What the heck is that?
Napatulala ako sa kaniya. Hindi ko mahanap ang salitang dapat na sabihin ko sa kaniya. Anong dapat kong sabihin? At kung magsasalita naman ako, tingin ko hindi siya makikinig sakin.
He will still hold onto that woman's words."Do you know what that means? "Halos pabulong kong tanong sa kaniya. Nakatingin lang ako sa paa namin. Ang bawat pagpatak ng ulan at pagtama nito sa mga paa namin.
"Darwin said that Anjie is their subject. They asked me if it's fine with me and I said okey. "
He doesn't have any idea on what's going on. Naikuyom ko nalang ang kamao ko. Bakit hindi niya alam ang mga ganitong bagay? Hindi niya man lang ba nakuha kung anong gustong ipahiwatig ng Darwin na iyon? That jerk!
"Why is it fine with you? "Tanong ko pa.
Hindi siya kaagad nakasagot. Tiningnan ko siya. Nakayuko lang sa kaniyang tuhod at yakap yakap ang kaniyang teddybear. Sinabi niya bang okey sa kaniya pero hindi talaga okey o okey lang talaga? Magulo diba? Ang gulo niya din kasi.
"Berwyn.... do you really love Anjie? "Hindi ko alam kung saan ko napulot ang mga salitang iyon. Siguro gusto ko lang talagang saktan ang sarili ko. I'm looking out for him dahil ayaw kong may mananakit sa kaniya. I don't know why. I just can't leave him all alone.
And his answer broke my very heart. "I love her so bad. "
Yumuko ako. Okey lang yan Earth. Ang mahalaga magkaibigan kayo. You should be happy for him. Maging masaya ka nalang at makuntento sa pagiging magkaibigan niyo. Malay mo diba? Makakahanap karin ng taong mamahalin mo. Hindi mo kailangang magmadali.
But it hurts.
I just swallowed the lump in my throat as I fished out my cellphone. I know it's too late and my mom's gonna call me pero I still want Berwyn to be okey. I want him to know that Anjie loves him too.
"C-can I-I get Tristan's number? "Tanong ko sa kaniya.
Nagulat ako nang suklayin niya ang buhok niya at nakita ko ang kabuuan ng mukha niya. Nakakunot ang kaniyang noo at nakapout siya.
"Why do you want to know his number? "
"Tatawagan ko lang. Sasabihin ko na sabihin niya kay Anjie na puntahan ka dito. "Nginitian ko na siya pero hindi siya natinag. Nakatitig siya sakin.
"I won't give you. "Lumayo pa siya sakin.
I don't understand him! Gusto ko lang naman na kunin ang number ni Tristan para masabi niya kay Anjie na nandito si Berwyn. Bakit ba ayaw niya?
"Why Berwyn? What's wrong? "Lumalapit ako sa kaniya pero pilit niyang inilalayo ang sarili niya sa akin. I'm starting to feel sad.
"Pagkatapos mong masabi iyon kay Tan, makikipag-usap ka pa ulit sa kaniya? "
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ofcourse! "
"Then I won't give you. "Napanganga na lang ako. What the hell is his problem? Ano naman kung makipag-usap ako kay Tristan after non?
"Don't be stubborn Berwyn. "
Tiningnan niya ako. Bigla niyang idinikit sa pagmumukha ko ang black niyang teddybear. Sumandal siya sa pader at muling natakpan ang kaniyang mukha.
Walang imik niyang kinuha ang cellphone niya at hinawakan gamit ang hintuturo at hinlalaki niya. Nagpipindot siya at pagkatapos ay itinapon niya sakin ang kaniyang cellphone. Hinablot niya din ang teddybear niya at tumalikod sa akin.
"Fine. Do what you want. "
Hindi ko nalang pinansin ang pagiging cold niya. Hindi ko talaga alam kung anong reason bakit siya nagkakaganito. Nililimitahan ko lang ang pag-aassume at pag-iisip ng mas malalim para ang sakit kapag dumapo sa puso ko ay hindi malalim. Tipong makakaya mong hugasan lang.
BINABASA MO ANG
Ang Crush Kong Wirdo (✔️)
RandomAng boring na college life ni Earth Snow Montecastro ay mabibigyan ng sari-saring kulay when she met this weird guy named Berwyn. Halina at samahan natin siya sa kaniyang adventure papunta sa puso ng kaniyang crush. Magugustuhan din kaya siya nito...