Kabanata Fifteen

349 6 2
                                    

Kabanata Fifteen

Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong hinanap si tita, tinanong ko kung may book ba sila sa law on negotiable instruments. Sinabi niya sa akin na andon daw lahat ng books nila sa study room. Sa tabi ng kwarto ni Jake. Magpapaturo pa sana ako kay tita kaso sobrang busy niya. Siya kasi ang umaasikaso ng business nila dito sa pinas dahil nasa ibang bansa si tito Chris, kasama ni daddy. 

"Wow, andami namang libro!" Pagpasok ko sa study room nila ay bumungad sa aking ang napakaraming libro. Meron ding tatlong malalaking group tables na parang sa library. "Ang sarap sigurong mag group study dito!" Ang lawak-lawak tapos lahat ng libro nakaayos. May pang-accounting, law, architecture. drafting, meron ding encyclopedias, magazines, pati collection ng reader's digest meron din! At iba't-iba pang mga uri ng libro. Sa gilid ay may mga nakaframe na article ng diyaryo, Top 5 pala si tito? Ang galing! "Kaya pala ang talino ni Jake..."

At meron din silang classic trumpet horn turntable. Sa tabi nito ay may isang maliit na cabinet kung saan nakalagay lahat ng mga malalaking plaka. "Paano kaya i-play ito?" Meron din silang dalawang desktop computers na nakalagay sa kabilang parte ng study room. Siguro kung bahay ko to, ay maghapon na ako dito!

Kung sa sala, or sa ibang lugar ng bahay ay walang kang makikitang mga pictures, dito marami! Pati mga trophies and awards na nakuha ni Jake ay nakadisplay dito. 

"Bakit hindi ko naisipang magtanong kay tita noon, andaming books dito na pwedeng pangrefer." Nagpunta ako sa may hilera ng books sa law at nahanap naman doon yung book na gusto kong makita. 

"Ang hirap namang intindihin nito! Mas madali yung book ni de leon." Yung book kasi na andito, yun yung para sa mga kumukuha ng LLB. 

Mahigit isang oras na siguro akong nakatitig sa mga articles/sections sa libro pero wala talagang pumapasok sa utak ko. "Sino kaya yung guy na tumulong sa akin kanina?"

Nabigla na lang ako nung may narinig akong tunog ng classical music. Paglingon ko si Jake pala. Nagulat siya nung makita niya akong nag-aaral sa loob ng study room. Akala ko ba late siyang uuwi?

"Anong tini-tingin tingin mo?" Tinitignan na naman niya kasi ako ng masama. Ibinalik ko rin sa kanya yung ganong tingin niya tapos inirapan ko siya.

"Bakit ka andito?"

"Para mag-aral." Sagot ko tapos tumingin na ako sa binabasa ko.

"Sinong nagpapunta sa'yo dito?"

"Si tita. Bakit may reklamo ka?"

Pagkatapos niya akong tanungin ay dumeretso na siya doon sa may isang bookshelf.

Kumuha siya siguro ng lima o anim na accounting books at *BLAG* binalabag niya yung mga libro sa may harapan ko. At umupo doon.

Tinignan ko siya ng masama. "Ano ba! May ibang lamesa doon oh! Bakit dito ka pa umupo! Istorbo ka!"

"Ako pa ang istorbo? Sino bang may ari ng bahay na to? Psh. Kung ayaw mo edi ikaw ang umalis. Dito naman talaga ang pwesto ko. Ininvade mo lang." Paliwanag niya tapos nagpatuloy na siya sa pagbabasa.

Dahil sa inis ko ay padabog akong tumayo at lumipat sa kabilang lamesa. Kung saan ay nakatalikod ako sa kanya.

Pero lumipat siya ulit ng pwesto at ngayon ay magkaharap nanaman kami sa magkatapat na lamesa.

Hindi ko na lang siya pinatulan. Hindi ko alam kung ano ang trip niya. Inenjoy ko nalang ang pakikinig ng classical music na tumutugtog.

Hindi ko namamalayan na nakatingin na pala ako sa katapat kong si Jake.

Don't Credit My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon