"K-kasi kuya.. "Hindi ko pwedeng sabihing pupunta ako ng UP para tignan ang crush kong nag-aabang ng parada ng mga bear. Hindi siya maniniwala sakin panigurado.
"Kasi? "
"Kakain sana ako... Sa m-may Mcdo! "
Tumawa na naman si kuya Fire. Hinila niya ko pabalik and he fished out his phone.
"Let's call Ice para samahan ka. "
"No! "matinding pigil ko sa kaniya. Kapag inistorbo niya si kuya Ice mas lalong hindi ako makakaalis dahil babantayan ako ng husto non!
"Hindi ka pwedeng lumabas ng mag-isa Snow. "tiningnan niya ang relo niya. "Sige ako nalang ang sasama sayo. "ngiti niya.
"A-ay hindi na kuya. Pumasok kana lang sa work mo. Hindi nalang ako kakain. "
"Magpadeliver kana lang. Tatawag ako. "
"Huwag na kuya. It's fine. "Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita. Kaagad na kong nagtatakbo pabalik sa kwarto ko.
Naghintay ako ng ilang sandali hanggang makita ko si kuya Fire na lumabas ng bahay. Inabangan ko talaga at sinigurado kong hindi na siya babalik pa or what.
It's 12:16am. Muli akong nagtiptoe pababa at pati paglabas ng bahay ay naging maingat ako. Ang iintindihin ko nalang ay ang pagbalik ko galing doon.
Nakarating ako ng UP mga 12:43am. Natatakot pa akong maglakad dahil baka may bigla nalang manggulat sa akin. May dala naman akong pepper spray kaya medyo naging kampante ako.
I just want to know kung tumuloy ba siya o hindi. Kung hindi siya tumuloy makakatulog na ako ng tahimik pero kapag nakita ko siya dito... hindi ko alam kung anong gagawin ko.
He's a gullible person and he trusts his friends so much. Maraming beses na kaya nilang pinagkatuwaan si Berwyn? Bakit nila ginagawa iyon sa kaibigan nila?
Naglakad pa ko ng ilang minuto bago ko marating ang Sunken Garden. May ilaw naman sa mga poste pero syempre hindi mo parin maiiwasan ang makaramdam ng takot.
And right now, I don't know why I feel so nervous.
Palinga-linga ako sa paligid dahil baka hindi ko siya mapansin. Kailangan kong libutin ang buong lugar para malaman kong wala talaga siya dito.
Pero, nanlumo nalang ako. Napatigil ako sa paglalakad dahil nakita ko siya. Nakaindian sit siya sa may damuhan habang nakasandal ang kaniyang likod sa may bench. Hawak hawak niya ang kaniyang black na teddy bear.
Malapit siya sa may poste kaya kitang kita ko siya. Wala siyang bonet kaya kita ko ang bagsak ng kulutan niyang buhok. Natatakpan nito ang kaniyang mga mata. He's wearing a brown Tshirt at tokong. His guitar is on the bench.
BINABASA MO ANG
Ang Crush Kong Wirdo (✔️)
RandomAng boring na college life ni Earth Snow Montecastro ay mabibigyan ng sari-saring kulay when she met this weird guy named Berwyn. Halina at samahan natin siya sa kaniyang adventure papunta sa puso ng kaniyang crush. Magugustuhan din kaya siya nito...