Chapter 11

665 34 0
                                    

So ako pa pala ang wirdo? 


Hindi ako makapaniwalang madali siyang maniwala sa pinagsasabi ng mga kaibigan niya. Pupunta ba talaga siya sa UP para makapanood ng parade kuno? 


"San sa UP pala? "ngayon kinain na niya pagkakita ko ng sinulat niya sa plato niya. 


"Doon sa may Sunken Garden. "


"Okey."


Tiningnan ko ang lalaking kausap ni Berwyn. Humalumbaba lang siya at ngumiti sa akin. "Staring is rude miss weirdo. "


Tinaasan ko siya ng kilay. I am not a weirdo or kung tingin niya man na weird ako wala na kong pakialam. 


"Why are you making fun of him? You should take back what you said! "


Tinaasan niya ko ng kilay. Naramdaman kong tinapik ni Mae ang hita ko. Now I'm not in a good mood. Ayaw na ayaw kong nakakakita ng pinaglalaruan sa harapan ko and much worst ng itinuturing niya pang kaibigan. What's wrong with this guy? 


"Because it's fun. I won't take back my words. "he smiled and I want to punch his face. 


"Earth... be careful. "


The hell! I know what I'm doing. 


Tumayo ako at walang pasabing umalis ng cafe na iyon. Paglabas ko ay nakasunod na pala sakin si Mae. Hinawakan niya ang aking balikat at pinakalma ako. 


"I know what you feel. Let's go somewhere."


Hinila niya ko sa kanto. Akala ko kung saan ang somewhere na tinutukoy niya. Dito lang pala sa tindahan ng mga kwekwkek. Inabutan niya ako ng plastic na baso at stick.


"Kumuha ka. Treat ko. "


Habang kumakain kami ng kwek kwek ay sinabi ko sa kaniyang hindi ako mapapakali hangga't hindi ko napapabawi sa lalaking iyon ang sinabi niya kay Berwyn. I don't want to see him upset. 


"So you do like that guy. "she concluded and that caught me offguard. 


Do I like the guy? He looks so innocent at madaling magtiwala. Iyan ang nakikita ko sa kaniya. Okey naman na magtiwala ka sa mga kaibigan mo pero piliin mo parin. Hindi lahat ng kaibigan mo ay totoo saiyo. Minsan kasi kinakaibigan ka lang para may paglaruan sila. 


"Maybe. But Mae... ayaw ko din na makakakita ng taong binubully. It breaks my heart alam mo iyan. "


I was a bully victim. Elementary palang ako binubully na ako. Mostly mga lalaki pa. They will punch me, kick me and whatsoever. Magugulat nalang ang mama ko dahil uuwi akong may pasa sa braso at kung saan saan pang parte ng katawan ko. 


I still don't understand why other children did  that to me and my other classmates. Teachers said na hindi maayos ang pagpapalaki ng mga magulang nila sa mga bully kaya they are inflicting pain to other people. 

Ang Crush Kong Wirdo (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon