Darwin didn't had his chance. Nagkagulo sa lugar namin because of that freaking kiss. Tulala ako. Hindi ko namalayan na nasuntok na ni Tristan si Berwyn at nag-awat na ang iba pang nandoon.
I just found myself walking out of that place. Dumiretsyo ako sa bahay. Nagkulong at inivaluate ang sarili ko. Mae is calling me pero hindi ko sinasagot.
I can't believe he kissed me. Not that I don't want to be kissed by him but... Nakakaloka lang talaga. That's not what I'm expecting!
Paano ako haharap sa kanila kinabukasan? Pwede bang magtransfer nalang ako sa ibang school? I'm so embarrassed!
It took me three days bago nakamove on. Well, aaminin kong sa tuwing nakikita ko si Berwyn ay nagbabalik ang lahat sa alaala ko. Nagkikita padin naman kami. Nagkunwari akong wala lang ang lahat pero sa tuwing mag-isa nalang ako, I keep on telling myself, he doesn't know anything about kiss so hindi mo dapat bigyan ng meaning iyon.
Para sa kaniya, wala lang iyon, siguro para asarin lang si Tristan or what. I don't know his reasons at lalo na noong sinabi niyang siya lang ang dapat kong halikan.
My feelings for him is creeping the hell out of me. Hindi ko na magawa ang mga dati kong ginagawa sa kaniya. Naiilang na nga akong lapitan at kausapin siya. It's just that it's kinda awkward.
Tristan is still the same. Tingin ko nagkukunwari lang din siyang walang nangyari. He's back with his usual self. Sa tuwi nga lang na makikita niyang kasama ko si Berwyn ay nagkakaroon ng kuryente sa pagitan nila.
Ang ganda ko talaga.
Anyways, ito na ang araw para ibigay kay Mae ang kaniyang toy figure. I bought Levi Ackerman ng Attack on Titan and it's worth Three Thousand Five Hundred. Ubos ang allowance ko.
"Here 'ya go. "Gusto ko pa sanang tawaran siya na stickers o kaya bag or keychain nalang ang ibibigay ko sa kaniya pero talagang ang usapan ay usapan.
Hindi ko naman kasi ineexpect na may gusto sakin si Tristan. Like hello? Ang daming mga babaeng mas magaganda at mas mabait kaysa sakin. Bakit ako pa?
"Thanks my friend."Tumawa siya at pagkatapos ay bumalik sa pagngatngat ng kaniyang kuko. "So, did he make a move na? Nagpaalam na ba sa pamilya mo na liligawan ka niya? "
Tiningnan ko siya. "No! "That makes sense. Boto nga siya kay Tristan. Wala bang magbebet kay Berwyn para sakin?
As usual, muli akong pumunta sa mahogany tree. I'm still his friend so hindi ako dapat magpakita ng motibo na gusto ko siya. Yeah, I really do have a crush on that weird guy.
I've waited for almost thirty minutes pero walang kulot na sumulpot. I wonder where is he. Baka nasa gate na naman at pinaghihintay ni Anjie. Puntahan ko kaya doon?
Isang tawag mula kay Mae ang natanggap ko.
"Hello Mae? "
"Earth! Nasaan ka?"Histerikal na sabi niya. What happened to her?
"Sa likod ng building. Bakit? Okey ka lang ba? "
Para siyang nakahinga ng maluwag. "W-wala naman. N-natanong ko lang. "
Something is not right. She's stuterring. "Mae, what's wrong? "
Tumawa siya. Ang awkward ng tawa niya. Alam kong mayroon siyang tinatago kapag ganito siya. She's suck at lying. Hindi ako papayag na hindi ko malalaman ang problema niya.
"W-wala naman. Sige na. "
"Sandali! "Sigaw ko sa kaniya. Hindi siya pwedeng maghang. "Tell me what's wrong? "
BINABASA MO ANG
Ang Crush Kong Wirdo (✔️)
RandomAng boring na college life ni Earth Snow Montecastro ay mabibigyan ng sari-saring kulay when she met this weird guy named Berwyn. Halina at samahan natin siya sa kaniyang adventure papunta sa puso ng kaniyang crush. Magugustuhan din kaya siya nito...