Kabanata Fourteen.5
Continuation...
"May tubig ka ba diyan?"
"Binigyan na nga kita ng pagkain, maghahanap ka pa ng tubig? Wala ako nun."
"Edi bilhan mo ako ng tubig? Sige na nauuhaw na ako."
"May pera ka bat di ka bumili?" deretso lang siyang nakatingin sa minamaneho niya.
"Ninakawan kasi ako. Wala akong kahit na anong dalang pera sige na please!" Uhaw na uhaw talaga ako.
"Ayoko. Eto na lang." Binigyan niya ako ng isang bote ng Gatorade.
Hindi ko na magawang magreklamo kahit nabawasan na ito dahil sa sobrang uhaw. Ininom ko ito na para bang wala ng umaga. Nagpasalamat na lang ako sa kanya dahil kahit papaano ay binigyan niya ako ng pagkain kahit ang sama sama ng ugali niya.
"Aaaaahhhhh! *burp* Thank you Lord at nabusog ako." Sabay himas sa tiyan ko. Mabuti na lang at kahit papaano ay naibalik ko ang energy ko. ~(^_^)··
Tinignan ko si Jake na seryosong seryoso sa pagmamaneho. Kahit pala ang sungit nito at minsan este madalas niya akong bunabadtrip eh may awa rin pala siya.
"Jake..." Seryoso ako.
"Salamat ah." (·^^·)
Nagulat na lang ako nang biglang huminto yung sasakyan.
"TSK! This is bullsh*t!" Padabog na hinampas ang manibela
"Anong nangyari bakit mo hininto?"
Hindi siya umimik. Ilang beses niyang sinubukang ipihit ang susi para paandarin ang kotse niya pero hindi ito gumana.
"F*ck! Kasalanan mo ito eh! Tumirik tuloy. Pati pa ba kamalasan mo dinadala mo dito?"
Biglang uminit ang dugo ko. Bakit ako ang sinisisi niya? "Ano na namang kinalaman ko diyan? Nakisakay lang naman ako ah! At isa pa wala akong alam diyan sa sinasabi mo!" Yung goodvibes ko, nawala na.
"Tsss. Labas ka. Itulak mo itong kotse hanggang sa gate." Mabuti na lang at nakapasok na kami sa subdivision. Ilang metro na lang bago makarating sa gate ng bahay.
"Ano? Pagtutulakin mo ako hanggang gate? Kalalaki mong tao, hindi ka man lang magpapakagentleman?" Sigaw ko. Ano siya? Aso?
"All right sige, ikaw magdrive."
"Hindi ako marunong." Reklamo ko.
Tinignan niya ako ng masama.
"Hehe. Sabi ko nga, magtutulak ako. Hehe" Grabe, pinakain niya nga ako pero ito pala ang kapalit. Yung pagpapasalamat ko, binabawi ko na!
Mabuti na lang at saktong nagroronda si manong guard, humingi ako ng tulong sa kanya kaya tinawag niya yung iba pang mga kasama niya. Mabuti na lang at hindi na nila ako pinagtulak.
"Mabuti pa yung guard, gentleman! Samantalang yung isang ARTISTA DIYAN?????! grrrrrrrr!" pasaring ko sa kanya tsaka ko siya inirapan at dire-diretso ng pumasok sa bahay.
Pagdating namin ay kinwento ko lahat ng sinapit ko (Except yung tungkol kay Brent syempre) mula sa pagkamatay ng aso kuno ni Armie hanggang sa pinagtulak ako ni Jake ng sasakyan niya.
Mabuti na lang daw at ligtas ako. Na timing ang pagsakay sa akin ni Jake. Dahil kung hindi ay malamang sa malamang, ay baka nahimatay na ako sa daan dahil sa gutom. Which is, totoo naman yon.
Pagkatapos non ay tinawagan ako ni daddy. Sinabi ko na wala silang dapat na ipag-alala. Wag na rin nila akong padalhan dun sa dating ATM account ko dahil magpapagawa na lang ako ng bago.
BINABASA MO ANG
Don't Credit My Heart
RomanceMay kakilala ka bang BSA student?? nawe-weirdohan ka na ba sa mga ikinikilos nila?? hehe kung tama ang hinala ko, at sa tingin mo'y dapat na silang magpatingin.. OOPPSS! teka muna,, basahin mo muna to!! para kahit papaano eh,, maintindihan mo naman...