Alon

13 0 0
                                        

Ipinanganak ako sa buwan ng Hulyo kung saan ang pagpatak ng ulan ay ang pagpatak din ng aking edad. Kasabay ng ingay ng yero ay ang malulutong kong tawa.

   Masasabi kong masaya ang aking kabataan ngunit bakit ang lungkot ng aking pagbibinata?

    Sa araw-araw kong paggising ay ang pakiramdam ng kakulangan. Sa umaga'y ang masiglang bati ang aking pamilya. Nadaraanan ko ang napakagandang bulkan ng aming lugar at nasasamyo ang preskong hangin sa byahe papuntang paaralan. Naglalakad ako sa lilim mg mga puno habang naririnig ang mga huni ng ibon papunts sa aming silid-aralan . Sumasakit ang tyan ko kakatawa sa kalokohan ng aking mga kaklase. Natutuwa akong kumain ng streetfood pagdating ng uwian. Ngunit pagpumasok na ako sa aking silid... tila ako'y namamanhid. Titingin ako sa kalangitan at mamangha sa mga bituin. Maya'y wala na naman. Kinakain na naman ako ng sakit. Sobrang sakit.

   Sa araw na ito'y naririnig ko ang mga alon. Nagsasayaw sila, naglalaro. Tumalon ako. Sumabay sa kanilang sayaw. Ngayon ko lang napagtantong napakaganda pala ng mundo... napakaingay, napakamakulay, napakasaya! Ang aking pamilya, ang aking kapaligiran, ang aking kamag-aral... ang aking buhay.

     Ang pitong minutong baliktanaw ay tapos na... ako'y lilisang may pagsisisi.

Mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon