Kabanata Nineteen
"You have to eat this with me." Dahil sa sinabi niya ay lalo akong nakaramdam ng kaba. Nakakatakot kasi ang binibigay na titig sa akin nung mga babae. Feeling ko anumang oras ay mangyayari ulit ang mga pambubully na pinaggagagawa nung ibang mga estudyante sa akin. Kung sa tingin ng iba ay swerte iyon na gusto niya akong makasabay, pwes isa itong maling pagkakamali! gusto kong ipagsigawan yon pero hindi ko magawa.
"Ahh.. Hindi pwe--- Oo na! Oo na!" Tatanggi pa sana ako kaso bigla ko itong binawi dahil pinagtitinginan na kami ng iba pang mga tao. Ayokong gumawa ng eksena kahit na sa totoo lang ay kami na ang pinagtitinginan ng mga tao sa loob. Baka kasi pag tinanggihan ko ang offer ng isang Jake Guzman ay baka tumrending ang pagiging hater ko. At baka dahil doon ay hindi na ako abutan ng liwanag!
"Jake, pwede ka rin ba naming sabayan dito sa table?" Sabi pa nung isang babae.
"Ah su---" Naputol ang pagsasalita ni Jake dahil biglang may umagaw ng eksena.
"Ano ba kayo, pati ba naman private life niya pinapakialaman niyo? Hayaan niyo na lang siyang kumain! Hindi ba kayo nahihiya? Wala ba kayong mga klase? Alis! Mag-aral kayo at wag makipaglandian!" Sabi nung isang matandang sa tingin ko ay isang professor din.
"Psh.. KJ! palibhasa matandang dalaga!" Bulong nung isang babae.
"May sinasabi ka ba miss?" Kung makapagbulong kasi, maingay. Ayan tuloy narinig ni ma'am.
"W-wala po ma'am."
"Wala pala eh, bat di pa kayo umalis diyan? Hayaan niyo siyang kumain! This university wants its students to feel their freedom! Pero ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo sa kanya?" Wow.. Kayo na ma'am! Clap clap!
"Sorry po ma'am..."
"Sige, magsipag-aral na kayo! back to your own classes! back to your own life! Wag pakialaman ang buhay ng iba!" Sa mga mata pa lang ng proffesor na ito ay nakakasindak na talaga! Sinong hindi matatakot sa kanya? Mabuti na lang at hindi siya prof sa College of Accountancy! Kundi, mas doble pa ang mararamdaman naming ugh! pagdurusa.
" Si-sige po ma'am. Sorry po. Sorry Jake ah, kumain ka lang diyan!" Sabi nila bago umalis. Nginitian naman sila ni Jake. Pero si mam, hindi pa rin umalis. Talagang siniguro na makaalis yung mga babaeng yun.
"Ikaw babae? Ano pang ginagawa mo diyan? Nakadikit na ba ang pwet mo? Wala ka bang balak umalis?" Teka, ako ba ang tinutukoy nila?
"A-ako po ma'am?" Pinangdilatan niya ako ng mata. Nakakatakot. Pinagtatawanan na rin ako nung ibang mga estudyante doon. "O-opo, sabi ko nga po aalis na po hehe." Kaya kinuha ko na yung bag ko at nagtangka na ring umalis. Sa tingin ko ay blessing in disguise na rin itong si mam para makalayo na ako rito kay Jake.
"Excuse me ma'am, but this girl is with me." Simpleng paliwanag ni Jake.
"Ganun ba?" Ano? Kaya hinila ako pabalik nung matandang prof na to. "Sorry miss. Please enjoy your food. Feel free." Sabi nito. Kainis, pagkakataon ko na samag tumakas eh!
"Ah, wala po yun ma'am! Hehe."
Ngumiti na lamang ito at umalis na sa amin. Pinagsabihan pa niya ang ibang mga tao doon na wag kaming pakialaman o istorbohin.
At naging awkward ang katahimikan namin habang kumakain. Kahit medyo tahimik na ay alam ko na nasa amin pa rin ang atensyon ng lahat. Feel ko yun. Kaya binilisan ko na ang pagkain at may susunod na klase pa ako.
"Sige, may next class pa ako eh. Aalis na ako. Bye!" Inaayos ko na ang mga gamit ko at magpapaalam ko. Ayoko na talaga ang presence niya! Feeling ko, anytime masa-salvage ako.
BINABASA MO ANG
Don't Credit My Heart
RomanceMay kakilala ka bang BSA student?? nawe-weirdohan ka na ba sa mga ikinikilos nila?? hehe kung tama ang hinala ko, at sa tingin mo'y dapat na silang magpatingin.. OOPPSS! teka muna,, basahin mo muna to!! para kahit papaano eh,, maintindihan mo naman...