Kabanata Eight

380 5 0
                                    

Kabanata Eight



Patuloy pa rin ako sa pagkatok ng pinto hanggang sa narinig kong may pumihit nito mula sa labas.

"Okay lang po ba kayo mam?" Tanong ni ate Lisa, isa sa mga katulong nila. "Naku pasensya ka na at hindi ko agad napansin na nasira pala itong pintuan mo."

"Nasira? Hindi ah! Nakita nyo po ba si Jake?" Tanong ko agad sa kanya. Hindi ito nasira. Sinara ito. Ni Jake.

"Ay, kaaalis lang ineng, bakit mo siya hinahanap? Ok ka lang talaga?" Tanong niya ulit sa akin habang inuusisa ang door knob ko.

"Ah, wala naman po. Ok lang po ako ate, Hinahanap ko siya kasi akala ko andito sya hihingi sana ako ng tulong." Palusot ko. Tumango naman siya at tinawag na si manong na tiga-ayosng mga nasisira dito sa bahay.

Ayokong sabihin na si Jake ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kailangan makaganti muna ako sa kanya. Nakakainis naman kasi eh!

"Kumain ka na ba? Tara magmerienda muna tayo." Alok niya.

"Hindi pa nga po ate eh, ano pong merienda natin dyan?"

"Aba, nagluto ako ng pancit."

"Wow! Ang sarap naman nun! Tara na po at kumain na tayo!" Tuwang tuwa ako dahil paborito ko ang pancit! Ang swerte naman ng mga katulong dito, may kalayaan silang magluto ng kung anong gusto nila. Ambabait pa ng mga amo!

Tuwing hapon pala, ganitong oras ay nagsasama-sama ang mga naninilbihan sa kanila. Ang saya nilang kasama, palabiro pa nga yung iba eh! Kahit papaano, nalimutan ko yung sama ng loob ko kanina. Napawi ng pancit at ng kwentuhan!

Sa maikling oras ay naging close ko agad sila. Nakakatuwa silang kasama. Pagkatapos naming nagmerienda ay tinulungan ko si ate Lisa sa paghuhugas. Nag-assist din ako sa pagluluto ng hapunan. Grabe ang sarap nilang magluto. May konti din akong natutunan.

Ambilis maubos ang oras. Maya-maya ay dumating na rin si Tita Jessy at sinabayan siyang kumain.

"Kumusta naman ang day mo? Balita ko nasira ang pintuan mo kanina. Pasensya ka na ha?" Bakit ba siya ang humihingi ng pasensya? Bakit di yun gawin ng anak niya?

"Wala po yun tita, at least ok na. At nakakain ako ng mirienda! Hehe" Gustong gusto ko na sanang isumbong ang mga pinagkakagawa ni Jake kanina kaso ewan ko ba pero umatras ang dila ko.

"Mabuti na lang. Pinag-alala mo talaga ako. Akala ko kasi kung napa'no ka na. Wala kaming mukhang maihaharap sa daddy mo kung ganon."

Kitang kita sa mga mata ni tita Jessy ang pag-aalala. Kaya naisip kong i-divert ang usapan.

"Wag po kayong mag-alala! Kita niyo po tong mukhang to? Hindi basta basta patitinag!" Ngumiti naman si tita at sa tingin ko okay na siya.

"Nga po pala tita, kumusta na po si ninang? Ilang araw po sila sa China?" Pahabol na tanong ko.

"Ah, bukas babalik na rin sila. Teka switch natin itong TV." Sabi ni tita at pinidot ang remote control ng tv.

Pagkabukas nya ng tv ay nakita ko agad ang mukha ni Jake sa isang TVC. Na kung saan ay iniindurso niya ang Cheeseburger ng isang sikat na fastfood resto.

Habang tuwang-tuwa si tita, ako naman ay naiinis! Bakit kasi sa dimami-rami ng pwede kong makita sa tv ay mukha pa niya ang nakita ko?

"Ang galing-galing talaga ng Yat-yat ko! Sa susunod mag-order tayo ng cheeseburger ha?" Proud na proud na sabi ni tita.

"Ah, tita, bakit po pala nag artista si Jake samantalang ang yaman yaman niyo naman na po." Nakakapagtaka lang kasi.

"Sa totoo lang ayaw namin siya ng tito mo na pag artistahin kaya lang siya ang mapilit. Hindi naman namin nagagawa lahat ng pangangailangan niya bilang magulang kaya kahit labag sa kalooban namin ay tinanggap namin ang gusto niya. Pero di kalaunan ay natuwa na rin kami dahil kahit papaano ay may punagkakaabalahan siya. Tulad ngayon, hindi siya makaakuwi ng bahay ngayong gabi dahil ngayon daw ang last day ng shooting ng ginagawa niyang pelikula." Paliwanag ni tita.

Don't Credit My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon