Katoto

3 0 0
                                    


"Uy, friend! Pahiram ng kopya mo sa math, ha? Thanks!" Agad kong kinuha ang notebook na nakapatong sa mesa ng isa sa mga kaibigan ko. Walang pakiaalam sa matatalas niyang mata.

Ngumiti ako at lumapit kay Gaea na abala sa pakikiusap.

"Hey, tapos ka na dito?" Tanong ko nang makitang nakatingin siya sa akin.

"Oo. No'ng isang araw pa. 'Di ka pa tapos?"

Tumango ako sa kanya habang kinakapa ang ballpen sa bag nang biglang humapdi ang hintuturo ko. Nang ilabas ko ito ay may dugo nang tumutulo.

Nakita ko ang nag-aaalalang mata ng iba naming kaibigan. May ibang lumapit at tumingin. May tinawanan ako. May nagbigay ng band aid. May pinagalitan ako at may mga sumulyap lang.

Napatingin ako kay Gaea habang natatawa pa mula sa mga kaibigan namin. Nakataas ang isa niyang kilay ngunit may multo ng pag-aalala sa kanyang mga mata.

Hinawakan niya ang kamay ko. Sinuri. Tapos ay muling binitawan.

"Malayo sa bituka. Mabubuhay ka pa," at muli siyang bumalik sa pakikipag-usap.

Napatingin ako sa daliring dumudugo. At sa daliri niyang medyo nanginginig. Takot nga pala siya sa dugo.

Mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon