Kabanata Six
"Hey! Gumising ka na nga! Hanggang anong oras mo ba balak humiga diyan? Kumain ka na daw sabi ni mommy." Parang may naririnig akong boses lalaki. Nakauwi na kaya si daddy? Teka sinong mommy? nabuhay ba siya?
Napabalikwat ako mula sa pagkakahiga nang may narinig akong boses. Sino ba ito't basta basta na lang pumapasok sa kwarto ko?
"AAAAAAAHHHHHHHH!!!! Umalis ka dito manyaaaaaak!!!!" Sigaw ko sabay padyak ng mga paa ko. Bakit may lalaki dito? Paano siya nakapasok sa kwarto ko? Tinakpan ko ang mukha ko ng unan. Gusto ko nang maiyak. Pero huli na nung marealize ko na wala pala ako sa bahay namin. At ang boses lalaking gumigising sa akin, ay si Jake.
"Anong nangyari? May problema ba?" Gulat na tanong ni ninang. Naku nakakahiya! Ilang oras pa lang akong nakaapak sa bahay na ito pero puro kahihiyan ang nagagawa ko.
"w-wala po ninang nanaginip lang po ako. Pasensya na po." Paliwanag ko. Gusto ko na talagang bumaon sa lupa. Mommy, dalhin mo na ako sa'yo please!
"Okay, akala ko kung ano na. Ang mabuti pa hija, kumain ka na. Baka gutom lang yan." Tumango ako at sinabing susunod na ako.
"Hahaha mukha kang stupid at hindi prinsesa." Nangangasar na sabi ni Jake at lumabas na rin ng kwarto.
Kung kanina, gusto kong umiyak dahil sa takot, ngayon naman ay dahil sa pagkapahiya. Naisip kong maghilamos muna. Gusto kong mahimasmasan. Pero mas nakakahiya ang itsura ko pagkaharap ko sa salamin. Para akong multo! Sobrang gulo ng buhok ko at may natuyong laway pa ako sa pisngi hanggang sa balikat pati mata ko, namamaga at anlaki pa ng eyebags. Grabeh! Para akong zombie. Lord, ano ba ang nagawa kong kasalanan? Nag-aaral naman akong mabuti. Hindi naman ako kumokopya este, paminsan-minsan lang. Pero kahit na, unfair talaga!
Imbes na maghilamos ako ay naligo na lang ako. Masakit pa rin ang paso sa mga hita ko pero titiisin ko na lang. Kakaiba itong shower room nila. May relo. At alas onse na pala! Anong oras na kaya ako nakatulog kaninang umaga? Sobrang tinanghali na ako ng gising. Ngayon lang ata ito nangyari.
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako. Nakabihis na rin para ready nang pumunta sa school. Taas noo. Parang walang nangyari. Kailangan kong kapalan ang mukha ko para atleast kahit papaano may pride pa rin ako at hindi dapat matapakan yun. Kakain lang ako at aalis na ako agad.
"Oh, Hija, nakatulog ka ba ng mahimbing? Sabi sayo kumportable dito eh!" Nakangiting bati ni ninang. Hindi ko alam kung genuine ba yun or sarcastic lang siya, feeling ko kasi umaabuso na ako dito. Kailangan na lang kapalan ang mukha.
"Pasensya na po at tinanghali na ako ng gising."
"O siya, kumain ka muna at tiyak kong gutom na gutom ka na." May nakalapag naman na na pagkain. Nagpasalamat ako at kumain.
"Nga pala hija, may gagawin ka ba ngayon?" Biglang natanong ni Tita Jessy sa akin. Naka office attire siya at siguro pupunta na sa office nila.
"Ahm, pupunta sana ako para manood ng school tita pero hindi naman po importante yun hehe." Sagot ko.
"Kung ganon, sabay na lang kayo ni Yat-yat sa school. Malaki kasi ang partisipasyon niya sa school niyo mamaya baka kasi wala kang kasama dito sa bahay may pupuntahan din ang ninang mo mamaya" Suggestion niya.
Ano daw? Ayoko nga! Gustong gusto ko sanang sabihin yun pero wala akong lakas ng loob.
"Ah, pero tita, busy po ata si Jake nakakahiya naman po kung istorbohin ko pa siya. Okay lang po ako kaya ko naman pong magpunta don mag-isa pramis!" itinaas ko pa ang kanang kamay ko.
"Hay naku, nakakatuwa ka talaga. Sabay na kayo since paalis na rin ako, isakay ko na kayo ni Jake." Napilitan na lang akong um-oo dahil wala akong choice.
Pagkalabas namin sa pintuan ay may nakaready na na isang sasakyan. Yung pang artista? Andun na rin pala sa loob si Jake at kasama niya si.. si.. SANDRA DISCH! grabe, makakasabay ko siya sa sasakyan? ang saya naman! Lord, binabawi ko na ang sinasabi ko sa'yo kanina. Salamat po sa lahat! Kasama rin nila ang manager at make-up artist nila ni Sandra.
"Hello po tita!" Nakipagbeso siya kay tita. Ang ganda niya talaga.
"Hi!" kaway niya sa akin! at nag smile. Grabe kinikilig ako, ang cute niya grabe! Mukha siyang anghel!
Sumakay na ako sa sasakyan. Pero nasira ang mood ko nang makita ko ang mukha ni Jake. Atleast hindi naman ako ganon kabadtrip dahil nakikita ko ang mukha ni Sandra. Sobrang maaliwalas ito.
Sa loob, ang awkward ng ambiance. ang sweet nila Jake at Sandra. Napakagentleman ni Jake. Alam ko peke lang yun! Nakakainis bakit ba pinarurusahan si Sandra? Ano kaya ang nagustuhan niya kay Jake? Bukod sa itsura niya ay wala ng maganda sa kanya.
"Tsss.. Plastik!" Biglang usal ng bibig ko. Hindi ko na talaga napigilan. Napalingon sila saakin. Naku nakakahiya na naman!
"Plastik. Plastik pala itong takip ng cellphone akala ko bakal. hehe" Palusot ko. Sana makalusot naman.
Ayun, nakalusot nga. Hindi na nila ako pinansin.
Biglang nag ring ang cellphone ni tita, kailangan na raw siya sa opisina kaya imbes na kami ang ihahatid niya ay naging kabaliktaran ang nangyari.
Pagkababa ni tita ay biglang nagsalita si Jake.
"Manong, ihinto niyo po sa kanto. Bababa na po si Kristine." At tiningnan niya ako ng masama.
"Ah opo manong ibaba niyo na po ako, may dadaanan pa po pala ako eh. Salamat Jake ha, pinaalala mo." ang galing kong umarte!.Hindi ko na sya pinatulan pa. Nakakapambaba lang ng pride. Tinignan ko rin siya ng masama at bumaba na rin. Mabuti pa nga siguro yun kesa naman kasabay ko syang pumasok sa school. Awkward masyado. Hindi na rin ako nakapagpaalam kay Sandra. Sayang.
Pumara na lang ako ng taxi at dumeretso sa school. Halos hindi ako makapasok dahil sa dami ng tao. Paano ba naman kasi, andito ang pinakasikat na loveteam ng bayan. Sila ang pinakaabangang bisita sa opening kaya naman andaming tao sa school.
Ganito pala karami pag wala sa classroom ang mga estudyante. Ang ingay. Hindi ako sanay sa ganito. Diretso nalang ako sa library, Mabuti nalang at dala ko ang mga libro ko. Doon na lang ako magbabasa.
Pero bago pa man ako makapasok sa library ay hinarang ako ni Armie.
"Girl, bat ganyan ang itsura mo? Wag kang magpakahagard sa accounting, nakakasama sa katawan yan!" Nag-aalala ba ito o ano?
"Hindi naman dahil sa accounting. ah.. basta!" Ayokong magsalita kay Armie.
"Anong basta? Saan ka ba natulog? Pinuntahan kita sa bahay niyo kanina para sunduin ka pero wala namang tao sa inyo? Saan ka ba nagsusuot ha? Hindi mo rin sinasagot ang texts at tawag ko sa'yo. " Dire-diretsong sermon niya sa akin.
"k-kasi.. Hindi pwedeng sabihin sa'yo. Basta okay lang ako."
"Ano ka ba? Para saan pa't naging bestfriend tayo?" Tinawag niya akong bestfriend. Kung ganon may bestfriend ako? Nakakatuwa naman.
"Ahm, kumain ka na ba? Lunch na oh! Tara kain tayo treat ko." Inaya ko siyang kumain sa labas siguro, since bestfriend naman kami, pwede kong sabihin sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko.
"At Ganon nga ang nangyari. Kabadtrip diba? Sa TV lang siya magaling." Halos isang oras na kaming nag-uusap sa KFC pero hindi pa rin namin nauubos yung inorder namin. Paano kasi ang hirap pakalmahin ang reaksion ni Armie.
"Alam mo Kristine, hindi talaga ako makamove on. Information overload. Teka ang hirap mag iprocess sa utak." Sabi niya habang hinihimas ang sentido niya. Pinipilit niyang kumalma.
"Armie, 'wag mo san--" Hindi na niya ko pinatapos sa sasabihin ko
"Ok. Hindi ko ipagkakalat yuncalang-alang sa'yo girl. Nakakadisappoint talaga 'yang Jake Guzman na 'yan. Hindi ko na siya crush! Pero tandaan mo, may araw din yan sa atin, may evil plan ako. hahahaha."
Masama pero tunog masaya sa pandinig ko ang mga sinabi niya. Mukhang sinasang-ayunan na ako ng kapalaran.
BINABASA MO ANG
Don't Credit My Heart
RomanceMay kakilala ka bang BSA student?? nawe-weirdohan ka na ba sa mga ikinikilos nila?? hehe kung tama ang hinala ko, at sa tingin mo'y dapat na silang magpatingin.. OOPPSS! teka muna,, basahin mo muna to!! para kahit papaano eh,, maintindihan mo naman...