Kabanata Sixteen
Dahil ginagamit ang library (may ginaganap kasing seminar ngayon) ay andito ako sa park ng school. Vacant ko. As usual, nagbabasa. Pero lutang ang isip ko. Kanina pa ako nakatingin sa pahina ng libro ko pero hindi pa rin ako makamove on sa isang paragraph. "Ano ba to! Walang pumapasok sa binabasa ko."
Halo-halo ang iniisip ko. Ang weird kasi, mula ng pumasok ako kaninang umaga, ang daming nakatingin sa akin. Pakana na naman ba ito nung mga bakla? May ikinalat ba silang hindi magandang balita tungkol sa akin? Nakooo!
"Kristine! Andiyan ka pala! Kanina pa kita tinitext ah!" Si Armie pala.
"Thank God at napadpad ka dito! naubusan kasi ako ng load eh. Sorry!"
"Okay lang yun, occupied kasi ang library eh kaya naisip ko na baka andito ka hehe. Ano kumusta ka diyan? Kailangan mong ikwento sa akin yung nangyari nung sabado ha. hahaha"
"Haa.. Sabado?" Nauutal ako. Ayaw ko na kasing maalala yung araw na yun eh, </3
"Oo, ano naka first base kana ba?" Excited na tanong niya.
"First base ka diyan? Hindi no! May girlfriend pala si Brent asa lang pala ako"
"Ano? Imposible!" Protesta nito. "Hindi mo ba nabasa yung mga articles niya? Single siya pre, SINGLE! Magsisinungaling ba yun sa madlang people?" Sabagay may point siya.
"Pero, iba yung kwento niya sa akin eh." Huminga ako ng malalim. "May filipina girlfriend si Brent na nasa Italy. Three years na daw silang walang communication pero walang formal break up. Kaya GF pa rin niya yun diba?" Malungkot na paliwanag ko.
"Eh? Ano bang pinag-aalala mo? Three years na silang walang contact sa isa't-isa kaya ang automatic assunption nun ay break na sila! Single na siya!" Hinampas niya ako sa balikat. "Naku, inlababo na ata itong friend ko!"
"Aray ano ka ba? Hindi kaya" Depensa ko. "Crush ko lang siya." Ayan, napaamin tuloy ako.
"Crush lang daw pero affected ka naman." Binuksan niya yung bag niya at inilabas ang tablet niya. "Ano ba talaga ang nangyari nong sabado? Doon sa event?" Tanong niya habang sini-switch yung tab niya. "Yes, may wifi!"
"Sa event?" Nag-isip muna ako. Ano na nga bang nangyari don? "AHH! oo sa event, grabe ang gaganda ng mga pictures dun sa exhibit na na kuha niya Talagang award winning. Ang dami ring tao, ang so-sossy pa nila kahit na pili lang sila. May ilang matatandang artista din tapos media, pukitiko, atbp."
"Ang tanong ko, anong nangyari nong sabado? Hindi idescribe yung pinuntahan mo."
"Wala naman akong maku-kwento sa'yo eh Yun lang yung nangyari!"
"Anong wala, eh ano ito?" Ihinarap niya sa akin yung tab niya. Picture namin ni Brent dun sa may event. Ito yung moment na kinorner kami ng mga media.
"Waaaah, ano yan??? Patingin!" Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. *gulp* Oo kinuyog kami ng media non pero hindi ko inaasahang ganito ang kalalabasan ng balita at kakalat ito ng mabilis.
"Ikaw lang naman ang rumored girlfriend ni Mr. Brent Cliff. Ano. Explain it to meh!"
"Teka, hindi naman totoo yan eh! Yung mga taga media talaga may makita lang na magkasama magjowa na agad? Diba pwedeng friends lang? Alam mo naman yun diba? Wag kang maniwala doon." Saan naman kaya nanggaling yang balitang yan? Teka nalaman na kaya ni daddy ang tungkol dito? Nakuuu, baka tawagan ako non. kailangan kong magpraktis ng dahilan mamaya.
BINABASA MO ANG
Don't Credit My Heart
RomansaMay kakilala ka bang BSA student?? nawe-weirdohan ka na ba sa mga ikinikilos nila?? hehe kung tama ang hinala ko, at sa tingin mo'y dapat na silang magpatingin.. OOPPSS! teka muna,, basahin mo muna to!! para kahit papaano eh,, maintindihan mo naman...