Kabanata Thirteen
“Okay ka lang?” Si Jake pala.
"Hindi siya ok, nakikita mo ba?" Hinila ako ni Armie kay Jake. "Tara na. Hayaan mo na sila wala lang silang magawa sa buhay." Inakbayan niya ako at lumayo kami mula sa kanila.
"Bakit ba kasi sumiksik ka pa sa mga avid fan ni Jake? Alam mo namang napaka aggresive nila!" Pagkatapos akong ipagtanggol ay pinapagalitan naman ako ni Armie.
"Kasi naman! Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, Bakit kasi ang liit ng mundo namin? Akala ko hindi ko na siya makikita dito. Pero bakit sulpot na siya ng sulpot sa harapan ko?"
"Correction. Hindi siya sumusulpot girl. Talagang nagkataon lang na palagi kayong nagkikita dahil housemates kayo, classmates pa kayo!" Paliwanag ni Armie
"Eh anong gagawin ko para makaiwas ako sa kanya?"
"Wala kang gagawin. Alisin mo na lang siya sa paningin mo." Alisin? Paano ko yun gagawin? "Ahhmm, Wag mo na lang siyang pansinin! Ituon mo na lang ang oras mo sa iba. Wag mo na lang siyang pansinin at magpaka busy ka."
"Alam mo tama ka. Dahil siguro sa walang pasok at lagi ko nalang siyang nakikita sa bahay. Tama ka nga Arms, masyado lang siguro akong na i-stress at naituon ko lahat sa kanya ang stress na dinadala ko."
"Tama yan girl! Wag mo na lang siyang pansinin! Hahaha.."
"Salamat ah." Salamat at may bestfriend akong kagaya ni Armie. Hindi lang sa iisang side siya nakatingin kundi pati magkabilang parte binabalanse niya.
"ano ka ba Kristine Ang drama mo!" Narinig na namin ang opening ceremony ng program. "Tara na! mag-uumpisa na ang program, may attendance dun dapat andun tayo!" aya niya.
"Sige tara na."
"Basta, wag kang magpapaapekto sa mga sinasabi nila ha? Kunwari hindi mo na lang sila naririnig. Wag mong patulan yang mga low level na fans ni Jake. Hayaan na lang natin sila." Tumango ako at nagpunta na kami dun saa may stage. Ang dami ng dramang dumaan sa buhay ko, sana last na ito.
Nung nagsimula na ang event ay naging masaya na ang lahat. Masaya na rin ako. Nakakatuwang pagmasdan ang mga bata na naglalaro at nagtatawanan. Dahil doon ay parang gusto kong bumalik ulit sa pagkabata. Sinunod ko lang ang payo ni Armie na hindi pansinin si Jake. Mukhang effective naman ito dahil hindi na ako masyadong naiirita.
Hindi na rin nagtagal si Armie dahil tumawag ang mama niya. Naglayas nanaman daw kasi ang Ate niya. Ewan ko ba sa ate niya lagi na lang naglalayas. Wala naman silang maasahan sa paghahanap ng ate niya kundi si Armie lang kaya nagpaalam na ito sa amin.
"Huli ka! Taya ka na ate, huliin mo kami!" nagulat na lang ako sa bigang pagtapik ng isang bata sa likod ko. Nakikipaglaro ito ng habulan.
"Aba, akala niyo hindi ko kayo mahuhuli ha?? Lagot kayoooooooooo!!"
Hahahaha! Ang sayang makipaghabulan. Ang sarap maging feeling bata. Yung tipong wala kang inaalalang problema. Yung laro lang ang nakakapagsatisfy sayo.
"Hahahah! Huli!" Hanggang sa marami ng mga bata ang naki join sa laro namin. Kahit marami pa sila, kayang kaya ko silang huliin.
"RRRRIIIIIIIINNNNNGGGGGGGGGGG!!" nag ring na yung bell. Sign na yun ng lunch break. Papakainin na namin yong mga bata.
BINABASA MO ANG
Don't Credit My Heart
RomanceMay kakilala ka bang BSA student?? nawe-weirdohan ka na ba sa mga ikinikilos nila?? hehe kung tama ang hinala ko, at sa tingin mo'y dapat na silang magpatingin.. OOPPSS! teka muna,, basahin mo muna to!! para kahit papaano eh,, maintindihan mo naman...