Chapter 26

567 31 6
                                    

I was left with Tidi. Sinunod niya ang payo ko at ako naman ang nasasaktan ngayon.

Yan kasi Earth. Sana sinabi mo nalang na hayaan nalang niya si Anjie.

Hinintay ko na balikan niya ako para maisoli ko sa kaniya si Tidi pero hindi nangyari. Isang araw din na hindi nagpakita sa akin si Tristan. I wonder what's wrong with those people.

Uwian na at nakatunganga parin ako sa room na ginamit namin. Nagsiligpitan na ng gamit nila si Mae at Nathalie.

"Chum,  ano pang ginagawa mo diyan? Ayaw mo pang umuwi? "It's Mae. Umiyak pala siya kanina dahil muntik ng matanggal ang kuko sa hinliliit niya.

"Tristan is not showing. Ano kayang problema niya? Baka masyadong busy? "Bulalas ko.

Isang batok ang natanggap ko kay Nathalie. Pinamaywangan niya ako at tinaasan ng kilay.

"Gaga,  sinundan ka niya noong bumaba ka sa rooftop nila Mae. Tapos pagbalik niya,  nagising kasi si Lucas non, alam mo kung anong ginawa niya? Sinuntok niya ulit kaya nawala na naman ang ulirat. "

What?

Sumunod siya sa baba?

Does that mean?

Nakita niyang magkayakap kami ni Berwyn?

Hindi nga?

Kaya ba hindi niya ako tinitingnan?

Ginulo ko ang buhok ko. Anong gagawin ko? Baka galit iyon sakin? Baka hindi na niya talaga ako pansinin for life.

"What am I gonna do? "Niyakap ko ang baywang ni Nathalie dahil nahihirapan akong magdesisyon. Iba na kasi kapag feelings ng tao ang usapan. Ayaw kong may malulungkot ng dahil sa akin.

"Wala. Let him be. Ano bang nakita niya? "Tanong nito habang nakataas ang kilay and she  flipped her hair na tumama kay Mae na masama na ang tingin sa kaniya.

Wait? Sasabihin ko bang niyakap ako ni Berwyn? Aasarin ako nito panigurado. Pero wala naman akong choice. Kailangan kong magseek ng payo sa kanila. Nath is expert when comes to boys. Mae is well,  wala siyang pakialam.

Naiilang man ay kinwento ko sa kanila kung anong nangyari the moment na hinabol ko si Berwyn sa baba. Tawang tawa si Nathalie at si Mae naman ay nakanganga.

"I can't say if that's a good thing or not. Hindi ka dapat gumawa ng move when it comes to Tristan. Hayaan mo siya kung lalayuan ka ba niya o hahabulin. It's his call. "Payo ni Nathalie.

Umupo na silang muli sa kani-kanilang upuan at tinitigan ako.

"Eh baka galit sakin si Tristan! "Giit ko pero binatukan akong muli ni Nathalie.

"Hindi ka ba nakikinig? Syempre kung gusto ka niya at nakita ka niyang may kayakap na iba malulungkot talaga iyon. Dalawa lang ang rason bakit hindi ka niya kinakausap o pinupuntahan. It's either gusto ka na niyang layuan kasi wala siyang nakikitang chance na magiging kayo,  o nagpapalamig lang siya ng ulo. "Mahabang litanya ni Nathalie.

May point siya. Pero kasi,  nakakastress kapag mayroong taong galit o may tampong nararamdaman sakin. Hindi kaya ako mapakali.

"Eh pano kung yung una yung gawin niya? "Tanong ko pa ulit.

Babatukan na naman sana niya ko pero nakailag ako. Ang bigat kaya ng kamay niya parang sa lalaki.

"Gusto mong habulin ka niya pero wala siyang pag-asa sayo? Tingin mo Earth Snow Montecastro,  magiging masaya kaya siya sa ganon? Matutuwa ka ba? "

Iyan ang mga tanong na iniwan sa akin ni Nathalie na hindi ko malaman ang dapat na sagot. Tristan and I are friends.

Naisip ko tuloy na pareho kami ng sitwasyon.

Ang Crush Kong Wirdo (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon