Kabanata Nine
Andito kami ngayon ni tita at kumakain sa labas. Parte ito ng pagbobonding namin bilang mag-ina . Awkward pero masarap sa pakiramdam.
"Mamaya dadaanan tayo ni Yat-yat. Sabay na tayong mag punta sa airport." Susunduin kasi namin sina ninang at tito. O diba? daig pa nila ang ang abroad ng maraming taon kung sunduin nila ang isa't isa.
"Ah, Tita bakit po ba Yat-yat ang tawag niyo kay Jake?" Tanong ko. Ang layo kasi sa pangalan na Christian Jake. Naitanong ko iyon habang kumakain kami.
"Ganito kasi yon. Nung bata pa siya, ang payat payat niya. Diba nakita mo naman sa video? Ayun kaya Yatyat ang itinawag ko sa kanya." Napa ahh naman ako sa haba ng kwento ni tita! Grabe yun pala ang dahilan? hahaha
Pagkatapos naming kumain, ay sumakay na kami ng van papuntang airport. Nasa loob na si Jake. At ayun nanaman ang napakasamang tingin niya.
Sa tingin niya ay masisindak ako dahil doon? hahaha Mas masindak siya sa akin dahil lalo lang syang mababadtrip sa gagawin ko. Hahahaha. Nakangiti akong nakatitig sa kanya. Sinong sisindakin niya? Ako? Haha kahit manigas siya sa katititig sa akin. Ngingitian ko pa rin siya!
Sakto lang naman ang pagpunta namin sa airport dahil andun na agad si ninang lang. Kami lang ni tita ang andon dahil alam naman na. Artista ang Yat-yat niya. Mahirap pag magpapakita siya sa isang pampublikong lugar gaya ng airport.
"Asan po si tito?" Nagtatakang tanong ko dahil mag-isa lang ni ninang na umuwi.
"Maiiwan muna ang tito mo doon, kasama niya ang daddy mo kaya wala kang dapat ipag-alala." Napanatag naman ang loob ko dahil may kasama si daddy doon na mapagkakatiwalaan ko.
Kaya diretso na agad kami sa sasakyan. Habang busy sila sa pag-uusap about sa business nila and staffs, busy rin ako sa katetext kay Armie. Oo nagpaplano na kami kung papaano namin gagantihan si Jake. hahaha
Hindi na ako makapaghintay na umuwi at nangangati na rin ang kamay ko. Akala niya siya lang ang marunong mang-inis?
"Kristine, ok ka lang? Balita ko nasaraduhan ka raw ng pinto kahapon?" Nagulat na lang ako nang bigalang naiba ang topic nila. Tinanong ako ni ninang kung okay lang talaga ako.
"Ah, oo nga po ninang eh! Pero ok lang po ako promise! hehe" Sabay tingin ko ng masama kay Jake na parang walang narinig. Nakikinig lang siya ng music.
"Sa susunod pag may nangyari sa'yo, tawagan or itext mo kami agad." Payo ni ninang.,
"Pero hindi ko pa po alam ang number niyo." Sagot ko naman.
"Akin na yang cellphone mo at ibibigay ko number ko. Kunin mo nalang lahat ng number namin." Kinuha niya yung cellphone ko at ipinalagay niya kay Jake ang number nila. Nabigla naman si Jake sa ginawa ng lola niya.
"Ilagay mo na rin ang number mo dyan." Utos ni ninang.
Padabog naman niyang kinuha ang cellphone na parang napilitan lang sundin ang inuutos nila.
Pagkatapos non ay inabot niya ang cellphone ko sa akin. And as usual yung tingin na naman niya saakin! Hmp! Sinuklian ko rin siya ng ganong tingin.
Mga mag- aalas singko na ng hapon nang makaratin kami sa bahay. Nagkwentuhan muna kami ninang tungkol sa pagkikita nila ni daddy.
Binigyan din niya ako ng isang cute na chinese mannequin bilang pasalubong.
Hindi na rin nagtagal ang pag-uusap namin dahil kinailangan na rin ni tita na magpahinga dahil sa biyahe.
Habang nagpapahinga na rin sila, ay isinagawa ko na ang plano. Bumalik ako dun sa kwarto na pinanggalingan namin ni tita kanina kung saan yung video na pinakaiingatan ni Jake,. Hahaha ang The Crying Rooster.
Pagkakuha ko sa CD, agad ko itong kinuha at inilagay sa laptop ko. Mabuti na lang at nagplay ito roon.
Kinokopya ko ito at inupload sa cellphone ko. Paulit-ulit kong piniplay yung itsura ni Jake habang iniiyakan niya ang isang maliit na rooster toy. Nakakatawa talaga ang itsura niya doon! hahaha.
Pagkatapos kong kinopya yun ay ibinalik ko rin ito sa kinalalgyan niya. Like a ninja! hahaha
Ngayon na ang taman oras. Mabuti na lang at ang bait talaga sa akin ng pagkakataon. Isa lang ang natutunan ko sa buhay na ito. Ang maghintay. Maghintay ng pagkakataon at mababalanse rin ang lahat.
Nakasave na sa akin ang number ni Jake. Hahaha!
Mya-maya ay sinend ko na sa kanya yung video! naka caption doon na. "HAHAHAHA hello rooster? Soon magiging viral ka na, kaya wag ng umiyak please?"
Maya-maya'y nagreply siya sa akin. "Sino ka?" ilang beses nyang tenext yun. hindi na ako nagreply. Maya-maya'y tumatawag na siya sa akin.
Kaya pinatay ko ang cellphone ko. Ayaw ko siyang sagutin.
Nagulat na lang ako ng biglang may kumatok sa pintuan ko.
"Hoy! Alam kong ikaw yan! Buksan mo tong pintuan kong ayaw mong sirain ko ito!" Si Jake! Hindi ko inakalang malalaman niya agad na ako ang may gawa non.
Kung kanina, tuwang tuwa ako, ngayon naman ay nanginginig na sa kaba. Paano kung mabuking ako? Paano kung pinalayas nilaako dito dahil sinisiraan ko ang anak nila? Ayaw kong mangyari yun. Kailangan kong mag-isip. Natataranta na ako! HUHUHU
Bat ba kasi ako nagpadalos-dalos sa ginagawa ko? Hindi ko pa ito ipinaalam kay Armie. Baka pati ako itakwil nun?
Laking ginhawa ko nung tumigil siya sa pagkakatok. Wooh! Kailangan kong mag-isip ng paraan.
Nagulat ulit ako nung may kumatok ng pintuan ko. Si ate Lisa. pinapababa nya ako dahil oras na raw para kumain.
Sa hapagkainan ay sobrang awkward ng aura. Nakakatakot ang mga titig na binibigay niya. Pero mukhang wala pang alam sina tita sa kung ano ang nangyayari.
"Mama, sinabihan ko na ang manager ni Yat-yat na magbakasyon muna siya hanggang sunday. Para naman makabonding natin siya." Sabi ni tita kay ninang,
"Aba, Maganda yan! Mabuti naman at naisipan mo yan. Para kasing nangangayayat na ang Yat-yat natin. Kailangan mo sigurong kumain ng marami diba Yat-yat?" sabi naman ni ninang.
"Opo." Yan lamang ang tanging tugon ni Jake. At nagpatuloy na sa pagkain. Mabuti na lang at parang wala siyang balak sabihin kay ninang ang ginawa ko.
"Kristine, may masama ba sa'yo?" Tanong ni tita. Napansin niya siguro ang hindi ko paggalaw ng kutsara ko. Wala kasi akong ganang kumain.
"Wala po. Siguro napagod lang po ako kanina. Pwede na po ba akong magpahinga?" Excuse ko.
Pumayag naman sila at umakyat na ako sa kwarto ko. Nanginginig. Ba't ba kasi biglang bumuhos ang ulan. Sinabayan pa ng lamig. Pinatay ko na lang ang aircon since malamig ang panahon. Pati panahon nakikisabay din sa akin. Ano ba ito! Bakit ang saklap ng sinapit ko? Huhuhu parang ayaw ko ng gumising bukas. Bakit ba kasi ang tanga tanga ko?

BINABASA MO ANG
Don't Credit My Heart
RomanceMay kakilala ka bang BSA student?? nawe-weirdohan ka na ba sa mga ikinikilos nila?? hehe kung tama ang hinala ko, at sa tingin mo'y dapat na silang magpatingin.. OOPPSS! teka muna,, basahin mo muna to!! para kahit papaano eh,, maintindihan mo naman...