Kabanata Two

493 9 5
                                    

Kabanata Two

MARTES 

Maaga akong pumasok ngayon. Medyo madilim pa at mangilan-ngilan lang ang pumapasok na estudyante. Maaga kasi akong natulog kagabi eh. Gusto kong tapusin ang project ko. Mamaya na ang last submission. Kailangan ko ring magreview. Kung naririndi na kayo sa salitang "review" normal lang ito sa akin. Kahit na wala akong nakukuha sa mga quizes, hindi pa rin ako titigil sa pagrereview. HINDI DAPAT. Yan siguro ang sumpa sa bawat BSA student. Kailan kaya matitigil ang sumpa? Sa tingin ko ay pang habambuhay na yun.

Martes. Ito ang pinakapaborito kong araw ngayong sem. Wala akong accounting subjects. Puro minors at management lang ang subject ko ngayon. Walang masyadong pressure. Pero Iniisip ko pa lang ang quiz namin sa law bukas ay kinakabahan na ako. 50 articles lang naman tungkol sa negotiable contracts ang dapat kong basahin.Wooh! nakakawindang!

Hindi ako dumeretsong library ngayon. Sarado pa eh! 5:32 am pa lang. Mahigit na isang oras pa bago sumapit ang unang klase ko na alas siete. 

Habang paakyat ako ng hagdan papuntang third floor (kung saan ang first class ko) ay may nakita akong isang wirdong tao. Nakajacket ito at naka scarf. Sa likod niya, hindi ko matukoy kung babae sya o lalake. At nagtatakang papunta rin sya sa direksyong pupuntahan ko kaya sinundan ko sya. 

Tama nga ang hinala ko. Pumasok siya at umupo sa may sulok. kaklase ko ba sya? Bat ngayon ko lang siya nakita. Mag m-midterms na,  anlakas pa rin ng trip niyang pumasok. makakahabol pa kaya siya sa mga lessons namin? Sa bagay bakit ba ako nag-aalala? eh humanities lang naman ang subject ko dito. Baka hindi siya BSA, crossed enroll lang. And I therefore conclude, classmate ko siya.

Nilapitan ko siya at tinignan papasok sa kwarto. Lalaki pala siya. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang scarf. May sakit ba 'to? Nilapitan ko siya.

"Okay ka lang kuya?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot at tinalikuran ako. Bakit kaya siya umiiwas.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang puti at ang kinis ng balat niya. Walang kuwenta kumpara saakin. T-teka....

"Kuya ikaw ba si Jake Guzman?" Bigla ko nalang narealize. Nagtransfer pala siya dito kahapon. At akalain mo, Sobrang liit ng mundo. Kaklase ko sya. 

Nagulat siya sa reaksyon ko.

"o-oo... please wag kang maingay" Sagot niya. 

"Wag kang mag-alala, hindi ako fangirl. Mas mahalaga ang accounting kesa sayo. Hindi ako harsh. Wala ring kwenta kung mag-iingay ako o hindi dahil magiging maingay na rin mamaya." Walang prenong satsat ko.

"Good." Tipid na sagot niya.

"Alam mo ba na may project tayo dito? at ngayon ang last submission." dagdag na sabi ko.

Hindi na sya tumugon at kinuha ang headset at tinalikuran ako na para bang walang narinig. Hindi na ako nakipag argue sa magaspang niyang approach. Hindi ko naman siya masisisi kung ganun ang reaksyon niya. Sikat siyang artista at hindi rin siya sigurado kung fangirl talaga ako o hindi.

Bumalik na rin ako sa upuan ko at pinabayaan siya. Kinuha ko rin ang headset ko at nakinig ng musika sa radyo. Pareho na kami ngayong may sariling mundo.

Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako. Nagising na lang ako sa ingay at chismisan ng mga kaklase kong nagsisiratingan. Napatingin ako sa likod. Wala na si Jake. 

"Kristine, Patingin nga nung project na ginawa mo?" Tanong sakin ni Armie, isa sa mga matagal ko ng kakilala dito sa school. Siguro maituturing ko na rin siyang Close friend. Hindi Bestfriend. Mahirap mag assume. 

"wow! Effort kung effort ha! Tignan mo nga 'tong ginawa ko?" Sabi niya pagkaabot ko nung ginawa ko, ipinakita niya rin yung kanya. Simple lang. Kung alam ko lang na pwedeng simplehan, edi hindi na rin sana ako nag effort pa! haay, tanga ko talaga. Bat ba big deal saakin ang lahat ng bagay?

"nga pala Arms, Nakita mo ba si Jake?" Tanong ko sa kanya.

"Jake? as in si Jake Guzman Yung artista?" Tumango ako.

"Girl bakit mo siya hinahanap ,hindi mo ba siya nakita kahapon? Hahaha grabe, ang gwapo niya sa personal!" dagdag pa niya. Nakakaasar lang. 

"Hindi ko siya nakita kahapon. Kanina andito kasi siya. Nakaupo doon. Ngayon wala na." Paliwanag ko sabay turo sa direksyon ng inupuan niya kanina. Tinignan niya ako at natahimik na para bang inaanalyze lahat ng pinagsasabi ko.

Sa totoo lang ay hindi ako madaldal na tao. Mas maingay pa nga ang utak ko kesa sa bibig ko eh! Bihira lang akong magsalita at ang pinakaayaw ko ay ang makipagchismisan lalo na kung hindi rin naman ito mahalaga. Hindi rin ako mahilig sa artista. Bihira lang. 

"NAKITA MO SI JAKE GUZMAN?" Sigaw na tanong niya. Tumango ako. "NAKITA MO SIYA KANINA DITO SA LOOB NG CLASSROOM, IBIG SABIHIN CLASSMATE NATIN SIYA??? OH MY GOOOOODDD!" Sigaw niya na rinig sa buong classroom hanggang corridor. Grabe talaga bungaga nitong babaeng ito! 

Dahil sa ingay ng bunganga niya, napalingon tuloy sa amin ang lahat kong kaklase. sabay-sabay silang lumapit saakin at tinatanong ang isang bagay. Kung totoo ba na classmate namin si Jake Guzman. Ganito pala ang feeling pag pinagkakaguluhan ka. Nakakairita. Mabuti na lang at dumating ang prof namin. Nagsibalikan na ang lahat sa kani-kaniyang mga upuan.

Isinumite na namin ang projects namin. At nakumpirma ko rin na kaklase nga namin si Jake Guzman. aking tuwa naman ang mga kaklase ko pero nadisappoint din dahil hindi na niya nagawang magpakita pa sa klase,  pumasok lang siya para may pirmahan sa school at nagpakita na rin sa prof namin.  Iba talaga pag sikat, may VIP treatment. Magpakita lang okay na. excuse din siya sa project namin! Asan ang hustisya diba? Palibhasa minor. Sana hindi ganito sa Accounting subjects.

Hanggang sa natapos ang klase, hindi pa rin ako tinigilan ni Armie sa pagtatanong tungkol kay Jake. Ikinuwento ko na ang buong nangyari kanina pero hindi pa rin siya kontento. Hindi siya naniniwala na may pagkagaspang ang ugali ni Jake. Fangirl talaga siya.

Pagkatapos ng humanities ay sinundan ito ng dalawa pang minor subjects. Mabuti na lang at hindi ko na kaklase si Jake. Walang magulo. Sana hindi ko na siya maging kaklase sa iba pang subject. Feeling ko kasi magiging unfair ang lahat pag naging kaklase ko siya.

Dahil favorite day ko ngayon, it-treat ko ang sarili ko. Maagang natapos ang klase ko. Alas dos ay hayahay na ako. Pero hindi pala. May quiz nanaman bukas. Lumabas ako sa school at nagpunta sa convinience store. 

Bumili ako ng slurpee, umupo sa may table sa gilid, sabay saksak ng headset sa tenga at pagbasa ng libro. Para sa akin, ito ang siesta. Walang dapat masayang na oras, kailangang magbasa ng libro may quiz bukas eh.

Mga tatlumpong minuto na rin siguro ang nakalipas. Ubos ko na yung slurpee pero wala pa sa kalahati ng 50 articles ang nababasa ko. Ang hirap intindihin yung ibang articles. Yun tipong limang beses mo nang inulit na binasa, wala paring pumapasok sa utak mo. 

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko nang may nakita ako. Si Jake. Sigurado ako siya yun. Base dun sa jacket at scarf niya. Kasama niya si Sandra Disch, Yung rumored girlfriend at ka loveteam nya rin. Hindi naman sila gaano kalayo mula sa kinaroroonan ko. Kahit na nakadisguise pa sila, obvios pa rin para saakin. Sumakay sila sa kotse at umalis na. 

Hindi ako fan ni Jake pero aminado ako, fangirl ako ni Sandra. Ang ganda niya kasi. Base sa personality niya sa TV, Pati narin ng nababasa ko sa internet, napaka charming at napakahumble niya. Napakaganda niya sa lahat ng anggulo. Para sa akin, siya ang difinition ng angelic face. Haay, kung wala lang sana si Jake edi nilapitan ko siya at nakipag selfie! sayang talaga!

Don't Credit My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon