Chapter 5

707 35 0
                                    

I can't believe it!  Gusto niyang malaman ang pangalan ko?  Hindi nga?  Edi kung ganoon pala,  ibig sabihin naaalala niya ako?  Oo,  Earth. Naaalala ka niya.  Kaya pala ganoon na lamang siya makapangulit sakin kasi iniisnob ko lang ang mga papel na ibinabato niya. 


Kaya pala kung makapout siya ay parang may kasalanan ako which is meron nga dahil hindi ko sinabi ang pangalan ko. Malay ko ba naman. Mukha niya kasi eh parang wala namang pakialam sa paligid niya kaya hindi ko ineexpect na mangyayari iyon. Na,  itatanong niya ang pangalan ko. 


Hindi matanggal sa labi ko ang ngiti. Palabas na ko ng building. Ikaw ba naman tanungin ng crush mo kung anong pangalan mo. Ano kayang feeling noom diba? 


Syempre nakakakilig. Habang naglalakad ako,  chineck ko kung anong oras na at magti-three palang ng hapon. Diretsyo uwi na ako nito. Hindi naman ako gala at tsaka strict ang mama ko sa oras. 


Kailangan kung 3pm ang dismissal dapat wala pang four ay nasa bahay kana. O,  kaya kapag four na at nasa daanan ka pa,  kailangan itext mo na siya kaagad na malelate ka dahil traffic pa kasi kapag hindi mo iyon ginawa, magwawala iyon panigurado. 


Naisipan kong itext si Nathalie at Mae na nakapag-exam na ako kay Mrs. Alvarez. Pagkaopen na pagka open ko ay text ni Mae ang nabungaran ko. 


Chummie Mae:

Chum,  kumusta?  Nakapag exam ka kay ma'am A? 


Nagreply naman ako kaagad. 


To: Chummie Mae

Yes chum I'm done. Asan kayo? 


Maya-maya ay nagreply siya. 


From : Chummie Mae

About that chum,  paalam ka kay tita. Malling muna tayo. 


Napakamot nalang ako sa ulo saka nagreply sa kaniya. 


To: Chummie Mae

Wait. Tingnan ko kung payagan ako. 


Umupo muna ako saglit sa isang bench na nadaanan ko habang naghihintay ni Mae. Pinag-iisipan ko pa kasi kung paano ako makakapag paalam kay mama. Medyo ayaw ko din sumama kasi feeling ko ang boring. 


From: Chummie Mae

Sana payagan ka chum. Text mo na dali!


Napabuntong hininga nalang ako. Hinanap ko ang number ni mama sa phonebook ko at nagtype ako ng message. 


To: My Mama

Ma,  niyayaya ako nila Nath and Mae.  Mall daw kami. 


Ang bilis ng reply niya. 


From : My Mama

HA?  ANONG ORAS KAYO UUWI?   SAANG MALL YAN HA? 


Napatawa nalang ako. See?  Bold letters talaga para intense. Tinext ko naman si Mae at tinanong kung saang mall at anong oras uuwu then finorward ko sa mama ko. 


To: My Mama

Diyan lang sa may SM manila chum. Mga 6-7pm uwi na tayo. Chill lang ba. 


Nagreply naman kaagad si mama. 


From : My mama

6-7pm. Noted Earth Snow Montecastro. Mag-iingat kayo ha?  Itext mo si kuya Ice mo para ipasundo nalang kita diyan okey? 


To: My mama

Okey ma. Bye


Napangalumbaba ako.  Ang tagal naman kasi ng oras ng malling na iyan. Three palang eh. Tinext ko si Mae kung nasaan sila at naghintay pa ako ng siguro five minutes bago siya nakareply. 


From : Chummie Mae

Sa may fountain chum! 


Fountain? 


Inayos ko na ang sarili ko. Umikot pa ako ulit para pumunta sa fountain nang may nahagip ang paningin ko na nakapagpatigil sakin. Napahawak ako sa dibdib ko na para bang pinipigilan kong mahulog ang puso ko. Feeling ko may isang libong karayom ang tumusok sa munti kong puso.

Nasasaktan ba ako? 


Dapat ba akong masaktan agad-agad? 


Nakita ko kasi si Berwyn na may kahawak kamay na isang magandang babae. Mas matangkad sakin ay masasabi kong sexy siya. Kaagad na tiningnan ko ang sarili ko na parang makikita ko nga. 


Heto sila at naglalakad. Nakasimangot ang mukha ng babae at umiirap-irap sa hangin habang ang isang kamay ay iniikot ikot sa kaniyang kulutang buhok. Nakasabit naman sa balikat ni Berwyn ang shoulder bag ng babae na kulay brown na may isinisigaw na brand. May sinasabi siya sa babae pero iniirapan lang siya. 


Dumaan sila sa harapan ko at ni hindi man lang ako pinansin ni Berwyn. Sa bagay,  bakit niya naman ako papansinin eh... sino ba ako? 


Tinanong lang naman niya ang pangalan ko. Nag-assume naman ako kaagad. Ang taas nga ng expectation ko tapos in reality... may girlfriend pala. 


Muli akong napahawak sa dibdib ko. Masakit. Hindi ko alam kung paano ko nasabing masakit gayong hindi naman nakurot itong puso ko. Sino naman ang kukurot sa puso ko? Pero kasi,  parang piniga eh. 


Sakit. 


Bakit naiiyak ako? 


Kinuha ko sa bulsa ko ang maliliit na papel na may nakalagay na HEY WHAT'S YOUR NAME? 


I smiled bitterly.  "Gusto mo parin bang malaman ang pangalan ko? "

Ang Crush Kong Wirdo (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon