Ang pagmamahal ay itim,
Isang bagay na hindi ko maipaliwanag ng masilayan ko siya."ahhh! Pakawalan mo ako!" Nagpumiglas siya na parang wala nang bukas. Ang kanyang pulsong makinis ay namumula na. Hawak ang isang lubid ay tumayo ako at ipinulupot ito sa kanyang leeg.
"Pakawalan mo na ko... parang awa mo na..." umiiling ako habang pinagmamasdan siya.
Ang kanyang matang una kong minahal ay nagmamaka-awa. Ang kanyang labing lagi kong hinahanap at sinisintang paulit-ulit ay nanginginig. Inabot ko ang kanyang makinis na leeg at binigyan ng magagaang halik.
"Marry me, please. I love you," pagmamakaawa ko.
Nagsimula siyang humagulhol muli. Hinawakan ko ang kanyang kamay at isinuot ang singsing.
"mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat maging akin ka lang," ang aking wika
tumingin siya sa akin habang umiiyak. "Hindi ikaw ang minahal ko," mahinahong sabi niya.
"Ako ang mapapangasawa mo," pagpapakilala ko.
