Kabanata Five (Kristine's thoughts)
Pagkatapos ng mahabang panahon, ngayon lang ulit ako hindi nakatulog sa kama ko. Hindi pa rin ako makamove-on sa mga pangyayari sa 'dinner party' kuno nung investor nila tito Chris. Nakakabadtrip lang itong si Jake. Ipinahiya ba naman ako sa harapan ng mga investors? paano pa kaya ako haharap sa kanila?
Ganito kasi yun, kanina kasi ibinida ni ninang na magkaklase daw kami ni Jake sa school. Kaya ayun, tinatanong nanaman nila ako kung ano ba ang maganda sa kurso ka at para bang andaming kabataan na nag-eenrol nito? Awkward talaga ako sa mga ganito.
Agad namang pabida itong si Jake, Naimpres sila maging ako sa sagot niya. Ibang-iba talaga pag matalino. Naging okay naman ang takbo ng kwentuhan pero nagbago ang lahat nung natabig ako ng waitress at nabuhusan ng wine. Okay lang naman yun eh. Kahit napahiya ako, keri ko pero si Jake, kunwaring nagpakagentleman, kunwari tutulungan niya ako at bibigyan ng pamunas pero hindi eh! Sinadya niyang alisin yung table napkin kung saan nakapatong doon yung napakainit na sabaw tapos ngumiti pa saakin ng nakakaloko.
At dahil sa kanya, nabuhos ang mainit at parang kumukulong sabaw, muntik ng nalapnos ang mga hita ko. Huhuhu sobrang sakit, at hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa rin. Mabuti na lang at naagapan pa ito. First degree burn lang naman pero kahit na, yung pagkapahiya ko sa mga bisita kanina ay sobrang epic! Daig pa ang third degree burn!
Sa dalawampung taon na paninirahan ko sa mundong ibabaw, ngayon lang ako nakarans ng ganitong pakapahiya. Sa mga oras na yun, feeling ko gusto ko nang sundan si mommy sa hukay!
At dahil sa pangyayari, hindi tuloy natapos ang pag-uusap nila. Paano na kung dahil lang saakin, sa kapalpakan ko ay hindi na sila mag-i-invest? hanggang ngayon nakokonsensya ako! At si Jake? Hindi man lang nagsorry. Ang sama niya talaga. Ano bang kasalanan ko sa kanya?
Nakakainis. Alas tres na nang madaling araw pero heto pa rin ako't nakahiga. Kahit ipikit ko pa mata ko, hindi ako makatulog. Kung kailan bakasyon at walang masyadong gagawin saka naman ako hindi atakihin ng antok. Nakakainis naman!
Sa mga panahong ito ako nagsesenti. Yun tipo bang sobrang dami kong iniisip? Gusto ko nang umuwi. Kanina pa barado itong ilong ko sa kaiiyak. Namimis ko na si Manang, si daddy at ang kwarto ko! Napakaganda nga dito pero iba pa rin talaga pag nasa sariling tahanan.
Ganitong ganito rin ang naranasan ko nung makitulog ako kina Abby (pinsan ko). 12 years old pa lang ako nun at first time kong magpuntang probinsya. Speaking, sinubukan ko ring kumbinsihin si daddy na makitira muna sa dorm ni Abby. Pero hindi pa rin ito pumayag. Masyado raw kasing malayo ang dorm nila sa school na pinapasukan ko. Bakit kasi nag-iba pa kami ng school? Hmp!
Haay.. Tuwing naalala ko lang ang boses ni daddy kanina sa telepono habang sinesermonan ako, hindi ako mapakali. Ano raw ba ang dahilan kung bakit ayaw ko rito? Samantalang mas komportable raw dito. at higit sa lahat, schoolmate ko pa ang apo ni ninang. Wala na akong maipalusot, ayokong sabihin yung nangyari kanina, kaya um-oo na lang ako kahit labag sa kalooban ko.
Si ninang, ay kaibigan ng lola ko (nanay ni daddy). Sa totoo lang, si daddy dapat ang inaanak niya pero nag-abroad kasi si ninang non kaya hindi natuloy ang pagnininang niya kay daddy kaya nung ipinanganak ako, nakauwi na rin si ninang at ako nalang ang naging inaanak niya. May isa pang nakakatandang kapatid si daddy. Si tita Bambi. Siya yung mommy ni Abby. Nurse siya sa ibang bansa.
Si daddy ko naman, ay isang engineer. Wala sa lahi namin ang pagiging accountant kaya ganun na lamang siguro ang pag-uusisa nila sa akin tungkol sa kurso ko.Si mommy ko, ayon kina daddy at manang, ay isang fashion designer. Hindi ko alam kung bakit hindi ko iyon namana sa kanya. Wala akong kahilig hilig sa mga damit. Para sa akin, kung ano ang meron, yun ang isusuot ko.
Siguro kay papa ako nagmana. Hindi sa pagmamayabang pero matataas ang grades ko sa math. Lalo na nung highschool, lagi akong pambato pagdating sa quiz bee.
Nung una, gusto ko ring maging engineer na katulad niya pero Nagttrabaho siya sa business world. Sa kompana na pagmamay-ari nila ninang. Since nacurious ako sa business and i love math, nag-enroll ako ng BSA. and the rest is history. History na hindi na pwedeng baguhin. Hindi lang pala puro math ang accounting. huhuhu
Lunes bukas. Umpisa na ng intramurals sa school. sa totoo lang wala akong balak pumasok pero dahil wala ako sa sariling bahay, kailangan kong libangin ang sarili ko kahit sa school man lang. Mag-aaral na lang ako sa library kahit pa gaano kaingay ang sound system. Hindi talaga ako komportable dito.
"Kristine Galvez kaya mo yan! dalawang buwan lang to yakang yaka!" Mahinang sigaw ko at muling pumikit.

BINABASA MO ANG
Don't Credit My Heart
RomansaMay kakilala ka bang BSA student?? nawe-weirdohan ka na ba sa mga ikinikilos nila?? hehe kung tama ang hinala ko, at sa tingin mo'y dapat na silang magpatingin.. OOPPSS! teka muna,, basahin mo muna to!! para kahit papaano eh,, maintindihan mo naman...