Chapter 13

645 34 0
                                    

Nakarinig nalang kami ng Ooohhh mula sa mga kaibigan niyang lalaki. Si Nathalie ay sobrang taas na ng kilay dahil siguro nagtataka siya bakit nasabi ni Berwyn iyon at si Mae ay parang bulateng binudburan ng asin. 


"Okey then. Maiiwan na si Berwyn dito. "pinal na sabi noong si Darwin na nakangiti parin.

Tiningnan ako ni Mae. "Nath ikaw nalang ang sumama sa kanila. Magrereview pa ko sa stenography. "palusot niya pero hinila siya ni Nathalie. 


"Sasama ka. "


"Nath-"lalapit sana ako pero hinarang ni Berwyn sa mukha ko ang kaniyang black na teddybear. I looked up to him and he just tilted his head. 


Why? 


"I'll stay here too. Kayo nalang pumunta sa dorm ko. Here's the key. "ibinato noong si Tristan ang kaniyang susi kay Darwin at umupo siya sa bench malapit sakin. Pati din yung isa nilang kaibigan ay umupo na din.


Ang naiwan nalang nakatayo ay si Lucas at Darwin. 


"Okey then. Gagamitin muna namin ang dorm mo. Right Nath? "kindat noong si Darwin sa kaniya tapos ay tumingin sa akin. 


Kinilabutan ako bigla sa tingin niya. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa akong tingnan ng ganoon. The thing here is,  we know what they're up to. Ilang beses na namin sinabihan si Nathalie tungkol sa pagsama sama niya sa kung sinu-sino and she's just so stubborn! May time pa na aalis siya during the class dahil tinatawag siya ni Darwin at kailangan daw nilang magkita. 


I don't understand.


"Okey. Pasensiya na. And ke-KJ kasi ng mga friends ko. Hayaan mo I'll teach them para sa sunod mas mag-enjoy tayo. "


Nagtinginan kami ni Mae and I saw how her jaw dropped. Kita ko pang namutla siya at napalunok. Lokong Nathalie.


"Sure thing. The more.... "Darwin looked at me again with those eyes. "The merrier.. "


Shit. Napalunok nalang ako. I can feel my knees trembling not because of kilig  but because I was scared. I can feel how dangerous he is and still Nathalie is happy with his company. I don't understand why! 


"Hey. "Nagulat nalang ako nang tumambad sa harap ng pagmumukha ko ang mukha ng black na teddy bear blocking Darwin and Nathalie and that annoying Lucas. 


Unti-unti kong binalingan si Berwyn. Nakahalumbaba siya sa kaniyang hita habang nakaindian sit and he's still stretching his hand with his teddybear. 


I suddenly feel my cheeks heated. Naalala ko ang kaganapan kagabi and it gets me back to my senses. How he sing, how he act and how he talks.


"Earth.... is really weird. "he muttered and I can't help myself smile. I can't believe this is happening. Really? 

Ang Crush Kong Wirdo (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon