☺○☺○☺○☺○☺○☺○☺○☺
-Buhay ACCOUNTANCY-
☺○☺○☺○☺○☺○☺○☺○☺
•Isang napakaordinaryong araw lang naman para sa mga BSA students ang mag review o magbasa sa libro dahil para sa kanila, ordinaryo na rin yong may quiz/recitation/activity/seatwork sa majors araw-araw.
nakakarindi na ring pakinggan ang mga pang araw-araw na yatang bukambibig nila gaya ng:
--"NgaNga!" ito ang pinakamadalas lalo na kung tatanungin mo sila pagkatapos ng kanilang exam/quiz
--"sh*t pare, bat gano'n si cher, andalidali ng mga examples niya.. pagdating sa exam/quizes/seatworks natin.... asdfghjkl!!" (smash sa keyboard)
--"badtrip!! mali yung entry ko!"
--"shemay siomay! kelan ba tayo mag-eexam ng essay sa acctg?? lagi nalang kasing problem solving,, nakakasawa lang"
--"HUHUHU sayang hindi ko nabalance!"
at marami pang iba.. kung iisaisahin ko pa kasi, baka magsawa ka lang na magbasa nito sa sobrang dami..
ACCOUNTANCY STUDENT KA BA??
kung BSA student ka:
•palagi kang may dalang calculator.. Nemen!! iwan mo na ang baon mo, kikay kit mo, cellphone mo, bf/gf mo, o kahit na anumang kaechosan na dinadala mo everyday,, wag lang ang calculator mo!! Tandaan mo, si Calculator lang ang bestfriend mo, siya lang ang karamay mo tuwing exam.. andyan lang sya parati sa tabi mo kahit kawawa na siya at halos mapudpod ang keypad niya sa kapipindot mo ng "AC" tuwing may exam or quizes na nakakapressure kayo, at NR lang sya...kaya hindi mo dapat siya iwan o kalimutan. sankapa??!
•malamang mas kilala mo pa sina Ballada, Guerrero, Valix, Empleo, Peralta, Hector De Leon, etc.. kesa kina Justin Bieber, Katy Perry, Lady Gaga... at Psy! hehe
•alam mo ang meaning ng mga abrevations na: a/r, a/p, COGS, GAS, BV, PV of OA of 1, PV of 1, blah blah blah, etc.
•alam mong i-entry ang mga trials mo sa buhay... kaya mong alamin kung ano ang i-dedebit at i-crecredit mo.. ang love ba o ang studies?? i-a-add ba ang review at i-le-less ang lakwatsa?? i-mu-multiply ang barkada at i-di-divide ang problema?? at alam mong kailangan itong gawan ng T-account, at gawan ng trial balance. kung may napansin kang mali, mag workback ka,, kung tapos na at naiayos na ang lahat,, promise,, magbabalance yan!! *cross fingers*
•kapag nababanggit ang ACCOUNTING subject bilang topic ng mga magulang mo,, hehe.. magsisimula ka ng mag panic at gagawa ka ng paraan para maiba ang topic.. hehe (toomoo!!)
•napapakanta ka ng mga famous lines gaya ng: "i did my best, but i guess my best wasn't good enough.." at "i will survive!" ng hindi mo namamalayan
•kahit na anong sabihin nila sa pagkatao o sa mukha mo(yung tipong paninirang puri ba??).. ang masasabi mo na lang ay.. "KAYO NA!! KAYO NA ANG MAY FACE VALUE!! pero so what?? DI HAMAK NAMAN NA MAS MATAAS ANG BOOK VALUE KO!!" at "ang kagandahan ng mukha nagdedepriciate, eh ang pera??.. nag aapreciate!! dyan kana sa mukha mong maganda!!"odiba? galing ng banat!! di nila gets?? hehe
•pagdating sa mga quizes, hindi na bago sayo ang maka score ng below the passing grade.. basta may makuha kang tama sa mga pinagsasagot mo.. naks! achievement na yun!! hehe pagdating naman sa exam,, hindi mo na hahangarin pa na makakuha ng may mataas at outstanding na score, maipasa mo lang.. yes! success!! shot na tayo!! (jokes)
•madalas mong gamitin ang perepherals mo.. hehe Tsarot lang!! hihi
•mas mataas ang mga grades mo sa minor subjects , kesa sa majors(accounting) mo kahit sa totoo eh, mas pinagtutuunan mo pa ang majors mo ng pansin sa pag-aaral kesa sa mga minors.
•dapat alam mo sa sarili mo na hindi lahat accountancy student ay math wizzard.. kung sa tingin ng iba na ang kursong BSA ay para lamang sa magagaling sa math.. pwes,, patay tayo diyan!! hehe... kaya nga may calculator diba!!??
•kahit gaano kahirap ang kursong ito, stick ka pa rin! masaya ka kahit na gaano pa man ito kahirap o sabihin na nating isa itong parusa.. (pwes hindi ito parusa! choice mo to!! kung ayaw mo ng parusa, mag shift ka na..) hehe.. tandaan mo! maswerte ka at hindi lahat ng tao nakakaranas nito! you must love accounting.. hehe kahit hindi ka nyan love.. tsarot!!
tama na nga! masyado ng mahaba! hihihi
kung sa tingin ng iba eh,, baliw ang mga BSA.. hehehe!! mag-enroll kaya sila?? para makiisa...
~Ilan lamang yan sa mga madalas na mangyari sa buhay ng isang accountancy student.. hehe,, sana eh, makarelate ka.. kahit sa totoo lang eh, wala naman talagang moral lesson sa mga pinagt-type kong ito at hindi naman talaga masyadong convincing eh.. good luck nalang senyo!!
tandaan: wag mawalan ng pag-asa.. alam ko na iisa lang ang goal ng mga BSA students.. ang maging isang CPA. Sana eh, kung palarin mang makapasa , wag naman sanang kalimutan ang mga hirap at salripisyo na pinagdaanan.. at yung prinsipyo sana'y hindi mawala..
goodluck!
BINABASA MO ANG
Don't Credit My Heart
RomantikMay kakilala ka bang BSA student?? nawe-weirdohan ka na ba sa mga ikinikilos nila?? hehe kung tama ang hinala ko, at sa tingin mo'y dapat na silang magpatingin.. OOPPSS! teka muna,, basahin mo muna to!! para kahit papaano eh,, maintindihan mo naman...