Marahuyo

4 0 0
                                    

"Ilang store na ba ang napuntahan mo ha, Jenny? Ang dami na nating bitbit o!"

Iwinasiwas ni Jennilyn ang kanyang kamay sa mukha ng kaibigan.

"Maghintay ka... malapit na akong matapos. May hinaha— oh..."

Napatigil ang sasabihin niya ng magawi ang pangin sa kanan, kung saan nakadisplay ang isang green velvety bag.

Tila kumikislap ito sa kanyang paningin. O premyo sa isang patimplak. Nakikita niya ang sariling hinahaplos ang bag, napakasarap... O ginagamit araw-araw, hmm... Tao lang siya, marupok! Ang temptasyon ng bag ay handa niyang yakapin.

Imbis na nagtungo sa pupuntahan ay pumasok siya sa store.

"Teka, jenny! Iyan na ba ang hinahanap mo?" Tanong ng nakasunod niyang kaibigan.

Bumaling siya dito. "Hindi. Pero gusto ko ang bag."

"Ha? Ano bang hinahanap mo?"

"Petroleum jelly." Tipid na sagot ni Jennilyn na ikinalaglag ang panga ng kaibigan. Tinignan nito ang bitbit na walong shopping bag sa kamay.

Biglang tumunog ang cellphone ni Jennilyn.

"Oh?" Saad niya ng sagutin ang tawag.

"Maam, we just want to inform you that you already spent all your money in your bank account. Your next purchase using your atm cards would be invalid. We suggest to use your debit card instead. Our head also want to remind you about your past transactions using the debit card. Please be aware of our policy and conditions. That all, good morning."

Napatulala si Jennilyn. Paano na ang bag?!

Sa isang gilid naman, naandoon ang kanyang kaibigan at pilit pinapalakas ang mga brasong may bitbit. Tahimik siyang bumubulong-bulong nang biglang tumunog ang alarm ng store. Agad siyang napatingin sa pinto ngunit likod na lang nang tumatakbong kaibigan ang kanyang nakita.

Nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng store. Isang gwardiya ang lumapit sa kanya.

"Hindi po ba't kasama ka no'ng babaeng magnanakaw? Sumama ka muna sa amin."

Napatitig na lang ang kaibigan ni Jennilyn sa mga bitbit. Nagtatagis ang baga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon