Kabanata Eleven
"Hoooooooh! Grabe nakakah hiya hah... Tah lah gah!" Hingal na hingal kong ininom ang malamig na tubig sa pitchel na nakapatong sa lamesa. Wala na akong time kumuha ng baso sa sobrang pagkataranta. Hindi ko maimagine ang itsura kong nakatulala na Parang tanga sa harapan pa ng kagaya niya! Nakakaloka! Uminom pa ulit ako. Nang biglang sumulpot galing kung saan si Jake.
"Wala ka talagang manners." Sabi niya at inagaw sa akin ang pitchel na iniinuman ko.
Aba bastos talaga! "Hoy saan mo yan dadalhin?" Hindi siya sumagot. Nagpunta siyang lababo at Itinapon ang laman nitong tubig. "Teka bakit mo tinapon? Hindi pa ako tapos uminom!" Reklamo ko. Kumuha siya ng isang baso at iniabot ito sa akin. "B-bakit.... bakit baso lang! Asan ang tubig?" Npalunok ako ng laway ko. Hindi ako makapagsalita. Para kasing tanga magbibigay na nga lang ng basom wala pang tubig.
"Hindi ka ba marunong mahiya? Wala ka sa bahay mo. Dapat magpakita ka man lang kahit konting manners." Sabi nito at umalis na. Iniwan akong nakatanga.
"Aba, sino kaya sa atin ang walang manners? Antaray niyo naman po master! Sorry po ah, SOOORRRRYY POOOO!" Sabi ko. Ginaya ko pa yung pose ni Chichay. Pero ang weird binigyan niya ako ng baso. Kaya nilagyan ko na lang ito ng tubig at uminom ulit.
Humarap ako sa salamin sa may kusina. Sinubukan kong ulitin yung itsura ko kanina na nakatulala. Ugh! Ampanget talaga. Huhuhu
"AAAAAAHHHHH!!!!!!" napasigaw ako. Naalala ko na naman kasi yung kanina. Nakakahiya! Ibaon niyo na po ako sa lupa! Iliquidate niyo na po ako Lord!
"Ano bang problema mo?" Pagalit na bumaba si Jake at hingal na hingal. Nagulat ko ata siya sa pagsigaw ko.
"W-wala naman. Don't mind me! Ugh!" Sabi ko at tumakbo na ako papunta sa kwarto ko. Nakakahiya. Pati tuloy si Jake naistorbo ko. Nadamay sa kahihiyan ko.
Tinakpan ko ng unan ang ulo ko at nagpaikot-ikot sa kama. Waaaah! Gusto ko ng maiyak. "Pero teka!" Naalala ko kasi yung napanaginipan ko at yung sinabi ni ninang kaninang umaga. Totoo kayang sign na iyon ng pagkakaroon ko ng love life? Paano kung totoo yun? Bigla ko na lang tinakbohan yung guy. Hindi ko man lang nabigayan ng pagkakataon ang sarili ko?
"Nakakapanghinayang. Hay! Ang tanga tanga mo talaga Kristine!"
Kailangan naming magkita ni Armie! Kaya tinext ko sya para magkita kami sa school. Hindi pa naman tapos ang event. Wala na kasi akong mapagkwentuhan. Siya lang siguro ang makikinig sa akin. Sa kanya rin lang ako dapat magkwento.
"Anooooo! Ginawa mo yun? Chance mo ng magkaroon ng love life for the first time in forever! Pero bakit mo siya tinakbuhan?" Sermon ni Armie sa akin. Kinuwento ko na kasi lahat sa kanya. Pati yung palpak na paghihiganti ko kay Jake naikwento ko rin.
"Ano ba, akala ko ikaw ang kakampi ko? Bakit pinapagalitan mo ako?"
"Ano ka ba! Siyempre ikaw kakampi ko! Kaso sayang lang kasi yung pagkakataon eh! Gwapo siya, nginitian ka niya, sinabihang nakakatuwa ka! Nasa kanya na ang lahat! Daig niyo pa sana ang love story ng teleserye nila Jake at Sandra! Kaso anong ginawa mo? Sayang talaga girl!"
"Haaaay!" Tama siya. Sayang talaga. Huminga ako ng malalim. "Hay naku, kung siya talaga ang para sa akin, tadhana na lang ang gagawa ng paraan!"
"Tama ka diyan girl! Cheer up, kung kayo nga ang destined, magkikita pa rin kayo!" Tinapik niya ang balikat ko. "Yung assignment pala natin, pakopya! Hehe." Inabot ko naman sa kanya yung columnar ko. "Pero malay mo, hindi pala kayo ang magkatutluyan?" Bigla siya ulit nagsalita.
"Anong ibig mong sabihin?" Change mood?
"I mean, hindi pala kayo and dapat magkatuluyan dahil ang totoong destined para sa iyo ay nasa tabi tabi lang."
BINABASA MO ANG
Don't Credit My Heart
RomantizmMay kakilala ka bang BSA student?? nawe-weirdohan ka na ba sa mga ikinikilos nila?? hehe kung tama ang hinala ko, at sa tingin mo'y dapat na silang magpatingin.. OOPPSS! teka muna,, basahin mo muna to!! para kahit papaano eh,, maintindihan mo naman...