"Earth... Snow... "Hindi ko alam kung imagination ko lang ito o ano. Feeling ko parang binanggit ni Berwyn ang pangalan ko kasi ba naman itong puso ko tumalon na naman. Tinawag niya ba ko? Pasimple akong tumingin sa kaniya pero kumakain lang siya.
"Gyle bakit hindi mo sinamahan si Anjie? " tanong ni Darwin habang hinahaplos ang braso ni Nath. Ito namang babaeng ito feel na feel.
But wait? Did he call him Gyle? That must be his second name.
"I don't want to break up with her. "sagot niya sabay tingin sakin. Ako naman itong parang namagnet na naman sa kaniya. Though it hurts noonh sinabi niyang ayaw niyang magbreak sila ng girlfriend niya. Parang pinipilit ang puso ko sa sinabi niya. Too bad for you Earth.
"Tsk. You should stop Gyle. It's been 3 years, what's the progress? Sa halip na magstick ka sa relationship na wala namang kasiguraduhan ang future, why don't you just be a happy man and enjoy life. Like I do. "
Tiningnan niya si Nathalie ng malagkit. Nakakasuka. Parang nag-usap ang mga mata ng dalawa at patuloy lang siya sa paghaplos sa braso ni Nathalie. I have something in my mind pero ayaw kong magconclude. Basta pinanayuan ako ng balahibo sa tinginan nila.
So it means na hindi ganoon kaayos ang relasyon ni Berwyn at Anjie. What's the real score? Darwin is right. He should...
Naiisip kong tama si Darwin dahil gusto kong magbreak sila ni Anjie. Pero, sabi nga nila. This is what they call love.
"Earth. "Tawag sakin ni Mae with her phone na umiilaw. She mouthed excuse lang saka siya lumayo para sagutin ang tawag ng kung sino man.
"She said...she wants some space. I'm giving her that. "sagot ni Berwyn sa malungkot na tono.
"Hindi kita maintindihan Gyle. Bakit nagtatiyaga ka sa babaeng hindi ka naman gusto? You are such a masochist." Napailing na sabi niya at ang kamay niyang kanina ay nasa braso lang ni Nathalie, nasa bewang na. Gustong gusto naman ni Nathalie.
"She said she loves me.. " Napayuko ako sa sinabi ni Berwyn. Talagang ayaw niyang sumang-ayon sa statement ni Darwin at ipinipilit niya ang opinyon niya. He really loves her. Naiinggit ako sa babaeng iyon. Mahal siya ng taong ito.
Sana ako nalang siya. I will surely give you the best of me.
Bumalik si Mae sa upuan namin na nakasimangot. Mas nakasimangot siya ngayon.
"Mae what happened?" tanong ko sa kaniya.
"Your kuya called me. "umirap na naman siya. "He's here waiting for you. "
"Ha? Bakit sayo tumawag? " I fished out my phone and tried to open it but I failed. "Low bat. "ngiti ko sa kaniya. "Susunduin na niya ko? "
"Yep. And he is in his A mode. " she quoted. "Go na girl bago pa bumuga ng apoy iyon. " tinaboy niya ko at nagsimula na naman siyang kumagat sa kuko niya.
"Chum what's going on? " tanong ni Nath sa mataas na boses at agad na naglingunan ang mga lalaki naming kasama. Ang boses talaga nito grabe!
Napataas nalang ang kilay ni Darwin. "What's wrong? "Tanong niya na nasa hita na ang kaniyang kamay na kanina lang ay nasa bewang ni Nath. He's so...
"Andito na kasi ang kapatid ko para sunduin ako. "Awkward na paalam ko sa kanila.
"It's just 5:30." sagot ni Darwin sabay tingin sa relo niya.
"Kasi.. Ano eh.. "
"Guys, guys hayaan niyo na siya. If she wants to go then go! " Irap niya saka yumakap sa bewang ni Darwin. Urgh! Wala man lang siyang thank you sa pagsama sa kaniya dito? She's really getting into my nerves.
Huminga ako ng malalim. Pumikit ng mariin to get my composure. Opened my eyes and looked at her. I wanna slap her face. Real hard. "Una na ko. Mae? "
"Sabay na ko. I don't wanna stay here anymore. "Tumayo siya at hinila ako patayo. Tiningnan lang kami ni Nath sabay taas ng isa niyang kamay. "Go! Shoo! " Kaway kaway niya with her wicked grin na parang nagsasabing sige girls umalis kayo at akin lahat ng biyayang nandito. Just what the hell?
"Nice meeting you all. "tiningnan ko silang lahat and my eyes stayed at him. "Nice meeting you." I mouthed at gayon na lamang ang pag-aalburuto ng buong pagkatao ko ng unti-unting tumaas ang isang sulok ng labi niya sabay kagat dito. Oh my! Did he..did he... Did he.. Did he... Just smile?
Agad akong tumalikod at napapikit. He's so cute. His eyes... I saw it! It twinkle! It twinkle! Gosh I'm going insane!
Naramdaman ko nalang ang pagkahawak ni Mae sa braso ko.
"Girls! " tawag samin ni Darwin at sabay kaming lumingon ni Mae. Hinanap ng mata ko si Berwyn na nakatingin sa akin. "Goodbye and nice meeting you! " ngiti niya.
We smiled saka muling tumalikod. Pagtalikod namin lumingon muli si Mae sa kanila.
"Hey boys! Just wanna tell you that she's really a whore so hold your balls! "sigaw niya na ikinalaglag ng panga naming lahat saka niya ko hinila patakbo.
"Maevelyn! "narinig pa namin ang sigaw ni Nath sa loob.
Pagkalabas namin ng Starbucks saka kami humagalpak ng tawa.
"Her face Chum! It was epic! " tinaas taas pa niya ang dalawang kamay niya. "Gosh I'm so proud of myself! " Tawa siya ng tawa at pati ako ay natatawa din sa kaniya.
Maya-maya ay bigla nalang nagseryoso ang mukha niya at gayon din ako. "I'm just wondering what will happen to us once na magkita ulit tayong tatlo. I'm pretty sure she'll kill us for good. "Tumawa na naman siya. Oo nga patay kami nito.
"But chum. I saw something! " Kindat niya sakin saka dinanggil ang balikat ko. "He's cute though. "
What the?
"What are you talking about? " tanong ko. Am I that obvious?
"I know you chum! You have a thing on the kulot guy! "
"You two! Get in the car now!"
BINABASA MO ANG
Ang Crush Kong Wirdo (✔️)
RandomAng boring na college life ni Earth Snow Montecastro ay mabibigyan ng sari-saring kulay when she met this weird guy named Berwyn. Halina at samahan natin siya sa kaniyang adventure papunta sa puso ng kaniyang crush. Magugustuhan din kaya siya nito...