Kurtina

12 0 0
                                    

  Sa bawat ihip ng hangin ay ang pagsayaw ng kurtina. Bahagyang ipinapakita ang isang dalagang nagtatago. Nahihiya habang nakasilip sa kanilang mga bisita.

    Ang kanyang kagustuhang makalapit ay natatabunan ang pangamba. Natatakot na baka pagtawanan siya kung lalabas. Natatakot na matawag na baboy dahil sa kanyang katabaan.

   Sa mga bisita nama'y palihim na sinisilip ng isang binata ang bawat sulok ng bahay. Nagbabakasakaling mamataan ang dalagang kanyang lihim na nagugustuhan. Nais niya itong makita bago sila umuwi.

   Habang sa likod ng bahay, sa bintana ay naroon ng dalagang hinahanap. Nakikipagtalo sa kanyang sarili. Haharap ba o magtatago?

    Dumating ang oras ng pag-alis ng mga bisita. Sa paglabas nila, sa paglabas ng binata ay nakatagpo siya ang isang dalagang matapang at malakas ang loob na tanggapin ang sarili. Isang dalagang walang hiyang ibinandira ang kanyang kahinaan, kapintasan at nakangiting sinuong lahat ng tinging ipinupukol sa kanya. Lahat ng panghuhusga'y tinanggap niya at ngayon nga'y nasa harap na siya ng binata.

    Muling umihip ang hangin. Sa pagsayaw ng kurtina'y siya ring paghalik ng binata sa dalagang kanyang inaasam.

Mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon