Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hinablot niya sa akin si Tidi at iniyakan niya. I told him I could fix his teddy bear but he didn't listen to me. Ang sama pa ng tingin niya sakin dahil pinatay ko daw ang kaibigan niya. How awful.
"Luke.. Look at Tidi. Is he dead? "He's crying. I am too. I'm crying too.
I'm crying because I was embarrassed.
Sabi ko hindi ko ipapakitang mahina ako. Sabi ko hindi ko hahayaang makita nila ang luha ko. I don't want them to see me in this state. Pero, masakit pala kapag napagbintangan ka ng taong gusto mo.
Masakit na mapagbintangan ka sa salang hindi mo naman ginawa.
And because I was the third degree friend. My opinion was wasted.
"I tried to take your teddy bear from Earth pero ayaw niyang ibigay sakin. Ilalagay ko sana sayo, pero ayun nakipaghilahan siya kaya napugot ang ulo niya."Damn you Lucas. You lying bastard!
I look at Berwyn pero hindi niya ko tinitingnan. He got cold too. Niyakap niya lang si Tidi at yumakap siya kay Lucas. Doon siya umiyak sa balikat ng traydor niyang kaibigan.
I can't take this.
How could he trust these bastards?
"Hush now Gyle, it's alright. Tan will fix him. In the mean time, you should stay away from Earth. "He then smirked at me.
Wala akong nagawa kundi ang tumulala. I looked at my broken arms. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko.
Galit. Inis at lungkot.
I can't believe na ginawa ko ito para sa isang taong hindi naman ako maaappreciate. Na akala ko lalayo na siya sa mga sinungaling niyang kaibigan.
But I was wrong.
"Earth is bad. "He said.
I'm bad but you are worst.
"If I'm a bad person, you'll stay away from me. Don't ever come near me Berwyn. I won't talk to you anymore. "Pinilit ko lamang na tumayo.
Iniwan ko silang dalawa.
Paglabas ko ay saka ako humagulgol. Hindi ko akalain na masakit pala masabihan ng ganoon. Ano bang pinaggagagawa ko sa sarili ko? Bakit ko ba ginawa ang ganito? Nababaliw na ba ako? I can't believe myself.
Ako ang nagtanggol sa kaniya, pero sa huli, ako ang naging masama.
Edi sana pala nag-away nalang kami ni Lucas habang gising siya para nakita niya kung gaano kasinungaling ang walang hiya niyang kaibigan.
Guess, we really should learn from our mistakes. And it's my mistake dahil masyado kong dinibdib ang pagkakaibigan namin ni Berwyn. Masyado akong naglaan ng malaking space para sa kaniya. It's so happen na gusto ko pa siya.
Masakit na nga ang braso ko, masakit pa ang ulo ko...at mas lalong masakit ang puso ko.
"Earth? "
Yumuko ako. Nanlalabo na ang mga mata ko at nakakaramdam na ako ng pagkahilo. Maybe because of my arm. Hindi ko parin magawang maibaba ang kamay ko dahil sobrang sakit. Pakiramdam ko nagkanda bali-bali na ang buto ko dahil sa lakas ng paghampas niya.
He didn't even apologize.
Kasalanan ko din naman kasi. Masyado akong nagpadala sa damdamin ko. Hindi ako nag-iisip. Ang tanga ko sa part na 'to.
"Earth what happened to you?! "A gentle shake brought me back to my senses.
He's a blurry version of Tristan. And he's looking at me with those pity eyes of him. Hindi ko na alam kung tama bang mayroong naaawa sa kalagayan ko. Hindi naman ako kaawa-awa so hindi niya ko dapat tingnan ng ganito.
BINABASA MO ANG
Ang Crush Kong Wirdo (✔️)
RandomAng boring na college life ni Earth Snow Montecastro ay mabibigyan ng sari-saring kulay when she met this weird guy named Berwyn. Halina at samahan natin siya sa kaniyang adventure papunta sa puso ng kaniyang crush. Magugustuhan din kaya siya nito...