Mabini niyang hinaplos ang bulaklak sa kanyang buhok, malamyos napapangiti. Nagyon ang araw nang muling pagkikita nila ng kanyang sinisinta. Kaya naman labis siyang natutuwa.
Sinadya niyang maging kaayaaya. Nais niyang pagnakita siya ng kanyang sinta ay yayain na siya nito ng kasal. Namula siya. Papagalitan talga siya ng ina dahil sa mga iniisip.
Sabi ng kanyang ina, dapat ang mga babae ay pasensyosa, hindi magaslaw, at mahinhin. Ngunit sa mga oras na iyon ay hindi na niya mapigil ang pagkasabik. Tumayo siya nang walang ingat kaya nama'y nasilip ang kanyang sakong. Agad niyang inayos ang saya, takot na masilipan. Ayaw niyang maging madumi at imoral na babae.
Narinig niya ang mga yapak. Naandito na! Agad siyang umayos ng tayo at kinalma ang sarili. Hindi dapat siya magmukhang sabik dahil nakakababa iyon ng pagtingin.
Nanatili siyang nakatalikod habang nakatakip ang pamaypay sa kalahati ng mukha.
"Binibing Clarita, aking sinta..."
Lumingon siya at nagsimulang mamula. Bakit ang gwapo niya? "Maligayang pagbabalik, Ginoo."
Lumapit ito sa kanya. Sa azotea, sabay silang humarap sa isa't isa. Dahan-dahan niyang ibinaba ang pamaypay. Nakipagtitigan habang naririnig ang palakpakan sa paligid.
"You wanna come to my place after this?" Tanong nito at kumindat.
Nagpakawala siya nag tawa. Pero sa pagkakataong ito, isang maharot na tawa.
