Kabanata Seven

412 5 1
                                    

Kabanata Seven

Matapos naming kumain ni Armie ay dumeretso na kami sa school. Hindi na ganon karami ang tao sa school gaya ng kanina. Naglibot-libot kami at nanood ng mga laro gaya na lang ng women's basketball. Sobrang tense ng laro! Accountancy vs. Criminology. Alam naman natin na maton ang mga kababaihan doon. Sobrang higpit ng laban! Masaya pala pag ganito. 

"GO ACCOUNTANCYYYYYY!!!!!!!!!" WOOOH!!! Tatlong taon na ako sa koleheyo pero ngayon lang ako nakaexperience nang ganito. Ang sarap sa feeling kapag sumisigaw. Lahat ng sama ng loob ko, naibubuhos ko dito. Nanghinayang tuloy ako sa mga nakaraang taon na hindi ako nakipagparticipate dito.

Paggdating sa pagcheer, hindi nagpapatalo ang BSA, lahat sila nagkakaisa. kahit na malapit na kaming matalo, todo suporta pa rin. Lalo na pag may kakilala ka na maglalaro, ang sarap i-cheer at proud na proud kang isisigaw sa buong school ang apilyedo niya.

"Sayang 5 points lang ang lamang nila." Nanghihinayang na sinabi ni Armie dahil sa pagkatalo ng Accountancy. Sayang naman talaga. Ba't kasi Anlalakas ng mga tomboy sa criminology? 

Dahil napagod kami sa kahihiyaw kanina, napagpasyahan namin na magpahinga muna. Lumabas kami saglit upang mag slurpee. Nakakauhaw kasi sumigaw. 

Pagkaupo ko sa may gilid, napansin kong panay ang pagngiti ni Armie.

"Anong ngini-ngiti-ngiti mo diyan?" Tanong ko.

"Ah, wala, may naalala kasi akong manga na nabasa ko na. Kinikilig tuloy ako hahaha." Nagbasa ng mangga? o Nagdilig ng mangga? gusto ko sanang icorrect kaya lang baka maoffend. 

"May nakakakilig ba pag nagdilig ka ng mangga?" Tanong ko ulit.

"Ano kaba? Manga! Binabasa yun at hindi dinidiligan!" Paliwanag niya. 

"Binabasa at dinidiligan, parehas din naman yun ah!" depensa ko rin.

"Wait, alam mo ba yung Manga?" tanong niya. ang alam ko yun yung prutas pero parang iba ang ibig niyang sabihin.

"Hindi."

"Hay naku, Manga, in layman's term, comics yun sa Japan! Palibhasa puro accounting lang ang binabasa mong libro kaya hindi mo nababalanse ang buhay kabataan mo." sermon niya

"Hay naku! hindi naman ako mahilig sa comics o sa kahit ano pa man. Ano ba yung meron sa manga? bat kilig na kilig ka?" tanong ko.

"Ah, ganito kasi yun, yung binasa kong love story sa Manga, may pagkahawig sa buhay mo ngayon. Kinikilig tuloy ako."

"Ha? Love story? paano naging love story ang buhay ko? Alam mo, ubusin na lang natin itong slurpee at umuwi na tayo." Nahihibang na siguro siya.

"Tsk, patapusin mo muna kasi ako, alam mo yung story ng Itazura na Kiss? Halos parehas lang kayo ng sinapit nung bidang babae dun. pero may konting pagkakaiba yun sa'yo." Paliwanag niya

"Hindi ko alam kung ano yon pero siguro ang pinagkaiba namin, Love story siya, tragedy naman ang genre ng story ko."

"Sa bagay may point ka. Pero hindi yun ang pagkakaibang tinutukoy ko eh." May kung anong gustong sabihin itong si Armie

"Eh ano naman?" curious na tanong ko.

Ngumiti siya. "Yong babae kasi don, Bobo. Ikaw, medyo bobo lang. just saying." Aba buset to ah. nang-aaasar ba siya?

 "Psh... Hay naku. Ang bait mo namang kaibigan! Clap clap clap! Medyo bobo pala ha???" Sarkastiko ko siyang pinalakpakan at inirapan.

"Girl, wag ka namang ganyan.. Inaangat na nga kita oh.. Sorry naman! Hahahaha". Tawa pa siya?

Don't Credit My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon