A/N: Accountancy student ka ba? tiyak na nakarelate ka sa mga pinag t-type ko sa unang pahina ng istoryang ito.. Tama po ang nabasa niyo istorya ito! (Teka, gawin ko kayang love story?) hahahaha dahil nagpaka busy ako noon sa accounting, hindi ko na nagawa pang sundan ng kabanata ito, kaya heto.. ENJOY! :)
.
.
.
☺○☺○☺○☺○☺○☺○☺○☺
Don't Credit My Heart
☺○☺○☺○☺○☺○☺○☺○☺
.
.
.
.
Kabanata One
"Accounting is a service activity... A language of business!"
'Yan na lamang ang naisagot ko sa ninang ko at muling ipinagpatuloy ang pagkain nang tanungin niya ulit ako kung ano raw ang meaning ng accounting. Bakit ba laging ako na lang ang nasa hot seat sa tuwing may okasyon saamin. Big deal ba ang pagiging BSA student???
Tatlong taon na akong nag-aaral sa unibersidad bilang isang Accounting sudent... Sobrang nagpapasalamat ako at nakatatlong taon ako sa kursong ito, (feel na feel ko na ang pressure) isang taon na lang at matatapos ko na tong kursong ito!!! Sana nga...
Pagkatapos kong kumain ay umalis na agad ako sa kinauupuan ko. Ayoko nang tanungin pa ulit nila ako tungkol sa kurso ko. Sa totoo lang ay hindi naman gano'n kataasan ang mga grades na nakukuha ko sa mga accounting subjects ko. Sa mundo kasi ng accounting, hindi kailangang matalino ka lang. Kailangan mo pang dagdagan ito ng sipag at tiyaga nang upang sa ganon, makakakuha ka ng pasadong marka.
--------------------------------------------------
"Kristine, hindi ka ba napapagod sa kapipindot ng calculator diyan??? uso magpahinga." Pangangantiyaw sa'kin ng pinsan kong si Abby. Siguro naiinis na rin sya sa tunog na nagagwa ng pagpipindot ko sa calcu ko.
"Hindi... Hangga't hindi ko nababalanse 'to." Nakakainis naman kasi 'tong worksheet na 'to, tama naman tong mga adjustments ko?? Bakit laging nagkukulang ng tatlong libo??? paano ko pa magagawa ang ibang mga requirements kung sa pagbabalanse pa lang, talo na 'ko! Nakakainis talaga!!!
"Balanse??? edi dagdagan mo nalang nang magbalanse yan.. hindi naman problema yan ah!! ang laki naman ng problema mo.." Hays... Palibhasa nursing ang kinuha niya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ko.
Tumayo na lang ako bigla at nag inat ng kamay. Uulitin ko ulit baka may mali nanaman sa adjustments ko. Balik nanaman ako sa umpisa.
Patapos na ang weekend. Lunes nanaman bukas, Hell week! ayoko ng lunes, andaming assignment na ipapass, at Quiz week rin pala ngayon... Hay.. kumusta naman ako?? Haggard na ako sa buong linggo, haggard pa rin ako hanggang next week dahil Midterms na!! Goodluck talaga sakin!!! kailangan kong bumawi ngayon, medyo mababa kasi ang prelims ko. Hindi lang kasi accounting ang pinoproblema ko.. pati rin sa iba pang mga subjects. May roleplay sa literature, last submission pa ng project sa humanities! aynako! kabanas!
Naniniwala talaga ko sa phrase ng t-shirt namin na: "Accounting is worth stuDYING for."
LUNES
ASAAAARR!!! late na naman ako! Bakit ganito na lang lagi? Noong high school or even my earlier years in college, maaga naman akong pumapasok ah! Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Normal pa ba 'to?
Ayun na nga, late ako ng trenta minutos sa unang subject ko. Taxation.
"Miss Galvez, Why are you late? Please pass your assignmnet?" bungad na pambati sa kin ng instructor ko.
"Sorry po ma'am" paghingi ko ng paunmanhin sabay abot sa kanya ng assignment ko. Galit ata si ma'am. Pero sabi ng seatmate ko halos magkasunod lang kaming pumasok.
At ayun na nga, pinagawa ulit saamin yung assignment namin instead na yung assignment ang iche-check, yung pinagawa sa amin ang i-ka-count. Alam kasi ni cher na karamihan sa mga kaklase ko, kumopya lang. Galing talaga dumiskarte ni ma'am! mabuti na lang at pinaghirapan kong ginawa yung assignment ko hehehe.
At ayun nga mabuti naman at naka 12/18 ako. (Mahalaga rin na tandaadn ang lahat ng nakukuhang marka sapagkat batayan ito para macompute ang grades.) Kahit late ako, mejo mataas pa rin yan kesa sa iba kong mga kaklase na maagang pumasok para kumopya lang ng assignment.
Sumunod sa Taxation ay Advanced accounting Part 1. Salamat na lang at mejo madali ang subject na ito. Parang binabalikan ko lang ang Partnership na pinag-aralan ko nung first year. Medyo mas kumplikado nga lang. Pero okay naman. Nagdiscuss lang sila at nagpa assignment.
"Girl, wala daw si sir! Postpone ang quiz sa managerial!" sigaw nung dalawa kong kaklase na tila nagdiriwang na sa nasagap na balita. Tanghali na, dapat nasa canteen ako ngayon at kumakain na ng lunch pero may quiz nga kami sa managerial. Parang nagdiwang ang mga tenga ko sa mga narinig ko mula sa kabilang mesa. Pero may "daw" eh. ibig sabihin hindi ganun kasigurado. Kainis nawala tuloy ang konsintrasyon ko sa pag-aaral. Para bang sinisgawan ng puso ko ang utak ko na 'wag ka ng mag-aral, wala si prof!'
Dahil hindi ako nakumbinsi sa nasagap kong balita, pumunta ako sa office para ikompirma kung wala nga kaming quiz. Tama nga ang narinig ko, wala si sir! Busy daw sya. busy sila lahat, ang saya! Dahil dun, naramdaman ko na ang gutom. Ala una na. Konti na lang ang tao sa canteen, malamang nagsipasok na ang mga studyante sa kan-kanila nilang mga klase.
Pagkatapos kong kumain, magtutungo ulit ako sa library upang gawin yung project ko sa humanities. Dahil wala si sir, alas tres pa ang susunod kong klase.
Habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko ang mga ibang estudyante na sa tingin ko ay hindi sila BSA. Anong ginagawa nila dito? Ibang building ata napuntahan nila. Karamihan sa kanila ay babae, meron ding bakla. Nagtataka siguro kayo kung bakit walang BSA student dyan, malamang ay busy sila sa pag-aaral. Isa lang naman ang pwede mong paghanapan sa kanila maliban sa classroom. Ang Library.
Hindi ko alam kung bakit pero parang may magnet sa mga paa ko at kusang nagtungo ito sa kinaroroonan nila. Ambilis nilang dumami, pati ang ibang mga kaklase ko at kakilala kong mga Acountancy students, nakisawsaw na rin. Naghihiyawan na nga ang iba eh. Nacurious tuloy ako, may artista ba?
Artista nga. Si Jake Guzman. Ano kaya ginagawa niya dito? iniindorse nya kaya ang BSA sa school namin? Ay nako! Wag na lang sana niyang ituloy. Maraming mapapariwarang studyante. Tulad ko. In the way na wala ka ng time sa ibang activities. Umalis na rin ako at dumeretso sa library. Nakakarindi na kasi ang ingay ng mga studyante lalo na yung mga bakla, Jusme! Hindi ko na keri!
Ayun. Salamat kay Jake Guzman, wala kaming klase buong hapon! Busy kasi ang faculty sa pag-entertain sa kanya. Biruin mo, isang sikat na artista sa primetime serye ay BSA student din pala! ito pa ang worse, magt-transfer sya dito! Magiging normal pa ba ang building ng school na ito? hahaha natatawa ako kapag naiisip ko yun. Paano nya ka nagagawang gawing normal ang buhay niya sa pag-aartista at pag-aaral? Tiyak na nahihirapan na siya. Ang galing niyang magbalanse!
Maaga ako ngayon kesa sa tipikal na oras ng pag-uwi ko sa bahay. Pero gaya ng routine ko, diretso ulit ako sa kwarto. Kailangan kong mag advanced reading.

BINABASA MO ANG
Don't Credit My Heart
RomanceMay kakilala ka bang BSA student?? nawe-weirdohan ka na ba sa mga ikinikilos nila?? hehe kung tama ang hinala ko, at sa tingin mo'y dapat na silang magpatingin.. OOPPSS! teka muna,, basahin mo muna to!! para kahit papaano eh,, maintindihan mo naman...