Ang manunulat

19 0 0
                                    

  Sa lahat ng channel sa tv, pangalan niya ang aking nakikita, Jonathan Guerrero. Presko, mahinahon, at sobrang saya niya habang tinatanggap ang parangal bilang magaling na manunulat ng taon. Isang bagay na hindi na bago sa akin.

    Ako ang gumagawa ng mga nobelang nagiging bestseller at pinaparangalan sa tuwing inilalabas. Ako ang nagpupuyat at lumilikha ng buhay sa bawat salitang naililimbag. Utak ko ang aking makina at dugo ko ang tinta sa bawat pahina. Ngunit, kailan ma'y hindi naging pangalan ko ang nakalagay sa pabalat ang akdang ako mismo ang puno't dulo. Hindi maari.

      Ngayo'y patapos ko na ang isang bagong nobela. Unti-unti na akong nawawala, lumilisan. Muli na namang lulutang at matutulog sa kalawakan ng kadiliman. Ito ang aking buhay bilang alter o personalidad sa loob ni Jonathan.

Mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon