Chapter 27

551 26 8
                                    

Kung pwede lang mag walk out at magwala ginawa ko na. Kung pwede lang mangaladkad,  kinaladkad ko na siya at sinipa sa pamamahay namin pero hindi pwede. Ni hindi ko pwedeng ipakitang naiinis ako or more like namumuhi.

Saang lupalop naman kaya ng mundo nakita ng kuya ko ang babaeng ito?

Ayaw kong isiping nabrainwash niya rin ang kapatid ko gaya nalang ni Lucas na masyadong loyal sa kaniya.

Nakangiti ako pero hindi ko maialis ang inis sa katawan ko. I don't want them to know na ayaw ko sa babaeng ito.

She's Berwyn's girlfriend. F buddy ni Lucas at Darwin pagkatapos ngayon pati ba naman ang kuya ko?! How dare she! Hindi ba niya kayang magstick sa iisang lalaki lang?

What is she up to? Hindi naman siguro ito coincidence lang dahil kita ko kanina sa mga ngiti niyang hinihintay ang reaksyon ko. And I guess she's pretty satisfied because she got me. This bitch.

Habang kumakain ay nagkukwentuhan sila. Hindi ako nakikisama dahil sa inis ko. They can't force me to join them if I told them I don't want to.

Ibang iba ang itsura niya. Kung sa school singkapal ng libro ang make up niya,  ngayon ay lipstick lang ata at polbo ang nilagay niya. Kung titingnan mo mukha siyang anghel dahil napakaamo ng mukha niya pero sa totoo lang...

I didn't waste my time. Pagkatapos na pagkatapos kumain ay nagpaalam lang ako na tatapusin ang assignment ko. Kahit na diring diri ako sa pag-acting ko ay nagawa ko paring magbeso. No way I would let her see me mad.

"Sige ate Anjie,  akyat na ko ha. Enjoy kayo ni kuya."Ngiti ko pero gustong gusto ko ng sapakin ang pagmumukha niya.

"Oh,  okey. Sayang naman gusto pa naman kitang makakwentuhan. I didn't know na pareho pala tayo ng university na pinapasukan. It would be best if we get to know each other more. "Tumawa siya at humilig sa balikat ng kuya ko. Ngali ngali kong pinigilan ang kamay kong nangangati na. Gusto ng makadama ng pisngi.

Tumawa din ako. "Magkikita naman tayo sa school, we surely are gonna get to know each other."

Hinawakan ko ang kamay niya at shinake. "Mauna na ko ha. See you."

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Nagtitigan kami. Diniinan ko din ang hawak ko.

Kala mo magpapatalo ako sayo?

Diinan niya ulit pero mas hinigpitan ko. Kaunti nalang at baka ang invisible na kuryenteng namumuo sa mga noo namin ay maging visible na.

"Girls you're crushing each others hands. "

Nagulat ako sa turan ni kuya Fire. Nakita niya pala.

Ako ang unang nagbawi at pareho kaming tumawa. I bid my freaking goodbyes to them at saka ako umakyat sa kwarto ko. Pagdating na pagdating ko doon ay sinipa ko ang kutson kaya napataas ito. Hindi pa ko nakuntento,  sa inis ko ay kinuha ko ang mga unan ko ang ibinato ko sa pintuan ko.

Nakakainis! Sobrang nakakainis ang babaeng iyon! Ang plastic niya!

"How the hell did she get in here? "

Gabi na ng bumaba ako. Tipong hapunan na. Naabutan ko si kuya Fire na naglalagay ng mga plato sa table namin habang si kuya Ice naman ang naglalagay ng pagkain. They are both laughing pero inirapan ako ni kuya Ice pagkakita sa akin.

Ito talagang Yelo na ito!

"Hi Earth.  Tapos mo na homework mo? "Nakangiting tanong ni kuya Fire.

Tumango lang ako. Ang aking napakabait na kuya. Hindi ko talaga maimagine na he will like such a bitch.

"Assignment? O baka nanood ka lang ng anime? "Nakapamaywang na tanong ni kuya Ice habang nakataas pa ang kilay. Kahit kelan talaga ang isang ito!

Ang Crush Kong Wirdo (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon