Kabanata Seventeen
"Kristine? Ito pala pinapabigay ni Jake." Hindi ako makapaniwala sa babaeng nag-abot sa akin ng paper bag. Si Sandra Disch. Nakadisguise siya suot yung scarf ni Jake.
Naka jeje hat siya, nerd glasses, long sleeves at scarf. Kung sa iba ang nagsuot nito, for sure matatawa ako sa kanila pero hindi si Sandra. Kahit na gaano kabaduy ang suot niya ay ang ganda pa rin niya.
Totoo ba ang nakikita ko? Bakit siya andito? Bakit siya ang nag-aabot sa akin nito instead of Jake?
"Ahmmmm....." Tinignan ko siya ng may pagtataka. "Salamat ha?" Kinuha ko sa kanya yung paperbag ag pumasok na ako sa loob ng cubicle.
"Teka hindi akin to ah?" Reklamo ko pagkatingin ko dun sa pants. Yung underwear naman hindi rin akin. Pero bago ito. Pagkatapos kong nagbihis ay lumabas agad ako. Nakakahiya man pero gusto kong mag thank you kay Sandra.
"Wow. Mabuti naman at nagkasya sayo yung pants ko. Pero don't worry dahil never ko pang ginamit yung undies. Hehe" Nakangiting tugon ni Sandra. Nasa loob pa rin kami ng cr.
"Sayo lahat to pati yung undies na suot ko?" Naku nakakahiya talaga. Feeling ko umaakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko at hindi sa napkin.
"Haha awkward but yeah."
"Nakakahiya pero super thank you. Feeling ko tuloy ikaw ang super hero ko! Ang ganda ganda mo na nga, ang bait mo pa! Pero... Nakakahiya, hindi ko inaasahang sa ganitong sitwasyon pa--"
"Ano ka ba you don't have to feel embarassed. Pareho lang tayong babae eh. Then don't say thank you to me. Si Jake naman ang tumawag sa akin para dalhin sa'yo yan eh. Sa kanya ka dapat mag thank you. ^_^"
"What? Tinawagan ka pa niya talaga? Inistorbo ka pa niya dahil sa akin? Grabe ako na ang humuhingi sa'yo ng sorry para sa kanya!" At saka bakit ako mag t-thank you sa lalaking yun? Ang hirap niyang pakiusapan at hindi siya marunong mag sorry.
Nagulat ata siya sa sinabi ko. "No, its okay. Actually, bilib nga ako sa'yo eh, nauutusan mo ang isang Jake Guzman sa ganitong sitwasyon. I mean about our monthly problem."
Magsasalita pa sana ako sa kanya nang may pumasok na babae sa CR. Kaya kinailangan naming umalis baka kasi may makakilala pa kay Sandra. Mahirap na.
Paglabas namin ay madilim na ang paligid.
"Maglakad na tayo papuntang bahay niyo, andun yung car ko eh.. hihi" Ano? "Oops, you can't say no! You like it or not maglalakad tayo!" Protesta nito.
"Don't tell me. Naglakad ka papunta dito?" Pagtataka ko. Tumango naman ito. "Ibig sabihin hindi ka man lang sinamahan ni Jake? Napaka antipatiko talaga nun! Hindi ko na talaga matantsa ugali nun! Humingi na nga ng tulong sayo, hindi ka man lang sinamahan dito? Paano kung may masamang nangyari sayo dito? Sinong liable? Hala hindi talaga matake ng konsensya ko!" I blurted out. Habang sinimulan na naming maglakad pauwi.
"Pfft... awwww" Pinipigilan ba niya tawa niya? "you know, you're so cute! You're really funny. Actually gusto ni Jake na siya ang maghatid nung paperbag sayo but I insisted na ako na lang since andito naman na ako eh. And walking distance lang naman ang subdivision niyo hanggang dito diba? Gusto rin niyang samahan ako dito but I refused."
"Kahit na. Dapat sinamahan ka pa rin niya."
"Pag sinabi kong no, wala na siyang magagawa dun." Wow, kontrolado niya si Jake?
"Okay lang sayo na maglakad ng ganitong oras? Kahit naka disguise ka pa, hindi ka ba natatakot sa risk na may makakilala sayo dito at pagkaguluhan ka?"
BINABASA MO ANG
Don't Credit My Heart
RomanceMay kakilala ka bang BSA student?? nawe-weirdohan ka na ba sa mga ikinikilos nila?? hehe kung tama ang hinala ko, at sa tingin mo'y dapat na silang magpatingin.. OOPPSS! teka muna,, basahin mo muna to!! para kahit papaano eh,, maintindihan mo naman...