Ballpen

4 0 0
                                    

     Paano ba malalaman kung nakaapekto ka sa buhay ng isang tao? Matapos ng ilang taon? Buwan? Araw? O kung naisip mo nang kahit anong gawin mo, may epekto't epekto pa rin ito sa isang tao.

   High school, cleaners kami noon. Habang nagwawalis at pinagtatawanan ng barkada, may nakita akong ballpen. Naslala ko noon, uso sa amin iyong pag may napulot na ballpen, ibubulsa pa rin kahit pa may pangalan.Dahil nangangailangan ng panulat at ugali ko na rin, ibinulsa ko iyon. May pangalan ang ballpen, kay Evangeline O. Panelo. A, sa pinakamaldita naming kaklase. Bully din.

     Kinabukasan exam namin sa majors. Magsisimula na ngunit hindi mapakali si Evangeline, hinahalughog ang bag. Siguro hinahanap ang ballpen niya.

     Napansin iyon ng teacher namin. Tinanong siya kung may problema. Sabi niya nawawala ang ballpen niya. Kita namin kung paano tila magliyap ang mukha ni teacher sa galit. Pinagalitan nito si Evangeline at pinahanap ng ballpen. Dahil may pagkamaldita at marami-rami na ring inaway, walang nagpahiram sa kanya.

   Mas nagalit ang teacher namin. Pinalabas siya nito. Hindi daw siya maaring mag-exam.

  Napatingin ako sa ballpen na hawak. Paano nga ba malalaman kung naapektuhan na ang buhay mo nang isang tao?

Mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon