Kabanata Three

421 7 0
                                    

Kabanata Three

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog sa nakita ko. Alas tres na pero gising parin ako. Kanina ko pa itinigil ang pagbabasa ng mga lessons ko. Hindi ako maka move on. Nakita ko si Sandra Disch. Kahit sa malayo, ang Ganda niya. Hindi ako tomboy ha, pero nagagandahan ako talaga sa kanya.

Hindi rin ako yung tipong super fan girl, gusto ko lang talaga ang personality niya. Sa totoo lang, hindi ko nga pinapanood ang mga pelikula at teleserye niya. Mas gusto ko kasi ng American movies.

"Hija, gising na. May pasok ka pa sa paaralan niyo para hindi ka mahuli." Kinakatok na pala ako sa pintuan. Grabe ang sakit ng ulo ko. Hindi ko namalayang ang pagtulog ko.

"Andyan na po Manang!" Sagot ko kay Manang Tess. Matagal na siyang naninilbihan sa min. Mula nung namatay ang mommy ko noong 5 years old pa lang ako, siya na ang nagsilbi kong ina. Lagi kasing busy si daddy sa work eh. Bihira na lang kaming magkita. Madalas nasa ibang bansa siya.

Pagbaba ko, nakahain na ang lahat. Amoy na Amoy ko na ang sinaing.

"Ang bango naman niyan, Manang!" Bati ko kay Manang.

"Siyempre naman anak, kaya bilisan mo na diyan at mahuhuli ka na sa eskwela." Ang sweet talaga ni Manang.

"Okay po."

Kahit siguro late na ako sa school, hindi makakapayag si Manang na hindi ako kumakain ng agahan. Para sa kanya, importante raw iyon. Mabuti naman at kahit puyat ako ay hindi ako na late sa klase. Kailangan ko ring ihanda ang sarili ko sa quizes and seatworks mamaya.

Hays bakit kaya ganito ang buhay ko? Wala bang araw na wala kaming quiz? Yung tipo ba na matutulog ako nang maaga na walang inaalala kinaumagahan? Sana sumapit ang araw na ganon.

Pumasok ako sa school na maganda ang mood. Ang sarap kasi ng kinain ko eh! Medyo naparami hehe. Kahit medyo puyat. Sana ma-maintain ko itong mood na ito forever.

"Kristine! Grabe kinakabahan ako sa quiz natin sa law. Situational daw lahat!" balita ni Armie sa akin. Wala namang dapat ikagulat dahil ganon naman lagi.

"Ano ka ba, masanay ka na! Lagi namang situational diba?" Sagot ko.

"Ah basta kinakabahan talaga ako!"

"Jusme hindi lang ikaw, pati ako kinakabahan din noh! Abnormal na lang ang hindi kakabahan."

Pumasok kami sa classroom na maingay ang buong klase. Yung iba sa amin, nagrereview, pero karamihan, nagchichismisan lang. Nakakabadtrip lang talaga ang mga bunganga ng mga klasmeyts ko! Kaya nagsoundtrip na lang ako. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagkalabit sa akin ni Armie, senyas na andiyan na si ma'am. May dala-dalang test papers. Nagsitahimik naman ang lahat.

Bigla ulit nag-ingay nang makita ang taong nasa likuran ni ma'am. Si Jake Guzman. Jusko classmate ko siya? Hindi ko alam pero naiirita ako sa presence niya.

"Class, this is Jake. I know you knew him na." sabay kaway naman ng kamay niya. "Hello Po." Greetings kumbaga. Sigawan at tilian ng mga classmates ko pati na rin si Armie naki join sa kanila.

"So you can take your sit na. It doesn't mean na porket artista ka eh exceptional ka na sa mga quizes and activities sa klase na ito. Walang arti-artista." sabi niya ma'am.

"Ah, yes ma'am I understand." buti pa si prof napakaprofessional. Hindi biased. Though hindi siya mahigpit sa attendance, ang importante, nakakapag quiz at exam ka.

Humanap naman ng mauupuan si Jake at sakto sa sulok sa mismong likuran ko. Pagkapasa ng test papers, iaabot ko sa kanya yung papel. Nagulat siya nung makita niya ako. Mamukhaan kaya ako? Wala akong pakialam.

Isa lang ang masasabi ko. Sobrang hirap nung quiz. 75 items. Kahit sabihin natin na MCQ ito at bibilugan lang ang mga choices, sobrang hirap pa rin. Maliban na lang kung maswerte ka, makakapasa ka. Eh zero-based pa naman pagdating sa quizes? San ka pa!

Natapos ng isa't kalahating oras ang quiz. Sobrang bitin na oras. Yung natitirang kalahati, inilaan para sa checking.

"Please pass your paper at your back." wow. Sino bang nasa likuran ko? Si Jake Guzman lang naman diba? Kaya ibibigay ko ang papel ko sa kanya. At dahil nasa pinakalikod siya, ipapasa niya sa may harapan ang papel niya.

Pagkatingin ko sa kanya, nag smirk siya saakin. Ano kaya ang problema nito? In-ignore ko na lang yun. Para kasing tanga.

Tapos na ang checking. At nakakapandudang si Jake ang highest. Nakakuha siya ng 71.Samantalang ako, 52 lang. Hindi nakapasa. Boom Panes! Huhu. Nakakahiya siya pa naman nagcheck ng papel ko. Bakit ba ang galing niya? Paano kaya siya nagkakaroon ng time sa pag-aaral? Yung magandang mood ko kanina, napalitan na ng pagkabalisa.

At dahil sa siya ang highest, hindi raw dapat ipagtaka 'yon sabi ni ma'am dahil CPA-Lawyer ang mommy niya samantalang Architect naman ang daddy niya. Naghihiyawan at nagtitilian na naman ang mga classmates ko. Kinikilig. Edi siya na! Siya na ang pinagpala!

Hays! Hindi lang sa law at humanities ko siya naging kaklase kundi pati na rin sa Managerial accounting. Bihira lang siyang pumasok pero siya parin ang highest. Mailap din siya sa mga studyante. Kahit na pinagkakaguluhan na siya, ang galing pa rin niyang mag ninja moves. Unfair talaga ni Lord!

Ilang araw at linggo ang lumipas, at Natapos na rin ang Mala-impyernong araw para sa isang accountancy student. Ang Midterm Exam. Mabuti na lang at wala akong naibagsak na exam. Though hindi nga lang kataasan. Worth it naman ang pagsusunog ko ng kilay.

--------------------------------------------

Itong linggo na ito siguro ang pinakahihintay ng bawat estudyante, ang intramurals! Isang linggong palaro, ibig sabihin walang klase! Kahit na marami kaming assignments, okay lang at least hindi ko na kailangang pumasok at guimising nang maaga! Hahaha

Masaya rin ako kasi sa wakas, makakauwi na rin si Daddy. Kahit papaano eh makakapagbonding din kami.

Pero hindi rin pala. Ika nga nila, Never assume unless otherwise stated. Hays Ang lungkot ng linggong ito, Hindi makakauwi si daddy ng dalawang buwan!!!. Humingi rin ng leave si Manang Tess. Nagkasakit kasi ang Nag-Iisang anak niya sa probinsya at kailangan itong operahan. Hindi siya pwedeng hindi imuwi dahil walang mag-aalaga sa anak at mga apo niya. Kawawa naman ako. :( Nagkataon pa namang bakasyon. Sana may klase na lang.

Dahil wala akong makakasama sa bahay, nakiusap si daddy na makitira muna ako sa ninang ko pansamantala. Huhu ayoko talaga dun! Lagi nalang nila akong tinatanong tungkol sa accounting and stuffs! Pero wala akong magagawa, nasa probinsya ang ibang kamag-anak namin. Ayaw din naman ni daddy na mag-isa ko lang sa bahay.

Palibhasa kasi, CPA-Lawyer ang daughter-in-law ni ninang. Gusto niya maging ganon din daw ako. Wala pa akong nakikita kahit sino sa mga kamag-anak niya pero sana okay silang kasama.

Kailangan ko nang mag-impake at susunduin na rin nila ako maya-maya. Good luck talaga saakin! Sana makayanan ko dun!

Don't Credit My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon