unsatisfied

3 0 0
                                    

     "Babe, tawag na lang ako sayo, a." Nakangiting sabi ni... Gelle o ni Janine? Hindi ko na maalala.

  Ngumiti lang ako at humilata sa kama. Nakangiti naman siyang lumabas sa hotel room namin.

   Bigla akong napatingin sa phone ko. Shit! 12 missed call mula sa legal girlfriend ko. Tangina. Birthday niya pala.

     Nagmamadali akong naligo at nagbihis tapos ay pumunta na sa venue. Pagdating ko doon agad akong ngumiti sa kanya kahit nakabusangot siya.

     Pinagsabihan niya ako ng kaunti pero inasikaso pa rin. Ganyan siya. Kaya mahal na mahal ko. Balak ko nga siyang pakasalan na, siguro 3 more years pa.

    Habang nakaupo at umiinom, nagmasid-masid ako. May isang babaeng nakakuha ang atensiyon ko. Nakatingin din siya sa akin. Biglang nangtindigan ang balahibo ko at iba pa. Inalis ko ang pagkakaakbay sa aking girlfriend.

   Pasimpling sumusulyap ako sa babae.  Kinindatan niya ako. Shit! Biglang akong naexcite. Bigla kong naramdaman ang adrenaline.

   Bigla akong napatingin sa girlfriend ko. Wala namang kulang sa kanya sa totoo lang. Lahat kaya niyang ibigay. She was more than enough. Pero iyon nga, may mga bagay na ako lang ang nakakaintindi. May mga bagay na kahit anong pigil ko'y hinahanap ko talaga.

    Tumayo ako at nagpaalam. Pumunta ako sa parteng tago at halos walang pumupunta. Maya'y narinig ko na ang takong niya.

    "So... anong gagawin natin?"

Mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon