Nagsimula ang lahat sa pagpatay ng isang aso. Tapos naging pusa. At dumami nang dumami ang mga hayop na tahimik kung binabawian ng buhay.
Kuntento na ako noon sa mga hayop. Ngunit noong aksidente kong nasaksak ang isang kaklase ng ballpen, nang marinig ang palahaw nito ng sakit, tila nawalan ako ng gana sa mga hayop.
Iba ang hinahanap ng tenga ko. Gusto ko ang iyak na may pagmamakaawa. Ang singhap ng pagtutol. Ang ungol ng sakit. Ang mahihinang daing.
Nahanap ko iyon sa sariling kama. Habang may nakataling babae. Habang hinataw ko siya. Habang sinasakal. Habang pinapalasap ang isang masarap na impyerno...
Ngunit dumating ang araw na mas lumala ang aking pagnanasa. May isang babae sa aming sobrang ingay kung gabi. Sumisigaw siya na tila nababaliw at puno ng sakit ang buong katauhan. Pagsapit naman ng umaga'y nakangiti siya. Tahimik na nakangiti. Nalilito ako sa kanya.
Inakit ko siya. Ngunit namangha ako nang mas inakit niya ako.
Ngayon nga'y nasa ilalim ko siya. Humihingal at pawisan. Ang maputi niyang leeg ay kumikinang. Hinaplos niya ako... pababa...
Nakipagtitigan siya sa akin habang kinakapa ko ang aking itak. Wala iyon roon. Ngumisi siya bago ko maramdaman ang sakit sa leeg.
"Sapat na ang isang baliw sa lugar na ito."
Unti-unti akong pumikit.
