kamay ko pero mahigpit niyang hinahawakan.
"So Darwin, "pinalo ni Nathalie ang kamay ko. Ang sakit!
"Introduce mo din kami sa kanila! "Masayang sabi niya. Napatingin naman ako doon kay Darwin na nakatingin sa kamay kong nangati dahil sa pagpalo ni Nath. Agad ko itong tinago sa likod ko at yumuko.
"Girls, these are my friends. Lucas. " Turo niya sa lalaking katapat ko na kumindat. "Carlo.. "turo niya sa lalaking nakangiti ng pilit. "Tristan.. "katabi niyang nakakunot ang noo. "And this one is Berwyn and his girlfriend Anjanette. "
Girlfriend niya nga.
Kumirot na naman ang puso ko doon. Girlfriend niya.
Bakit ang sakit marinig?
BINABASA MO ANG
Ang Crush Kong Wirdo (✔️)
RandomAng boring na college life ni Earth Snow Montecastro ay mabibigyan ng sari-saring kulay when she met this weird guy named Berwyn. Halina at samahan natin siya sa kaniyang adventure papunta sa puso ng kaniyang crush. Magugustuhan din kaya siya nito...