Pixie Dust

8 0 0
                                    

Nararamdaman ko na. Haha! Kaya kong lumipad! Unti-unting umangat ang paa ko sa semento na tila isa akong balahibo. Hinayaan kong isayaw ako ng hangin at dalhin kong saan. Napakagaan sa pakiramdam! Tila wala akong problema...

Ang medyo mahaba kong buhok ay sumasabog sa aking mukha. Itinaas ko ang mga burdado kong kamay parang si superman, maglalaro ako sa alapaap!

Tatawa-tawa akong umiikot sa mga ulap. May nakikita akong kabayong may pakpak, isang talon sa simula ng bahag-hari at... ang aking pinakamamahal na asawa't mga anak. Agad tumulo ang aking luha. Lalapit sana ako ngunit naghihina ako. Babagsak ako! Wala nang bisa ang pixie dust! Pagdating sa sementong sinimulan ko, agad akong humithit ng usok ng pixie dust at muli akong lumipad patungo sa aking pamilya.

Mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon