electic fan

3 0 0
                                    

Alas-otso nang gabi nang dumating ako sa bahay. Pagod at disappointed sa sarili. Ginawa ko na naman kasi. Nagmano ako kay mama bago pumasok sa loob ng kwarto.

Sumalampak ako sa kama at itinutok ang electric fan sa mukha.

Parang tanga lang talaga. Hindi ko maintindihan ang sarili. Hindi ko alam kung anong gusto ko. Kinuha ko ang kursong mass com kasi yun ang panagarap ko. Akala ko lang pala. Nag-arap akong journalism pero nag quit din ako. Para nakagradute lang kinuha ako ang bussiness ad. Wala e, gusto ko nang grumaduate.

Nang magsimula naman sa trabaho, papalit-palit lang ako. Hindi ko talaga maintindihan. Sa lahat ang naging trabaho ko, laging may kulang. Hindi ako satisfied. Hindi ko feel yong fulfillment.

Kaya nga heto, jobless na naman ako. Napabuntong hininga ako at napatingin sa unahan. Para akong electric fan, ikot nang ikot. Ang pinagkaiba lang, may benepisyo ang pag ikot niya, ako wala.

Mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon