Kabanata Twelve
SABADO
Ngayon na ang araw na pinakahihintay ko!Ang pagpunta namin sa isang charity event! Sinong hindi excited? hehe. Kahit medyo maaga at late na akong natulog ay pinilit ko pa ring bumangon. Kahit iilang oras lang ang tulog ko ay okay lang. 5:00am kasi ang usapan na pagkikita namin kasama ng mga Professors, JPIA officers and members. Kaya heto ako ngayon at nagmamadali dahil male-late na talaga ako!
"WAAAAAHHH... Late na po talaga ko, Mauna na po ako ate, kayo na po bahala magpaalam kina tita at ninang." Paalam ko doon sa isang katulong nila. Tulog pa kasi sina tita at nakakahiya naman kung gigisingin ko pa sila para lang magpaalam. Si Jake? Bahala yun sa buhay niya! Wala akong pakialam kung pupunta siya o hindi. Ayoko siyang gisingin baka kasi magalit nanaman yun.
5:06am. Muntik na. Hingal na hingal akong pumasok sa bus. Pagkapasok ko ay sakto naman itong umandar. Medyo malayo kasi ang ampunan na pupuntahan namin. Mga dalawang oras ang biyahe pag walang traffic. Para sa akin mas exciting ito kesa sa field trip.
"Grabe, ang ganda ng timing mo teh!" Bati sa akin ni Armie.
"Haha. Siyempre ako pa!" Kahit na hingal na hingal ako ay nagawa ko pa ring magyabang. Umupo na ako sa may tabi ni Armie.
Pagkaupo ko ay naging tahimik na ang lahat. Tanging musika na lang na naggagaling sa radyo ang naririnig ko. Yung iba natutulog pati na rin si Armie, yung iba naman, nagmumuni-muni lang, yung iba may katext. Basta ang tahimik. Hindi ako sanay.
Lahat siguro ay napuyat dahil kahapon. Ang dami kasing unexpected na pangyayari.
Kahapon kasi ginanap ang pinakaaabangan ng lahat ang cheering competition ng bawat colleges sa school. Ang daming tao. Dinaig pa ang concert ng isang hollywood celebrity sa dami ng tao. Hindi lang kasi ang cheering ang purpose ng iba, may special appearance nanaman kasi itong si Jake. Mukhang tuwang tuwa talaga ang school dahil kay Jake. Malamang sa malamang maraming magpapaenroll Next sem dahil sa kanya.
Kahapon pa lang ay badtrip na badtrip na talaga ako kay Jake. Lagi naman eh!
"Jake, isabay mo na si Kristine pagpasok sa school." Suggest ni tita kay Jake. Since schoolmate daw kasi kami ni Jake, okay naman daw sigurong magsabay kami.
"Naku, wag na lang po tita, baka magkagulo lang po."
"Anong ibig mong sabihing magkakagulo lang kayo? Magkaaway ba kayo ng anak ko?" nakupo!
"Tita, Hindi po yun. artista po si Jake. Alam niyo na, nagkakagulo sa school kaya mas mabuti na lang po na hindi kami mag sabay. Para po sa safety ni Jake." Paliwanag ko. Kahit sa totoo lang eh, wala akong pakealam kahit na barilin na siya sa harapan ko ngayon. Matutuwa pa siguro ako. Naconvince ko naman si tita kaya lang hindi si ninang. Pinilit pa rin niya kaming pagsabayin ni Jake. Kaya ako tuloy, napilitang sumabay sa kanya.
Kunwari namang gentleman itong si Jake. Ang sarap batukan! Kunwari isinakay niya ako pero binaba rin niya ako sa gate ng subdivision. Mas nakabubuti nga siguro yun dahil malaki talagang gulo pag nagkataong nagsabay kaming pumunta ng schiool.
"Salamat ha." sabi ko at binalabag ang pintuan ng kotse niya. Sinipa ko pa ito at sabay takbo ng mabilis! Hahaha wala akong pakialam kung magasgas ang kotse niya. Mayaman naman siya eh!
Pagdating sa school ay hindi talaga maasahan ang pagdami ng tao.
"Kristine!" Mabuti na lang at nakita ako agad ni Armie.

BINABASA MO ANG
Don't Credit My Heart
RomanceMay kakilala ka bang BSA student?? nawe-weirdohan ka na ba sa mga ikinikilos nila?? hehe kung tama ang hinala ko, at sa tingin mo'y dapat na silang magpatingin.. OOPPSS! teka muna,, basahin mo muna to!! para kahit papaano eh,, maintindihan mo naman...